Miami Heat, inilatag na ang kanilang trade package para kay Damian Lillard, Portland Trail Blazers, tanggapin na kaya?
Isang buwan na nga ang nalakalipas ng si Damian Lillard ay nag-request na ng trade sa Portland Trail Blazers, ang Blazers na naging tahanan na niya magbuhat pa nang taong 2012, mga KaTop Sports.
At hindi lang basta humiling si Lillard ng trade, kundi gusto rin niya na ang mapuntahan niyang team ay ang Miami Heat, na nagpahirap nga sa mga trade talks.
Lalo na't ang mga assests na meron ang Heat ay hindi nagugustuhan ng Blazers, kaya tuloy hanggang ngayon, wala pa ring pinatutunguhan ang kanilang usapan.
Pero hindi ibig sabihin nito na basta na lamang susuko si Pat Riley at kaniyang mga kasama at gagawin nga nila ang lahat makuha lamang nila si Lillard, at magandang balita ito para sa mga fans ng Miami Heat.
Ayon kase kay Shams Charania, may inilatag na raw ang Heat na ipipresenta nila sa Blazers na isang katanggap-tanggap na na trade package para kay Damian Lillard, mga KaTop Sports.
Na ito raw ay kakapalooban ng tatlo hanggang apat na first round picks, potential swaps ng draft, ilang mga second round picks, at isang young player.
At tignan na lang daw natin kung ano ang magiging tugon ng Portland sa trade package na ito ng Miami.
Alam naman na natin na anomang trade package ang ilatag ng Heat para kay Damian Lillard, kasama doon si Tyler Herro, pero ayon na rin sa mga naglabasang reports, ayaw naman daw ng Blazers na sa kanila mapunta si Herro.
Ang impormasyong ibinigay ni Charania ay umayon sa ini-report naman ni Aaron Fentress ng The Oregonian, mga KaTop Sports.
Sinabi kase ni Fentress na ang gusto raw na deal ng Blazers ay may kasamang apat na first round picks mula sa Heat, kaya naman, kaabang-abang na kung papaano magpapatuloy ang usapang ito ng magkabilang panig.
Matuloy na nga kaya ang pagpunta ni Damian Lillard sa Miami Heat?
Comments
Post a Comment