Posts

Ibinahagi ni Pau Gasol ang isang magandang mensahe sa kaniyang Hall of Fame speech, mensahe ng pagbibigay ng parangal sa kaniyang itinuring na kapatid sa Lakers na si Kobe Bryant.

Image
by KADRIBOL BASKETBALL (Click here to watch the video) Ibinahagi ni Pau Gasol ang isang magandang mensahe sa kaniyang Hall of Fame speech, mensahe ng pagbibigay ng parangal sa kaniyang itinuring na kapatid sa Lakers na si Kobe Bryant. Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Austin Reaves patungkol kay Russell Westbrook. Ibinahagi nga ni Reaves ang tunay na damdamin niya kay Westbrook, maging ang mga panahon na nasa Lakers pa itong si Russ, na ngayon nga ay nasa Los Angeles Clippers na. Ayon kay Reaves, isa raw si Westbrook sa mga naging paboritong kakampi niya, at palagi raw itong nasa magandang mood. Ibinahagi rin ni Reaves ang isang kwento habang sila ay magkakampi pa ni Westbrook sa Lakers. ito ay no'ng siya raw ay nagka-COVID sa Minnesota sa unang taon niya sa Lakers. At nag-reach out daw sa kaniya si Westbrook at kinamusta ang kalagayan niya, kaya't bilang isang person daw na gaya ni Westbrook, hindi ka na ...

Nagustuhan ni Stephen Curry ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa ginagawang trash talking ng Memphis Grizzlies.

Image
Visit SPORTS NATIN TO (YouTube) by SPORTS NATIN TO (Click here to watch the video) Nagustuhan ni Stephen Curry ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa ginagawang trash talking ng Memphis Grizzlies. Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong pagsang-ayon ni Draymond Green patungkol sa pagretiro ng jersey ni Kevon Looney sa Warriors. Sinabi nga ni Green na dapat lang daw na iretiro ng Warriors ang jersey ni Looney, at hindi lang daw ang jersey nila nina Stephen Curry at Klay Thompson. Alam naman natin na hindi naman gaya nina Green,Curry at Thompson ang hatid na impact nitong si Looney para sa Warriors dahil mas mataas pa rin ang impact na dala ng kanilang dynasty big 3 kumpara kay Looney. Na draft nga ng Golden State itong si Looney no'ng 2015, at bilang rookie, 5 games lang ang nalaruan niya, at no'ng 2017 lang siya nakapaglaro sa postseason, kauna-unahan niya 'yon. Lumaki lang ang role niya nang mawala na si Kevin Durant sa kanila...

Ang pinakahihintay nating paghaharap nina Kevin Durant at LeBron James ay malapit na nga nating mapanood, dahil inilabas na nga ang schedule ng kanilang laban para sa season ng 2023-24.

Image
by KADRIBOL BASKETBALL (Click here to watch the video) Ang pinakahihintay nating paghaharap nina Kevin Durant at LeBron James ay malapit na nga nating mapanood, dahil inilabas na nga ang schedule ng kanilang laban para sa season ng 2023-24. Medyo matagal-tagal na nga natin na hindi napanood ang dalawa na nagkaharap, pero ngayon, para sa opener ng Lakers, isinet ng NBA na sila ang unang magtapat, ang Phoenix Suns at ang Los Angeles Lakers. Ang laban nila ay nakatakdang maganap sa Oct.27, na ayon kay Sham Charania, no'ng 2018 pa ang huling pagkakataon na napanood natin ang dalawa na nagkaharap sa isang laban. Dalawang beses na ngang nagkaharap ang dalawa sa NBA Finals, taong 2017 at 2018, na parehong pinagwagian ni Durant at ng Golden State Warriors ang laban sa Cleveland Cavaliers ni LeBron, at si KD ang naging Finals MVP no'n, mga KaDribol. Tinalo naman ni LeBron si Durant no'ng 2012, no'ng nagkaharap sa NBA Finals ang Miami Heat ni LeBron at ang...

Nagsalita na nga ang napili ng Miami Heat na pang No.27 overall pick no'ng 2022 NBA Draft na si Nikola Jovic patungkol sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard.

