Nagustuhan ni Stephen Curry ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa ginagawang trash talking ng Memphis Grizzlies.
Visit SPORTS NATIN TO (YouTube)
Nagustuhan ni Stephen Curry ang sinabi ni Austin Reaves patungkol sa ginagawang trash talking ng Memphis Grizzlies.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong pagsang-ayon ni Draymond Green patungkol sa pagretiro ng jersey ni Kevon Looney sa Warriors.
Sinabi nga ni Green na dapat lang daw na iretiro ng Warriors ang jersey ni Looney, at hindi lang daw ang jersey nila nina Stephen Curry at Klay Thompson.
Alam naman natin na hindi naman gaya nina Green,Curry at Thompson ang hatid na impact nitong si Looney para sa Warriors dahil mas mataas pa rin ang impact na dala ng kanilang dynasty big 3 kumpara kay Looney.
Na draft nga ng Golden State itong si Looney no'ng 2015, at bilang rookie, 5 games lang ang nalaruan niya, at no'ng 2017 lang siya nakapaglaro sa postseason, kauna-unahan niya 'yon.
Lumaki lang ang role niya nang mawala na si Kevin Durant sa kanilang team, na siya ay naging isa sa mahalagang contributor sa dalawang kampeonatong nakuha ng Warriors at sa dalawang NBA Finals kung saan sila ay natalo.
Isa rin siya sa pinaka durable na player ngayon sa NBA dahil dalawang sunod na na seasons na wala siyang na missed na game, ganito katibay ang mamang ito.
At patuloy ding tumataas ang kaniyang average kada season sa tatlong seasons na niyang nailaro.
At nito lang season, siya ay nag-averaged ng 7.0 points at 9.3 rebounds per game, at napakalakas din niyang rumebound, na nito lang playoffs, siya ay humakot ng 13.1 rebounds per contest.
Mahalaga din ang depensa niya para sa Warriors, kaya't may punto talaga si Green sa sinang-ayunan niya, na dapat lang daw na iretiro ang jersey ni Looney sa Warriors kapag natapos na ang serbisyo nito sa kanila.
Kayo, ano ang masasabi niyo dito?
Para sa isa pa nating pag-uusapan sa ngayon.
Sa naging appearance nga ni Reaves sa Full Send Podcast, natanong siya kung sinong players ang palagi siyang tina-trash talk, at hindi naman siya nag-alinlangan na pangalanan kung sino iyon, at iyon daw ay si Ja Morant at ang buong team ng Memphis.
At nagustuhan nga ni Steph ang sinabi na ito ni Reaves dahil maging siya ay ayaw din niya ang ginagawang trash talking ng Grizzlies, at ni-like niya ang post sa Instagram kung saan mababasa doon ang sinabi ni Reaves patungkol nga sa trash talking ng Memphis.
Wala nang iba pang sinabi itong si Curry, kundi ni-like lang niya ang post, pero kahit na hindi siya nagcomment, malinaw naman ang mensaheng ipinaabot niya sa pamamagitan ng paglike niya sa post na iyon.
Ibig lang sabihin nito, agreed siya sa sinabi ni Reaves at ipinaaalam niya sa lahat na ang sinabi ni Reaves ay totoo.
Marami na nga kasing nangyari at naranasan itong si Steph na pagtrash talk sa kaniya ng Memphis Grizzlies, kaya nga may nabuo pa na rivalry daw di umano sa pagitan ng Warriors at ng Grizzlies.
Pero ngayon na wala na sa Memphis si Dillon Brooks, magpatuloy pa kaya ang trash talking ng Grizzlies sa pagpasok ng 2023-24 season?
Ayon pa nga kay Reaves, masarap daw sa pakiramdam na natalo nila ang Memphis sa playoffs dahil sa dami raw na sinasabi na mga ito na mga salitang hindi magaganda para sa kanila.
At sana naman ay natuto na ang Memphis sa nangyari sa kanila last season, na huwag na nilang gagalitin ang gaya nina Curry at Reaves dahil lalo lang nila binibigyang dahilan ang dalawa upang sila ay pabagsakin nila.
Ano ang masasabi ninyo dito?
Comments
Post a Comment