Ito raw ang rason kung bakit natalo ang Miami Heat sa Denver Nuggets sa Finals ayon kay Bam Adebayo.



Marami nga ang magsasabi na hindi dapat ang Miami Heat ang nakaabot ng Finals, mga KaTop Sports.


Dahil sa mga teams na kinailangan muna nilang malagpasan bago sila ay makarating doon, ang Milwaukee Bucks sa unang round at ang Boston Celtics sa Eastern Conference Finals.

Ang dalawang teams nga na ito sa Eastern Conference na kinikilala na malalakas na koponan.

Subali't ang determinasyon, pagpupursige at depensa ng Miami ang nagdala sa kanila upang malagpasan ang dalawang mabibigat na kalaban na ito.


Ang kaso nga lang, nagtamo itong si Jimmy Butler ng injury sa paa, sa kasagsagan ng laban nila sa New York Knicks sa East semifinals, na mukhang iyon ang lubhang nakaapaekto sa kaniya sa mga naging natitira pa nilang laban sa postseason, mga KaTop Sports.

Maging si Caleb Martin, ay dumanas din ng pagkakasakit at injury, pagkatapos na makapagpamalas siya ng magandang paglalaro sa playoffs.

Si Gabe Vincent naman na ngayon nga ay nasa Lakers na, ay on and off din ang naging laruan sa postseason.


Maging sina Tyler Herro at Kyle Lowry ay nakaranas din ng kani-kanilang mga injuries.

Ang injury sa kamay ni Herro ang naging dahilan upang hindi na siya makapaglaro pa sa kabuoan ng playoffs, at ang pananakit naman ng tuhod ni Lowry ang nagdala sa kaniya upang maglaro na lamang mula sa bench, mga KaTop Sports.

At nang makapanayam ni ESPN Leonard Solms itong si Bam Adebayo sa Basketball Without Boarders sa South Africa, sinabi niya at naniniwala raw siya na ang mga injuries na iyon ang naging rason kung bakit sila ay natalo sa Denver Nuggets sa Finals.


Sa pangunguna nga ni Nikola Jokic, ang Nuggets nga ang isang koponan na mahirap banggain sa playoffs.

Pero kung naging healty lang sana ang Miami Heat, baka nga nakapanood pa tayo ng maganda-gandang serye sa Finals.

Last season nga, si Adebayo ay nag-averaged ng 20.4 points, 9.2 rebounds, 3.2 assists at 1.2 steals per game, 54.0 percent shooting sa field at 80.6 percent shooting naman sa free throw line, mga KaTop Sports.


At sa playoffs, siya ay nag-averaged ng 17.9 points, 9.9 rebounds at 3.7 assists per game, 48.1 percent shooting sa field at 82.1 percent shooting sa free throw line.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.