Inilantad na nga ni Klay Thompson kung papaano niya itinitira ang bola, at kung papaano niya naibubuslo ang mga iyon, at kung bakit siya ay kinikilala na isa sa mga pinaka shooter ng liga.
Inilantad na nga ni Klay Thompson kung papaano niya itinitira ang bola, at kung papaano niya naibubuslo ang mga iyon, at kung bakit siya ay kinikilala na isa sa mga pinaka shooter ng liga.
Hindi raw mahalaga kung saan ka nakatapak, basta't naka-square raw sa basket ang iyong mga balikat, mataas daw ang chance na papasok ang bola, ang sabi ni Klay Thompson kay Paul George sa podcast nito na Podcast P.
Kadalasan ang ganitong mga sikreto ng mga players ay hindi nila inilalantad na lang ng basta-basta sa publiko, nalalaman na lang natin iyon kapag ang isang atleta ay nagretiro na.
Pero iba itong ginawa ngayon ni Klay Thompson, na isa sa kinikilala na sharpshooter sa Golden State Warriors, at isa sa kalahati ng Splash Brothers na may Stephen Curry.
Dahil ibinahagi nga niya ang isang sikreto kung bakit siya ay naging isang matinik na shooter at kung papaano niya naipapasok ang kaniyang mga tira.
Sa pangunguna nga ng kanilang head coach na si Steve Kerr, na former sharpshooter din ng NBA, natural lang na maipapamana niya sa kaniyang mga players ang istilo ng kaniyang paglalaro.
At sa istilo nilang nabuo, nabago nila kung papaano laruin ang game.
Na phased out nila ang mid-range shots, at napataas ang pangangailangan sa mga playmakers at sa mga floor-spacers na mga big men.
Isa rin sa mahalagang istilo na nabuo ni Steve Kerr para sa sistema ng Warriors ay ang off-ball movement, pero ang pinaka sa pinakang mahalaga para sa Warriors ay ang kanilang shooting.
At dahil sa inilantad na ni Klay kung papaano niya naipapasok ang kaniyang mga tira, kakayanin na kaya nating mga humahanga sa kanilang kagalingan sa pag-shoot ng bola na maging kagaya rin nila?
Para sa akin, mga Idol, hindi pa rin tayo magiging gaya nila, dahil higit pa sa advice lamang ang kinakailangan upang maging isang napakahusay na shooter na gaya ng Splash Brothers.
Pero para sa mga aspiring shooters, pwede nilang sundan ang advice na ito ni Klay Thompson at idagdag nila sa mga routines na isinasagawa nila sa kanilang mga pag-eensayo.
Kayo, mga Idol, na nangangarap at nag-aaral na maging shooter na kagaya nina Klay at Steph, susundan at gagawin niyo na ba ang shooter advice na ito ni Klay Thompson?
Sampung seasons na ngang ipinamamalas ni Thompson ang kaniyang pagiging shooter sa Warriors.
At sa kaniyang career, siya ay nag-aaveraged na ng 19.8 points, 3.5 rebounds at 2.3 assists per game, 45.5 percent shooting sa field, 41.2 percent shooting sa tres at 85.2 percent shooting sa free throw line.
Limang beses na nga rin siyang napasama sa All-Star game, at apat na beses na rin siyang nagkampeon sa NBA.
Last season naman, si Klay ay nag-averaged ng 21.9 points, 4.1 rebounds at 2.4 assists per game, 43.6 percent shooting sa field, 41.2 percent shooting sa tres at 87.9 percent shooting sa free throw line.
Ilan kaya sa mga nakapanood ngayon ng videong ito at narinig ang advice na ito ni Klay Thompson, ay gagawin at isasama na iyon sa kanilang pag-eensayo?
Isa na ako do'n, mga Idol.
I-comment niyo lang diyan sa comment section kung isa ka sa susunod sa advice na ito ni Klay Thompson.
Comments
Post a Comment