Ang pinakahihintay nating paghaharap nina Kevin Durant at LeBron James ay malapit na nga nating mapanood, dahil inilabas na nga ang schedule ng kanilang laban para sa season ng 2023-24.



Ang pinakahihintay nating paghaharap nina Kevin Durant at LeBron James ay malapit na nga nating mapanood, dahil inilabas na nga ang schedule ng kanilang laban para sa season ng 2023-24.

Medyo matagal-tagal na nga natin na hindi napanood ang dalawa na nagkaharap, pero ngayon, para sa opener ng Lakers, isinet ng NBA na sila ang unang magtapat, ang Phoenix Suns at ang Los Angeles Lakers.

Ang laban nila ay nakatakdang maganap sa Oct.27, na ayon kay Sham Charania, no'ng 2018 pa ang huling pagkakataon na napanood natin ang dalawa na nagkaharap sa isang laban.



Dalawang beses na ngang nagkaharap ang dalawa sa NBA Finals, taong 2017 at 2018, na parehong pinagwagian ni Durant at ng Golden State Warriors ang laban sa Cleveland Cavaliers ni LeBron, at si KD ang naging Finals MVP no'n, mga KaDribol.

Tinalo naman ni LeBron si Durant no'ng 2012, no'ng nagkaharap sa NBA Finals ang Miami Heat ni LeBron at ang Oklahoma City Thunder ni Durant.

Kasama sa ini-report ni Sham Charania, mga KaDribol, na ang opening night ng Phoenix Suns ay laban naman kay Chris Paul at sa bago niyang team na Golden State Warriors, na ite-televised ng TNT, at isa rin ito sa kaabang-abang na mapanood.


At ang huling schedule ng Suns ngayong taon ay sa Dec.26, kung saan ang makakatapat naman nila ay si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks, ang kanilang rival sa Western Conference semifinals.

Nagkaroon nga ang Suns ng best season nila nang mai-trade sa kanila si Durant kapalit nina Mikal Bridges at Cameron Johnson na may kasamang draft capital.

Isa pa sa aabangan natin para sa Phoenix Suns ay ang bago nilang miyembro na si Bradley Beal, na bumuo nga ngayon sa Big 3 ng Suns, kabilang sina KD at Devin Booker.


Ang kaabang-abang naman para sa Lakers ay ang mga bagong dagdag din sa kanila na sina Gabe Vincent, Jaxson Hayes, Taurean Prince at Cam Reddish, na nagpalalim ngayon ng kanilang bench.

Umabot nga hanggang West semifinals ang Suns ngayong taon, pero sa mas pinalalim na bench nila ngayon at sa bago nilang head coach na si Frank Vogel na former head coach ng Lakers, susubukan nila na magkampeon next year.

Ang Lakers naman ay nakaabot hanggang sa West Finals na talaga namang nagkaroon sila ng maganadang run matapos ang trade deadline, kaso nga lang ay nadaig sila ng Denver Nuggets at hindi na sila nakapagpatuloy pa sa NBA finals.


Dalawang beses na ngang nagkampeon si Durant at apat naman kay LeBron, at sila ay kapuwa nasa edad na na 30's pero sila ay nasa mga teams naman na may kakayahang lumaban para sa titulo ngayong season.

Last season, si Durant ay nag-averaged ng 29.1 points, 6.7 rebounds at 5.0 assists sa 35.6 minutes played per game, 56.0 percent shooting sa field, 40.4 percent shooting sa tres at 91.9 percent shooting sa free throw line, sa loob ng 47 regular season games.

Si LeBron naman last season ay nag-averaged ng 28.9 points, 8.3 rebounds at 6.8 assists sa 35.5 minutes played per game, 50.0 percent shooting sa field, 32.1 percent shooting sa tres at 76.8 percent shooting sa free throw line, sa loob ng 55 regular season games.


Sino kaya sa dalawa ang unang makakalasap ng panalo sa paghaharap nila muling dalawa, mga KaDribol?

At ano ang masasabi ninyo patungkol dito?

I-comment niyo lang diyan at ating pag-usapan iyan.


Comments

Popular posts from this blog

Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.

Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.