Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.



Si Stephen Curry nga ang pinaka magaling na shooter na naglaro sa NBA, at sa tuwing maglalaro siya para sa Golden State Warriors, patuloy niyang naipamamalas ang kaniyang kahusayan sa 3-point range, mga Idol.


At kahit na ba na naabot na niya ang higit pa sa dapat na maabot ng isang pinaka magaling na player sa kaniyang henerasyon, may ilan pa ring mga personalidad na hindi siya isinasama sa kanilang listahan ng pinaka magaling sa lahat ng panahon, at isa na nga rito si Julius Erving.

Kamakailan lang ay natanong itong si Dr.J kung sino-sino ang nasa listahan niya ng kaniyang 10 greatest player of all-time.

At hindi lang sa hindi niya isinama sa listahan si Curry, kundi hindi rin niya isinama si LeBron James.


Ang mga inilagay niya sa kaniyang listahan ay sina Wilt Chamberlain, Bill Russell, Michael Jordan, Jerry West, Oscar Robertson, Elgin Baylor, Kareem Abdul-Jabbar, Magic Johnson, Karl Malone at Nate “Tiny” Archibald, mga Idol.

At nang matanong naman siya kung bakit wala si Steph sa kaniyang listahan, binigyang linaw niya na para mapasama daw sa kaniyang listahan, dapat daw ay natapos ka na sa iyong career.

Lahat daw ng nasa listahan niya ay natapos na ang kanilang mga careers, kaya upang mapasama raw sila sa kaniyang listahan, dapat daw ay matapos muna nila ang kanilang mga careers.


Kadalasan daw ay nagagalit ang mga tao sa kaniya kapag ibinibigay niya ang kaniyang listahan, pero palagi raw niyang inilalagay ang kaniyang first five, at ang natitira ay nilalabo-labo na lang daw niya, dapat daw kase ay palagi kang may bago sa iyong listahan, kaya naman pala isinama niya sa kaniyang listahan si Archibald.

Wala namang tama at mali sa sagot kapag nagbibigay ka ng iyong listahan ng pinaka magagaling na players sa lahat ng panahon, lalo na at napakarami naman talagang magagaling na players ang nakapaglaro na at naglalaro pa rin sa NBA.

At maging si Steph nga ay nahihirapan din na buoin ang kaniyang listahan, mga Idol.


Wala namang magkakamali sa kanilang mga pagpili, pero mahirap din naman na hindi natin tignan ang mga naabot na ni Curry at sabihin na hindi siya kabilang sa mga pinaka magaling na guards sa lahat ng panahon.

Sa labing-apat na seasons na ni Curry sa NBA, lahat ay sa Golden State, siya ay napasama na sa All-Star ng siyam na beses, at siyam na beses na ring napabilang sa All-NBA, nagkaroon na rin siya ng apat na kampeonato, dalawang beses naging scoring champion, dalawang beses nang naging MVP, at isang Finals MVP.

At para naman sa kaniyang mga records, may hawak siya ng iba't-ibang scoring records at 3-point records, na siya nga ang nangunguna sa listahan ng NBA's all-time 3-pointers na may 3,390 career threes and counting.


Isa pa sa kagandahan dito kay Steph, sa edad niya na 35, naglalaro pa rin siya na may kahusayan.

At hangga't mananatili siyang healthy, palagi niyang madadala ang Warriors na may laban para manginbabaw sa liga, at take note, kaunti na lang at maaabot na niya ang 4,000 na tres sa kaniyang career, mga Idol.

At kapag nagretiro na siya, panigurado, isasama na siya ni Dr.J sa kaniyang listahan ng pinaka magaling at pinaka epektibong player sa kasayasayan ng liga.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.