Nagsalita na nga ang napili ng Miami Heat na pang No.27 overall pick no'ng 2022 NBA Draft na si Nikola Jovic patungkol sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard.



Nagsalita na nga ang napili ng Miami Heat na pang No.27 overall pick no'ng 2022 NBA Draft na si Nikola Jovic patungkol sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan para sa trade kay Damian Lillard.

Binigyang linaw niya na gusto niya sa Miami at gusto niyang magstay doon at lumaban ng basketball at lumaban bilang isang person dahil ang team daw ng Heat ay unbelievable.

Malaki na raw ang naitulong sa kaniya ng team, at mahuhusay daw silang lahat, kaya't mangyari na raw ang dapat na mangyari, pero mas gusto raw talaga niya na magstay pa sa Miami.



Si Jovic nga ay 20 years old pa lamang, at marami pa siyang pagkakataong lumago pa sa kaniyang paglalaro, at maging isang napakahalagang factor para sa isang koponan balang araw.

Mayroon siyang length at abilidad na maglaro sa perimeter, at naipamalas niya iyon ng makalaban nila ang Washington Wizards no'ng Nov.19.

Na bilang rookie, siya ay nakapagtala sa game na iyon ng 18 points at 6 rebounds sa loob ng 30 minutes na paglalaro, kung saan sila ay natalo sa overtime.


Ang Miami nga ay isa sa mga teams na patuloy na nagpapakita ng magandang paglalaro pagdating sa postseason, bagaman bigo pa rin nga sila na maiuwi ang titulo, magbuhat ng mapunta sa kanila si Jimmy Butler.

Dalawang beses na silang nakarating sa NBA Finals at tatlong beses sa Eastern Conference Finals sa dekadang ito.

Pero walang duda na may missing piece pa rin nga sa kanila upang makamit na nila ang kanilang ultimate goal, ang championship ring.


At ang malaking pagkakataon na makuha nila ang titulo ay kumakatok na sa kanilang pintuan, nang magrequest na nga itong si Damian Lillard ng trade sa Portland Trail Blazers, at nagsabi na ang gusto niyang mapuntahan team ay ang Miami Heat.

Gusto nga rin siya ng Miami, at nakikita rin nila na si Lillard na ang magiging kasagutan sa lahat ng naging pagkukulang nila na makamit ang pinakamalaking tagumpay sa NBA.

At naglabasan na nga ang mga pangalan ng mga players ng Miami na iniaalok daw nila sa Blazers kapalit ni Lillard.


Sina Tyler Herro at ang beteranong si Kyle Lowry ang mga pangunahing mga pangalan na lumutang sa mga trade rumors, at ngayon nga ay nasasama na rin ang pangalan ni Nikola Jovic para sa trade kay Lillard.

Si Jovic nga ay batang player ng Miami Heat na kanilang dine-develop na maging isang key contributor para sa forward position sa lalong madaling panahon.

Pero mukhang hindi na nila magagawa pa ito o makikita pa ito kay Jovic, kapag ginusto ng Blazers na mapasama siya sa trade kay Lillard.


Habang wala pa ngang napagkaksunduang deal patungkol dito, naiulat nga ni Sham Charania no'ng Miyerkules na ang Miami ay naghanda na ng trade package para sa Blazers na kinapapalooban ni Tyler Herro, isang batang player na gaya ni Nikola Jovic at draft compensation.

Magawa nga kaya ng Heat na makipagtrade sa Blazers na hindi mawawala sa kanila itong si Nikola Jovic?

O okay lang ba na mapasama na si Jovic sa trade kay Lillard, dahil mas importante na makuha nila si Lillard kaysa kanino man?


Kung ako ang tatanungin, okay na rin siguro iyon, pero kung kayo tatanungin, mga KaTop Sports, agree ba kayo na mapasama sa trade itong si Nikola Jovic?

O parehas kayo ng damdamin ni Jovic na gusto pa rin na siya ay magstay pa sa Miami Heat?

Comment lang kayo dyan sa comment section at ating pag-usapan iyan.


Comments

Popular posts from this blog

Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.

Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.