Sumakit daw ang tiyan ni Kenyon Martin Jr dahil sa 71-point game performance ni Damian Lillard.



Habang ang Portland Trail Blazers ay patuloy pa rin na nakikipag-usap para sa trade kay Damian Lillard, mga KaTop Sports.


Ang bagong member ng Los Angeles Clippers na si Kenyon Martin Jr ay inalala ang panahon ng sila ay binaon ng 71 point perormance ni Lillard.

Sinabi niya na sumakit daw ang kaniyang tiyan ng makita niya na si Lillard ay umiskor ng 71 points, nang siya ay maging panauhin sa Podcast P na presented ng Wave Sports + Entertainment.

Sumakit daw ang tiyan niya, nang haltime pa lang ay nagkaroon na ng 40 points itong si Lillard laban sa kanila, at baka raw naka-score pa si Lillard ng 90 kung hindi raw nila dinoble team ito.


Ito ang sinabi ni Kenyon Martin Jr sa bago niyang kakampi na si Paul George, at sinabi pa niya na wala raw silang maisagot upang mapigilan si Lillard sa game na iyon, mga KaTop Sports.

In-emphasize pa niya na kung hindi lang sa ginawa nilang pag-double team kay Lillard, malamang umabot pa ang puntos niya sa 90 points.

Ang 71 point game nga ni Lillard ay marahil ay ang huling ala-ala na maiiwan niya para sa mga fans ng Blazers.


Dahil ngayon nga ay nagpapa-trade na siya sa ibang koponan, at baka ilang araw na lang ay magkakaroon na siya ng deal at iaanunsiyo na ito sa publiko, kung ito man ay sa Miami Heat o sa ibang koponan.

Kapag sa Miami napunta itong si Lillard, panigurado magiging paborito na ang Heat na makatungtong muli sa NBA Finals, mga KaTop Sports.

At para naman kay Kenyon Martin Jr, susubukan naman niya na matulungan ang bago niyang koponan na makaabot din sa biggest stage ng NBA.


Siya ay nakapaglaro na ng tatlong seasons sa NBA, lahat ay sa Houston Rockets, at siya ay nag-averaged last season ng 12.7 points, 5.5 rebounds at 1.5 assists per game, 56.9 percent shooting sa field, 31.5 percent shooting sa tres at 68.0 percent shooting sa free throw line.

Abang-abang pa tayo sa mga magiging kaganapan sa offseason, at tignan natin kung makakalipat na ng conference itong si Damian Lillard, kapag matuloy siya sa Miami Heat o sa alinmang teams na nasa Eastern Conference, o posible rin na sa team na nasa West pa rin siya mapunta.

At kahit saan mang team siya mapunta, panigurado ngayon,


Palagi nang maghahanda itong si Kenyon Martin Jr sa kaniya, upang hindi na uli maulit ang 71 point game performance na ipinamalas niya sa isang game.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.