Klay Thompson nagpakatotoo ng isang daang porsyento sa kaniyang hindi kapani-paniwalang 60-point game.
Ang superstar guard nga ng Warriors na si Klay Thompson ay binalik tanaw ang kaniyang hindi malilimutang 60-point na gabi laban sa Pacers no'ng 2016, mga Idol.
Isa sa greatest defining moments ng career ni Klay Thompson ay ang kaniyang 'di malilimutan at mala-alamat na heat check game sa 2015-16 NBA regular season laban kay Paul George at sa Indiana Pacers.
Sa game na iyon, ang sharpshooter ng Golden State Warriors ay nakapaglaglag ng 60 points na halos hindi na idini-dribble ang bola.
Sa kaniyang recent appearance sa Podcast P na kasama si Paul George na ipinalabas ng Wave Sports + Entertainment, binalik tanaw ni Klay Thompson ang kaniyang nakakabaliw na performance sa contest na iyon at nagbahagi siya ng ilang palagay patungkol doon.
Nagkaroon daw siya ng mga good looks buong game, ang sabi ni Thompson, mga Idol.
Si George ay kabilang sa mga nakasaksi ng maringal na gabi ng shooting ni Klay Thompson, na siya ay nagkaroon ng 21-for-33 mula sa field at naibuslo ang walo sa kaniyang 14 attempts mula sa likod ng arko.
Naipasok din niya ang sampu sa labing isang tira niya mula sa foul line.
Ginawa lahat iyon ni Thompson sa loob lamang ng 29 minutes at 11 dribbles.
Tatlong quarters lang ang inilaro ni Thompson dahil pinaupo na siya sa kabuoan ng fourth period sa 142-106 na blowout home win laban kay George at sa Pacers, mga Idol.
Maging si Stephen Curry ay halos hindi makapagsalita nang siya ay matanong patungkol sa kaniyang palagay sa naging performance ni Thompson sa game na iyon.
Iyon daw ay isang gawa na ilalagay mo ang iyong pera na malamang ay hindi na mahahawakang muli sa kasaysayan ng basketball, ang sabi ni Curry via the Associated Press at ESPN.
Nananatili pa nga ring malakas si Klay Thompson hanggang sa araw na ito kahit na pagkatapos ng kaniyang mga injuries.
Sa season ng 2022-23, siya ay nag-averaged ng 21.9 points, 4.1 rebounds at 2.4 assists per game, 43.6 percent shooting sa field, 41.2 percent shooting sa tres at 87.9 percent shooting sa free throw line.
Comments
Post a Comment