Stephen Curry, ini-reveal ang tatlong mahuhusay dumipensa na nagkaharap niya.



Isa ngang talentadong player itong si Stephen Curry, at ang kahusayan niya ay out of this world, mga Idol.


Napanood na rin natin siya kung papaano niya pinahihirapan ang mga bumabantay sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang shooting at kahusayan sa pagdala ng bola.

Pero may ilan din naman na mga players ang nagpahirap sa kaniya sa loob ng court.

Sa naging panayam sa kaniya kamaikailan sa TODAY show, ibinigay niya ang tatlong players na nagpahirap sa kaniya dahil sa kanilang kahusayan sa pagdepensa.


At ito ay sina Tony Allen, Jrue Holiday at Ron Artest, mga Idol.

Totoo naman, magagaling na defenders talaga ang tatlong ito sa kani-kanilang henerasyon.

Pumasok si Curry sa liga sa panahong papatapos na ang career ni Artest, kaya't naramdaman pa rin niya kung gaano kahirap na makaharap ang isang Ron Artest.


Ilang games din niyang nakaharap si Artest, kaya't naranasan din niya ang naranasan ng lahat ng mga guards at mga wings na naglaro sa panahon ng taong 2000 onwards, nang makaharap nila si Artest.

Sa lahat ng defenders na inilista niya, si Tony Allen na yata ang mas maraming beses na nakaharap niya sa mga mahahalagang sitwasyon, mga Idol.

Dahil ang Warriors at ang Grizzlies ay naging rivals sa pagsisimula ng dynasty ng Golden State, at si Allen nga ang ilan lang sa mga defenders na nakakapigil kay Curry.


Ang bilis ng kaniyang kamay, lakas at walang pagod na pagkilos, ang nagpahirap ng lubha sa batang Curry noon.

Ganoon din naman pagdating kay Jrue Holiday.

Si Holiday ay isa sa magaling na two-way guard ng liga, at ang depensa nga niya ang isa sa kapansin-pansin sa kaniya, mga Idol.


Bagaman hindi pa nakaharap ni Curry si Holiday sa playoffs, nagtatagpo naman sila sa mga regular season games, kaya alam niya kung gaano rin kagaling dumipensa itong si Holiday.

May pagkakapareho nga ang tatlong nabanggit na ito ni Curry, mayroon silang malakas na pangangatawan na kayang katawanin si Curry, lalo na sa mga naunang taon niya sa liga.

Pero ngayon, nakita na natin kung papaanong siya ay nakapag-adjust na sa kaniyang game upang maging mas magaling na ofensive player sa mga dumidepensa sa kaniya.


Pinalakas niya ang kaniyang pangangatawan upang hindi siya basta na lang ma-bully ng mga kagaya nina Allen, Holiday at Artest, mga Idol.

Papasok na nga si Curry sa kaniyang ika-labing limang taon sa NBA, kaya naman, kaabang-abang pa rin na masaksihan kung meron pang lilitaw na mga players na magpapahirap ng buhay niya sa loob ng court.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.