Two-Big Lineup planong gamitin ng Lakers para sa susunod na season.
Nagkaroon nga ng magandang offseason ang Lakers pagdating sa free agency, mga KaDribol.
Mas napalakas nila ang kanilang koponan ngayon, matapos na makapagpirma sila ng mahahalagang mga players na mga free agents.
At ito ay nakita natin, matapos naman na makagawa sila ng hindi natin inaasahan na run patungo sa West Finals pagkatapos ng trade deadline.
At ang isa nga sa napapirma nila ang bigman na naglaro sa New Orleans Pelicans last season na si Jaxson Hayes.
Medyo nagkakaroon nga itong si Hayes ng hindi magandang career so far, habang sinusubukan niyang ilagay ang kaniyang sarili bilang isang kapaki-pakinabang na reserve center sa NBA ,mga KaDribol.
At mukhang magkakaroon siya ng magandang pagkakataon na magawa iyon ngayon sa Lakers.
Dahil ayon kay Jovan Buha ng The Athletic, plano daw ngayon ng Lakers na maglaro next season gamit ang two-big lineup,
Na pangungunahan nga nina Jaxson Hayes at Anthony Davis.
Maganda ito para kay Davis, dahil alam naman na natin na mas komportable siya na maglaro bilang power forward kaysa siya ang sentro.
Nu'ng unang salta nga niya sa Lakers, power forward ang inilaro niya, kaso nga lang nitong huling dalawang seasons, siya ay naglaro bilang sentro, mga KaDribol.
At kung totoo man na plano talaga ng Lakers na ibalik itong si Davis sa pagiging power forward, mas mataas ang chance na ang gagawin naman nilang sentro ay itong si Hayes, dahil si Jarred Vanderbilt ay power forward din ang kadalasang inilalaro.
Apat na seasons na ngang nakapaglaro itong si Hayes, at lahat ng iyon ay sa Pelicans.
At last season, siya ay nakapaglaro lamang ng 47 games mula sa bench, dalawa doon, siya ay naging starter, 13.0 minutes per game ang naging averaged ng kaniyang paglalaro, pinaka mababa ito sa kaniyang career.
Siya ay nag-averaged ng 5.0 points at 2.8 rebounds, 55.1 percent shooting sa field at 69.9 percent shooting sa free throw line, mga KaDribol.
At base na rin sa nai-report ni Buha, kapag naglaro na ang Lakers na gamit ang two-big lineup nila, maglalaro muli si LeBron bilang small forward,
At matatalaga siya na magbantay ng mas mabilis sa kaniya, at mga batang wing players ng liga.
Comments
Post a Comment