Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.
Una nating pag-usapan ay ang patungkol dito kay Stephen Curry, mga idol.
Si Stephen Curry nga ay ang textbook definition ng isang winning player.
Magbuhat ng kaniyang explosion sa limelight sa panahon ng 2012-13 season, ang Golden State Warriors ay naging isa nang pinaka successful na prankisa sa NBA, na nanalo na nga ng apat na kampeonato.
Marami nga sa mga superstars sa kasaysayan ng NBA na sumubok sa abot ng kanilang makakaya upang makuha lamang ang elusive ring, subali't sila ay kinapos na makakuha ng isa.
At dahil doon, masasabi natin na ang ability ni Curry na i-elevate ang kaniyang mga teammates sa kaniyang di maarok na gravity at ang kaniyang unselfishness, ang nagdala sa kaniya upang maging cornerstone ng isa sa pinaka iconic na dynasty ng liga, mga idol.
Marami nga sa mahabang listahan ng mga elite players sa kasaysayan ng NBA na mayroong bakanteng lugar sa kanilang mga cabinet ng trophy.
Pero si Stephen Curry ay gustong i-honor ang dalawang retired superstars sa pagbibigay sa kanila ng kaniyang championship ring kung pwede lang daw.
Nang siya ay naging panauhin sa Big Boy TV, ini-reveal niya kung sinong mga players na pagbinigyan niya ng kaniyang mga singsing, siya ay magiging masaya.
At hindi raw iyon si Charles Barkley, ang sabi niya sabay tawa, kundi ang pinipili raw niya ay sina Steve Nash at Reggie Miller, mga idol.
Ang pagpili nga niya sa dalawang iyon ay hindi na nakakagulat pa.
Hindi lang kase na dati na niyang nakatrabaho si Steve Nash ng ito ay nasa organisasyon pa ng Warriors, kundi mayroon din siya na mga kagayang galaw ni Nash nu'ng ito ay naglalaro pa.
Si Nash ay may pasimula rin ng kagaya ng kay Curry, na isang uber-efficient scoring machine sa lahat ng talong levels, at ang kaniyang hindi pagiging makasarili ay walang hangganan.
At kung si Nash ay nakapaglaro lamang sa kasalukuyang era, siguro magkakaroon din siya ng kaparehong incredible scoring numbers ng kagaya ng kay Curry, mga idol.
At para naman kay Reggie Miller, na isa sa greatest sharpshooters of all time, marami din sila na pagkakapareho ni Curry.
Ang isa dito ay ang pagiging loyal nila sa prankisa na nag-draft sa kanila.
At pangalawa ay ang kanilang incredible movement off the ball na nag-a-unlock ng maraming openings para sa kanilang teams.
At iyon ang rason kung bakit na sa kabila na siya ay nabigo na makapanalo ng kampeonato, ang Indiana Pacers ay nagkaroon lamang ng tatlong losing seasons habang nasa kanila pa siya, mga idol.
Si Chris Paul ay isa rin sa interesting na ma-shout out dito, at may pagkakataon na nga si Curry at ang Warriors na mabigayn si CP3 ng kaniyang sariling singsing na hindi na kailangan pang ibigay ang sa kanila, kung magagawa nilang mag-bounce back next season.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.
Na introduced na nga si Chris Paul bilang member ng Golden State Warriors, at sinabi niya na "he feels sorry" para sa mga teams na kailangan na siya'y kaharapin at si Draymond Green specifically.
Ang dahilan daw nito ay dahil pareho raw sila ni Green na very vocal, at palagi raw siyang nagta-thrive sa mga ganoong klaseng tao.
At ipinunto rin niya kung gaano ka-interesting ang makapaglaro na kasama sina Draymond Green, Steph Curry at Klay Thompson.
Nu'ng si Paul ay nasa Houston Rockets pa, nagkaroon siya ng heated rivalry sa ilan sa naging matchups niya sa Western Conference playoffs, na ang nasa itaas nga nito ay ang Warriors, mga idol.
Ngayon, tutulungan na ni Paul si Green, si Curry at si Thompson na makapagdagdag sa kanilang legacies ng isa pang dagdag na kampeonato.
Kaabang-abang na nga na makita kung papaano na ang mga bagay ay magpi-fit ng sama-sama sa Warriors.
Ang Warriors nga ay kailangang makipaglaban sa malalakas na teams sa Western Conference, gaya ng Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Phoenix Suns at iba pa.
Si Paul nga ay nasa mga huling sandali na ng kaniyang career, mga idol.
Hindi pa nga siya nakapanalo ng kampeonato.
Muntik na siyang makakuha nu'ng siya ay nasa Suns pa taong 2021, nu'ng sila ay natalo sa anim na games sa Milwaukee Bucks matapos na sila ay magkaroon ng 2-0 lead sa serye.
Ang core naman ng Warriors ay nasa side na rin ng matatanda, pero sila pa rin naman ay nananatiling malakas na koponan.
Tinalo nila ang isang malakas na team na Sacramento Kings sa unang round ng playoffs last season bago sila ay natalo ng Lakers sa sumunod na round.
Comments
Post a Comment