Dapat daw na pasalamatan itong si Dwyane Wade dahil daw kase sa kaniya eh napunta sa Miami Heat itong si Jimmy Butler.
Dapat daw na pasalamatan itong si Dwyane Wade dahil daw kase sa kaniya eh napunta sa Miami Heat itong si Jimmy Butler.
Hindi raw kase mangyayari na mapunta sa Miami itong si Butler kung hindi nagpasya itong si Wade na makipag-team up kay Butler sa Chicago Bulls.
At ngayon nga ay isa sa nagiging dahilan kung bakit naging palaban na ang Miami Heat sa mga nakalipas na na mga seasons ay dahil na rin kay Butler.
Si Butler na nga ang naging mukha ng kanilang prankisa magbuhat ng siya ay mapadpad na sa South Beach.
Ang pagpunta naman ni Wade sa Chicago ay tumagal lamang ng isang season dahil pagkatapos ng season ng 2016-17, siya ay sumang-ayon sa pagbuy out sa kaniya ng Chicago.
Napunta naman itong si Butler sa Miami nang siya ay itirade ng Philadelphia 76ers taong 2019, pero ipinakita pa rin niya na mas gusto talaga niya sa Miami, nang siya ay pumirma ng tatlong taong extension worth $146.4 million no'ng 2021.
Pinirmahan niya ang kontratang ito.matapos na sila ay makagawa ng deep run sa playoffs hanggang sa nakaabot nga sila sa NBA Finals no'ng 2020 laban sa Los Angeles Lakers sa Bubble.
Iyon ang unang beses na nadala ni Butler ang Heat sa Finals at nito nga lang taon na ito, muli na naman niyang nadala ang Miami sa Finals laban naman sa Denver Nuggets.
At dahil dito, napatunayan na ni Butler na siya ay isa nang legend ng Heat na kagaya ni Dwyane Wade.
Nakabalik pa nga sa Miami itong si Wade pagkatapos na siya ay maglaro sa Bulls at sa Cleveland Cavaliers,bago siya nagretiro na sa pagtatapos ng season ng 2018-19.
Si Wade nga ay naglaro ng 16 seasons sa NBA sa mga koponan ng Miami Heat, Chicago Bulls at Cleveland Cavaliers.
At siya ay nag-averaged ng 22.0 points, 4.7 rebounds, 5.4 assists at 1.5 steals per game, 48.0 percent shooting sa field, 29.3 percent shooting sa tres at 76.5 percent shooting sa free throw line.
Napili rin si Wade na maglaro sa All-Star game ng 13 times, at nagkaroon din siya ng isang Finals MVP, at nagkampeon na siya ng tatlong beses.
Ano ang masasabi niyo sa sinabi na ito ni Wade? Dapat nga ba siyang pasalamatan? na kung hindi raw dahil sa kaniya eh hindi raw mapupunta itong si Butler sa Miami Heat?
Ano ang opinyon niyo dito? I-comment niyo lang diyan sa comment section.
Comments
Post a Comment