Nagpakatotoo nga si D'Angelo Russell kung bakit ang malalim na playoff run ng Lakers ay isang success.
Hindi nga naipanalo ni D'Angelo Russell at ng Lakers ang championship last year, pero ikinu-consider pa rin niya na ang kanilang malalim na playoff run ay success.
Naging roller-coaster ride nga ang 2022-23 na kampanya ng Los Angeles Lakers.
Pagkatapos nga ng kakilakilabot na pasimula ng season, ang Lakers ay nag-bounced back at nagawang makalusot sa Play-In Tournament, na nakita nga natin na sila ay nakapasok sa playoffs at nagpatuloy hanggang sa Western Conference Finals bago nga sila ay bumagsak sa Denver Nuggets.
Sa kabila na sila ay kinapos sa kanilang main goal, ikinonsider pa rin ni D'Angelo Russell na ang season ay success.
Nakuha nga si Russell sa trade sa Minnesota Timberwolves sa trade deadline, at tumulong sa paggatong sa second half ng Lakers patungong Western Conference Finals.
Habang si Russell ay nagtapos na nag-struggle ng malaki laban sa Denver, 6.3 points, 2.0 rebounds, 3.5 assists per game, 32.3 field goal percentage, naniniwala pa rin siya na ang season ay panalo para sa Lakers, sa kabila na kung gaano kahirap na makalayo sa playoffs, at kung nasaan sila sa pasimula ng season.
Lahat ay considered, ang punto ni D'Angelo Russell dito ay tama.
Ang Lakers nga ay naiwang wala nang buhay sa halos kabuoan ng season, pero nagawa pa rin nila na mabuo ang isang playoff run na nagawa nga nilang makatuloy sa Western Conference Finals.
Hindi man nila nakuha ang resulta na inaasahan nila sa nagawa nilang ito, pero mas mabuti pa rin ito kaysa hindi sila nakapasok sa postseason, na kanila ngang sinusundang gawing sa karamihan ng season.
Para kay Russell, siya ay pumirma sa Lakers nitong offseason, at tinitignan na makatulong sa team na mabuo ang kanilang nakalipas na kampanya.
Nag-struggle man siya sa playoffs, pero si Russell ay isa pa ring mahalagang parte ng kanilang sistema bilang kanilang bagong point guard.
Habang marami sa kanilang mahahalagang parte ay nagbalik, hindi na nakakagulat pa kung ang Los Angeles ay makagawa muli ng isa pang malalim na playoff run, matapos na makita ang kanilang success sa postseason last year.
Comments
Post a Comment