Image
by TOP SPORTS PH (Click here to watch the video) Nagsalita na nga ang napili ng Miami Heat na pang No.27 overall pick no'ng 2022 NBA Draft na si Nikola Jovic patungkol sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard. Binigyang linaw niya na gusto niya sa Miami at gusto niyang magstay doon at lumaban ng basketball at lumaban bilang isang person dahil ang team daw ng Heat ay unbelievable. Malaki na raw ang naitulong sa kaniya ng team, at mahuhusay daw silang lahat, kaya't mangyari na raw ang dapat na mangyari, pero mas gusto raw talaga niya na magstay pa sa Miami. Si Jovic nga ay 20 years old pa lamang, at marami pa siyang pagkakataong lumago pa sa kaniyang paglalaro, at maging isang napakahalagang factor para sa isang koponan balang araw. Mayroon siyang length at abilidad na maglaro sa perimeter, at naipamalas niya iyon ng makalaban nila ang Washington Wizards no'ng Nov.19. Na bilang rookie, siya ay nakapagtala sa game na iyon ng...

Inilantad na nga ni Klay Thompson kung papaano niya itinitira ang bola, at kung papaano niya naibubuslo ang mga iyon, at kung bakit siya ay kinikilala na isa sa mga pinaka shooter ng liga.

Image
by SPORTS NATIN 'TO (Click here to watch the video) Inilantad na nga ni Klay Thompson kung papaano niya itinitira ang bola, at kung papaano niya naibubuslo ang mga iyon, at kung bakit siya ay kinikilala na isa sa mga pinaka shooter ng liga. Hindi raw mahalaga kung saan ka nakatapak, basta't naka-square raw sa basket ang iyong mga balikat, mataas daw ang chance na papasok ang bola, ang sabi ni Klay Thompson kay Paul George sa podcast nito na Podcast P. Kadalasan ang ganitong mga sikreto ng mga players ay hindi nila inilalantad na lang ng basta-basta sa publiko, nalalaman na lang natin iyon kapag ang isang atleta ay nagretiro na. Pero iba itong ginawa ngayon ni Klay Thompson, na isa sa kinikilala na sharpshooter sa Golden State Warriors, at isa sa kalahati ng Splash Brothers na may Stephen Curry. Dahil ibinahagi nga niya ang isang sikreto kung bakit siya ay naging isang matinik na shooter at kung papaano niya naipapasok ang kaniyang mga tira. Sa pangunguna...

Isa nga sa masaya sa naging pagpirma ni Anthony Davis ng $186 million three years extension sa Lakers ay itong si Austin Reaves.

Image
by KADRIBOL BASKETBALL (Click here to watch the video) Isa nga sa masaya sa naging pagpirma ni Anthony Davis ng $186 million three years extension sa Lakers ay itong si Austin Reaves. Pero may mga nagsasabi na ang pagbibigay daw ng Lakers kay Davis ng halagang $62 million na average na sahod kada taon ay napaka taas daw para sa isang big man na may history na ng hindi maganda sa kaniyang kalusugan. Para naman kay Austin Reaves, tama lang ang ginawa ng Lakers dahil si Davis daw ay isang napakahusay na player sa magkabilang dulo ng court. May incredible IQ daw itong si Davis, dagdag pa ni Reaves, masayang kalaro at masayang kasama, at habang kasama raw niya si Davis, mas lalo raw niyang mapaghuhusay ang kaniyang paglalaro. Marami man daw ang nagdududa na ngayon sa kakayahan ni Davis, pero wala raw pagtatalo na si Davis ay isa sa pinaka-skilled na player ngayon sa liga, pagpapatuloy pa ni Reaves. Tama naman si Reaves sa kaniyang mga sinabi, isa nga si Davis sa ...

Dapat daw na pasalamatan itong si Dwyane Wade dahil daw kase sa kaniya eh napunta sa Miami Heat itong si Jimmy Butler.

Image
by TOP SPORTS PH (Click here to watch the video) Dapat daw na pasalamatan itong si Dwyane Wade dahil daw kase sa kaniya eh napunta sa Miami Heat itong si Jimmy Butler. Hindi raw kase mangyayari na mapunta sa Miami itong si Butler kung hindi nagpasya itong si Wade na makipag-team up kay Butler sa Chicago Bulls. At ngayon nga ay isa sa nagiging dahilan kung bakit naging palaban na ang Miami Heat sa mga nakalipas na na mga seasons ay dahil na rin kay Butler. Si Butler na nga ang naging mukha ng kanilang prankisa magbuhat ng siya ay mapadpad na sa South Beach. Ang pagpunta naman ni Wade sa Chicago ay tumagal lamang ng isang season dahil pagkatapos ng season ng 2016-17, siya ay sumang-ayon sa pagbuy out sa kaniya ng Chicago. Napunta naman itong si Butler sa Miami nang siya ay itirade ng Philadelphia 76ers taong 2019, pero ipinakita pa rin niya na mas gusto talaga niya sa Miami, nang siya ay pumirma ng tatlong taong extension worth $146.4 million no'ng 2021. ...