Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.



Nabigo nga ang Golden State Warriors na depensahan ang kanilang titulo ngayong season, pero ang sisi ay hindi mapupunta kay Stephen Curry, mga idol.

Dahil kahit na ba na siya ay nasideline sa dalawang magkahiwalay na buwan dahil sa injury, nakalapit pa rin naman siya sa kaniyang all-time best ngayong season.

At isa sa tumatak sa atin ay ang kaniyang naging instant-classic Game 7 performance laban sa Sacramento Kings sa unang round ng playoffs, na talaga namang isang kahanga-hangang performance na galing sa kaniya.


Ang four-time champion ay umedad na nga ng trentay singko, at na pwesto na siya sa hanay ng mga legends na sina Michael Jordan, LeBron James at Kareem Abdul-Jabbar bilang isa sa mga greatest elder statesman sa kasaysayan ng NBA.

At ayon nga sa kaniyang ama na si Dell Curry, malayo-layo pa raw ang kaniyang anak sa pagbagal, mga idol.

Nu'ng tinanong si Dell kung gaano pa niya nakikita na magtatagal ang paglalaro ni Steph sa antas ng pagiging supestar, sinabi niya na ang kaniyang anak ay mananatili pa rin na nasa itaas sa marami pang susunod na mga taon.


Ayaw daw niyang maglagay ng bilang dahil kilala niya ang kaniyang anak, at ang determinasyon, dedikasyon sa sports at ang kagustuhan daw ni Steph na maging best sa liga bawa't taon ay hindi pa raw niya nakita iyon noon.

At sa edad nga raw na 35, at nagkaroon ng ganoong taon ang kaniyang anak, at lalong lumalakas pagdating ng playoffs ay talaga naman daw kahanga-hanga.

At ilang mga taon pa raw ang magdadaan bago natin makikita si Steph na hihina na sa paglalaro, ang sabi ni Dell, mga idol.


Hindi lang si Dell ang unang nagsabi ng ganito patungkol kay Steph, bago magsimula ang 2022-23 season, sinabi rin ni Klay Thompson na magagawa pa rin ni Steph ang ginagawa niya ngayon kahit mag-edad pa siya ng kwarenta.

Maging si Coach Steve Kerr ay naniniwala na sa kanilang Big 3, si Steph ang maiiwan na tangan pa rin ang kaniyang kahusayan sa paglipas pa ng ilan pang mga taon.

Si Steph ay nagkaroon ng average nu'ng playoffs ng 30.5 points, 5.2 rebounds at 6.1 assists, 46.6% shooting mula sa field, 36.3% shooting mula sa tres at 84.5% shooting mula sa free throw line.


Sa regular season naman, siya ay nag-averaged ng 29.4 points, 6.1 rebounds at 6.3 assists, 49.3% shooting mula sa field, 42.7% shooting mula sa tres at 91.5% shooting mula sa free throw line, mga idol.

Mula regular season hanggang playoffs, makikita natin na talagang naging consistent itong si Steph sa kaniyang mga numero, at gaya nga ng sinabi ng kaniyang ama na si Dell, matagal pa nating masasaksihan ang mga ganitong numero ni Steph sa ilan pang mga taong darating.

Ngayong nay isang hamong kakaharapin ang Dubs sa darating na summer, pero hangga't suot ni Steph ang blue at gold na jersey, mataas pa rin ang chance nila na magkampeon sa susunod na season, at sa mga seasons pang darating.


Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.