Ibinahagi ni Pau Gasol ang isang magandang mensahe sa kaniyang Hall of Fame speech, mensahe ng pagbibigay ng parangal sa kaniyang itinuring na kapatid sa Lakers na si Kobe Bryant.



Ibinahagi ni Pau Gasol ang isang magandang mensahe sa kaniyang Hall of Fame speech, mensahe ng pagbibigay ng parangal sa kaniyang itinuring na kapatid sa Lakers na si Kobe Bryant.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Austin Reaves patungkol kay Russell Westbrook.

Ibinahagi nga ni Reaves ang tunay na damdamin niya kay Westbrook, maging ang mga panahon na nasa Lakers pa itong si Russ, na ngayon nga ay nasa Los Angeles Clippers na.


Ayon kay Reaves, isa raw si Westbrook sa mga naging paboritong kakampi niya, at palagi raw itong nasa magandang mood.

Ibinahagi rin ni Reaves ang isang kwento habang sila ay magkakampi pa ni Westbrook sa Lakers.

ito ay no'ng siya raw ay nagka-COVID sa Minnesota sa unang taon niya sa Lakers.


At nag-reach out daw sa kaniya si Westbrook at kinamusta ang kalagayan niya, kaya't bilang isang person daw na gaya ni Westbrook, hindi ka na raw makakakuha pa ng mas magaling na kagaya niya.

Ganito man ang sinabi ni Reaves, hindi pa rin maitatago ang katotohanan na hindi talaga nag-fit sa Lakers itong si Westbrook.

At kahit na ba na nag-enjoy pa si Westbrook sa ilang magagandang sandali sa Lakers, hindi na rin naman nakakagulat pa kung bakit kinailangan ng Lakers na siya ay alisin na nila sa kanila.


Sinabi rin ni Reaves ang dahilan kung bakit hindi nakuha ni Westbrook ang tamang timpla niya sa Lakers, at ito raw ay dahil sa hindi talaga siya umangkop sa Lakers.

At hindi raw niya naisip na ang samahan nila ay magdadala pala kay Westbrook kung saan siya naroroon ngayon.

Hindi naman kase lumayo si Westbrook sa Los Angeles dahil sa Clippers siya napunta at nagkaroon doon ng malaking role sa naging run nila sa playoffs.


At muli nga siyang pinapirma ng Clippers ngayong offseason, kaya't mapapanood pa rin natin siya sa panibagong season na darating.

Ano ang masasabi niyo rito?

Balikan natin si Pau Gasol.


Naging emosyonal nga si Gasol ng inalala niya at nagbigay tribute siya kay Kobe, at sinigurado niya na sa pag-akyat niya sa stage ay mabibigyan niya ng parangal ang kaniyang mabuting kaibigan at kapatid na na maituturing.

Ipinaalam nga ni Gasol sa lahat kung gaano kalaki ang impact na naibigay ni Kobe sa kaniyang career, at sinabi din niya na hindi niya maaabot ang taas ng antas ng kaniyang paglalaro kung wala si Kobe.

Tinuruan daw siya ni Kobe kung papaano mananalo sa mataas na antas ng paglalaro, at ipinakita rin daw sa kaniya ni Kobe kung papaano na kailangan mong magtrabaho ng todo.


Maging kung ano ang mentality na dapat mo raw taglayin upang ikaw ay maging pinaka magaling sa lahat, maging ang commitment na dapat mong gawin, kung ano raw ang ibig sabihin nito at kung papaano ba ang maging isang leader.

Inalala rin ni Gasol ang trade na nagdala sa kaniya patungo sa Lakers mula sa Memphis Grizzlies, at kung hindi raw dahil kay Kobe, wala raw siya ngayon sa kinatatayuan niya.

Ikinuwento rin ni Gasol kung papaano siya tinanggap ni Kobe sa gabing nakuha na siya ng Lakers mula sa trade no'ng 2008, na si Kobe raw ay nagtungo pa sa kaniyang kwarto ng hating gabi, Upang masabi lamang daw sa kaniya na sila raw ay mananalo ng kampeonto.


Isa ngang magandang mensahe ang ipinaabot ni Gasol kay Kobe, na panigurado, nagpaiyak sa ilang mga fans ng Lakers.

At napaka ganda sanang sandali ito kung sina Kobe at ang anak niyang si Gigi ay naroon upang masaluhan si Gasol sa isa sa mahalagang sandali  ng kaniyang buhay.

Pero kahit na ba wala doon sina Kobe at Gigi, sinigurado naman ni Gasol na ang legacy ni Kobe ay hindi mababaon na lamang sa limot.


Ano ang masasabi niyo rito?


Comments

Popular posts from this blog

Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.

Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.