Isa nga sa masaya sa naging pagpirma ni Anthony Davis ng $186 million three years extension sa Lakers ay itong si Austin Reaves.
Isa nga sa masaya sa naging pagpirma ni Anthony Davis ng $186 million three years extension sa Lakers ay itong si Austin Reaves.
Pero may mga nagsasabi na ang pagbibigay daw ng Lakers kay Davis ng halagang $62 million na average na sahod kada taon ay napaka taas daw para sa isang big man na may history na ng hindi maganda sa kaniyang kalusugan.
Para naman kay Austin Reaves, tama lang ang ginawa ng Lakers dahil si Davis daw ay isang napakahusay na player sa magkabilang dulo ng court.
May incredible IQ daw itong si Davis, dagdag pa ni Reaves, masayang kalaro at masayang kasama, at habang kasama raw niya si Davis, mas lalo raw niyang mapaghuhusay ang kaniyang paglalaro.
Marami man daw ang nagdududa na ngayon sa kakayahan ni Davis, pero wala raw pagtatalo na si Davis ay isa sa pinaka-skilled na player ngayon sa liga, pagpapatuloy pa ni Reaves.
Tama naman si Reaves sa kaniyang mga sinabi, isa nga si Davis sa pinaka-skilled na player ngayon, at kapag siya ay healthy, siya ay maituturing natin na pasok sa top 5 na best player na naglalaro ngayon sa NBA.
Ilang araw pa nga lang ang nakakalipas, nang papirmahin na nga ng Lakers itong si Davis ng three years contract extension worth $186 million, at sinigurado na nila na mananatili pa sa kanila si AD ng mahabang panahon.
Para sa akin, mga KaDribol, makatuwiran naman ang ginawa ng Lakers dahil totoo naman ang sinabi ni Reaves, na si Davis ay may incredible na basketball IQ, lalo na pagdating sa depensa.
Nakita naman na natin kung gaano siya kagaling bilang rim protector, at mahusay din ang timing niya, magaling din siya sa pagkuha ng pwesto, at lagi niyang ramdam ang game kapag siya ay naglalaro na sa loob ng court.
Malaki talaga ang nakukuha ng Lakers kay Davis kapag siya ay nasa attack mode, napanood na natin iyon, nang ang Lakers ay nagkampeon no'ng 2020.
Napre-pressure ng Lakers ang mga nakakalaban nila kapag sina Davis at LeBron James ay umaatake sa loob ng paint na agresibo.
Kaya nga lang, unti-unti nang nalilimutan ng ibang mga fans ang nagawa na ito ni Davis para sa Lakers, dahil ang nakikita na nila ngayon kay AD ay ang hindi na nito nagagawa na makapaglaro ng maraming games para sa Lakers dahil nga sa mga injuries na natatamo niya.
Kagaya ngayong taon, naging inconsistent si Davis, lalo na sa playoffs, at palagi na lang siyang may nami-missed na nasa 20 games kada season.
Pero iba ang nakikita ng mga nasa opisina ng Lakers sa nakikita ng mga fans, kaya nga, pinapirma nila si Davis ng isang magandang kontrata na tatagal ng tatlong taon.
Nakagawa na nga ng magandang pagkilos ang Lakers ngayong offseason, at sinigurado nila na ang mga makukuha nilang mga players.ay ang mga makakatulong ni LeBron habang siya ay nasa mataas pa rin ng antas ng kaniyang paglalaro.
Intact pa rin naman ang kanilang roster dahil napabalik at nasa kanila pa rin ang kanilang mahahalagang contributors no'ng nakaraang season, at nakapagdagdag pa sila ng ilang mga talentadong players na panigurado ay magkakaroon sa kanila ng mahalagang mga roles sa panibagong season na paparating.
At ngayon nga ay masaya si Austin Reaves dahil ginawa ng Lakers ang nararapat para kay Anthony Davis.
Sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito Reaves, mga KaDribol?
Masaya rin ba kayo na sinigurado na ng Lakers na maglalaro pa rin sa kanila si AD ng mahabang panahon pa?
Comment lang kayo diyan sa comment section at pag-usapan natin iyan.
Comments
Post a Comment