Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.
Kumusta mga KaTop Sports.
Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang sinabi na ito ni Damian Lillard patungkol sa pagnanasa niya na makapanalo na ng kampeonato.
At pag-uusapan na rin natin ang mga sinabi na ito ni Stephen A. Smith kay D'Angelo Russell.
Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga KaTop Sports, ang sinabi ni DeMarcus Cousins patungkol sa pagkakakuha ng Golden State Warriors kay Chris Paul.
Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay DeMarcus Cousins, mga KaTop Sports.
Sa naging appearance nga ni Cousins sa SiriusXM NBA Radio, ipinaalam niya na hindi siya na-impress sa ginawang trade ng Warriors sa pagitan nina Chris Paul at Jordan Poole.
Hindi raw niya maintindihan ang nasabing trade, mga KaTop Sports, at ang tingin lang daw niya doon, kaya iyon ginawa ng Warriors ay para lang sa bagay na pang-kontrata.
Pero kung titignan daw ang bagay na pang-basketball, mga KaTop Sports, hindi raw niya nakikita na mapapalakas nito ang Warriors sa susunod na season.
Matanda na raw kase si Paul, at para ipagpalit daw ang isang mas batang player para sa tumatanda nang player, hindi raw talaga niya maintindihan iyon.
Hindi naman daw sa minemenos niya ang mga nagawa na ni Chris Paul sa liga, kundi ang tinutukoy lang daw niya ay ang stage na ng career ni Paul ngayon.
At mukhang tama naman dito si Cousins, mga KaTop Sports, dahil mukhang contract-related lang talaga ang nangyaring trade kina Chris Paul at Jordan Poole.
At patungkol sa mapapalakas nito ang Warriors next season, questionable nga ang bagay na iyon.
Pero para sa inyo, mga KaTop Sports, sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito ni Cousins?
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga Idol.
Sinabi nga ni Stephen A. Smith na dapat na raw itigil ang pamba-bash dito kay D-Lo.
Ipinaliwanag din niya ang ilang mga bagay patungkol sa mga sinabi ni Russell ng ito ay naging panauhin sa podcast ni Patrick Beverley.
Na undervalued daw itong si D-Lo, at deserve raw nito ang kontrata ng higit kaysa $36 million sa loob ng dalawang taon.
Kung si Smith daw ang tatanungin, dapat daw ay kikita si D-Lo ng $25 hanggang $27 million kada taon.
May isang problema raw na nakita itong si Smith kay Russell, at ito ay ang lilitaw-lulubog na magandang paglalaro nito.
Si D-Lo raw ay nagkaroon lamang ng 8 points, 10 points, 3 points at 4 points sa apat na games na nailaro niya sa Finals laban sa Denver Nuggets.
At sinabi pa niya kay D-Lo na kung hindi sana siya nagkaroon ng pangit na paglalaro, marahil ay hindi raw sana nakaranas ng pagkawalis itong Lakers sa Finals.
Sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito ni Stephen A. Smith patungkol kay D'Angelo Russell, mga KaTop Sports?
Hindi ba talaga makakaranas ng pagkawalis ang Lakers sa Finals kung maganda lang ang inilaro ni D-Lo?
At para sa huli nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Sinabi nga ni Damian Lillard na ang makapanalo ng kampeonato ay isang ultimate level ng success.
Ito ang kaniyang binigyang diin ng siya ay naging panauhin sa podcast ni JJ Redick na The Old Man & The Three.
Sa punto raw ng pagpili sa pagitan ng paghabol para sa isang kampeonato at sa pagiging kontento sa kaniyang mga pangkasalukuyang individual success, para raw siyang nakikipagbuno sa mga ito, mga KaTop Sports.
Gusto raw niya ang mga nakukuha niyang individual success, pero mas gusto raw niyang magkampeon.
At sa palagay daw niya, na siya raw ay mababaliw kapag hindi siya nakakuha ng kampeonato.
Sinusuri raw niya ang lahat ng mga nagawa na niya, mga KaTop Sports, at nagkaroon daw siya ng isang successful na career dahil hindi raw siya dumaan sa mga shortcuts, at lahat daw ng nagawa niya ay nagrepresenta ng success.
Hangga't itinutulak daw niya ang kaniyang sarili at tumatayo ng matatag, magkakaroon nga raw siya ng isang successful na career.
At mas maganda nga raw sana kung makapanalo siya ng kampeonato.
Ganito kahalaga para kay Lillard na makapanalo na ng kampeonato, mga KaTop Sports, ngayon na papalapit na siya sa twighlight ng kaniyang career.
Kaya nga siya ay nag-request na ng trade mula sa Portland Trail Blazers, dahil sa nakikita niya na hindi talaga niya makukuha ang kampeonato sa team ng Blazers, sa ngayon.
Ano ang masasabi ninyo sa sinabi na ito ni Dame, mga KaTop Sports?
Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga KaTop Sports.
For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.
Like and share niyo na rin ang atin video upang mas makilala pa tayo.
Maraming salamat po.
Comments
Post a Comment