Ito raw ang pagkakaiba nina LeBron James at Kobe Bryant ayon sa kwento ni Dwight Howard.



May ilang mga best players na nga sa kasaysayan ng NBA ang naging kakampi ni Dwight Howard, mga KaDribol.


Pero sa haba na siguro ng listahan niya ng kaniyang mga nakakamping magagaling, sina LeBron James at Kobe Bryant ang pinaka sa magagaling na naging kakampi niya.

Na silang dalawa ay naging kakampi niya sa magkaibang period ng panahon sa Los Angeles Lakers.

At ang makakampi ang kagaya nilang dalawa, marami talaga ang dapat na asahan, gaya na lamang ng paglaban para sa kampeonato.


At dahil nga sa na-experience niya na makakampi ang dalawa, nakita rin niya ang pagkakaiba ng dalawa pagdating sa pagsalubong sa kanilang mga laban, mga KaDribol.

Nang naging panauhin nga itong si Howard sa podcast ni Math Hoffa na Expert Opinion, dinetalye niya ang pagkakaiba ng personalities ng dalawa.

Si LeBron daw ay parang isang tao na mula sa south side ng Georgia, na sila raw ay parang kambal, naa palaging nagbibiruan, at may kasiyahan, at kahit na sila ay nasa court na, nagkakaroon pa rin daw sila ng good time, pero dodominahin pa rin daw nila ang game, sa kabila ng kasiyahan nilang dalawa.


Si Kobe naman daw, walang pakialam kaninoman, hindi raw siya pumapasok ng locker room para makipag-usap, dadaanan ka lang daw ni Kobe at lalagpasan.

Pero naiintindihan naman daw ni Howard kung bakit ganoon si Kobe, gusto lang daw kasi ni Kobe na ang kanilang team na hindi naka focus ay maging lock in sa game, mga KaDribol.

At ang pagkadagdag nga ni Howard sa Lakers na may Kobe ay nagdala sana sa kanila para maging isang kalaban para sa titulo.


Pero ang nangyari, nanalo lamang sila ng 45 games, at kinailangan pa ni Kobe na ibuhos ang lahat ng kaniyang makakaya upang mailagay lang ang Lakers sa tamang posisyon, na iyon nga ang naging sanhi na nalagay sa peligro ang kaniyang kalusugan.

Noon pa man, alam na ni Howard na ang malagay sa iba't-ibang posisyon sa kaniyang career, gaya ng makakampi niya sina Kobe at LeBron, ay magkakaroon ng malaking epekto sa gitna niya at ng dalawang best player ng Lakers sa mga panahong iyon,mga KaDribol.

Nu'ng makakampi niya si LeBron taong 2019, siya ay naging isang role player na dumaan sa kaunting kahirapan na nagdala sa kaniya upang siya ay maging humble.


At nagturo sa kaniya upang maging mas maingat, at nagawa nga ng Lakers na magkampeon taong 2020, nang siya at si LeBron ay naging magkakampi.

Siya ay nakapaglaro na ng 18 seasons sa NBA para sa pitong teams na nasalihan na niya, kabilang ang Orlando Magic at Houston Rockets.

At siya ay nag-averaged ng 15.7 points at 11.8 rebounds sa buong career niya, mga KaDribol.


Walong beses din siyang napasama sa All-Star game, tatlong beses naman siyang naging Defensive Player of the Year at may isa na siyang championship ring.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.