Ito na raw ang taon para kay Jonathan Kuminga | Si Nikola Jokic daw ang best player sa buong mundo ngayon at hindi raw si LeBron James ayon kay D'Angelo Russell | Siya daw Ang young version nj Kobe Bryant ayon kay Dwight Howard.
Kumusta mga Idol.
Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang sinabi ni Jonathan Kuminga patungkol sa bagong season na paparating.
At pag-uusapan na rin natin ang sinabi na ito ni D'Angelo Russell na paniniwala niya kung sino ang best player ngayon sa buong mundo.
Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga Idol, ang sinabi na ito ni Dwight Howard patungkol kay James Harden.
Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Dwight Howard, mga Idol.
Sinabi nga ni Howard na si James Harden daw noon ay nakita niya na isang version ng batang Kobe Bryant, kaya raw siya ay nakapagpasya na lumipat sa Houston Rockets.
Ito ay matapos na mawalis ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers sa unang round ng playoffs taong 2013, at naging free agent na nga siya sa taon ding iyon, mga Idol.
Bago raw siya napunta sa Lakers, gusto raw niya na mapunta sa Brooklyn Nets, subali't 'di nga raw nangyari iyon.
Ito ay sinabi ni Howard ng siya ay maging panauhin sa podcast ni Math Hoffa na Expert Opinion, mga Idol, at nang siya ay matanong kung meron daw ba siyang bagay na gustong baguhin sa mga nangyari noon.
Iyon daw ay ang hindi na raw sana siya umalis pa sa Lakers.
Para sa inyo, mga Idol, sa ganito niyo rin ba nakikita ang James Harden noon, taong 2013?
Na siya raw ay parang batang version ni Kobe ayon sa paniniwala ni Howard?
Comment lang kayo diyan, mga Idol.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga Idol.
Naniniwala nga itong si D'Angelo Russell na itong player daw na ito ang best player ngayon sa buong mundo, at hindi ito ang kaniyang kakampi na si LeBron James.
Kundi ito ay ang big man superstar ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic, mga Idol.
Ito ang naging pahayag ni D-Lo nang siya ay naging panauhin ni Patrick Beverley sa kaniyang podcast.
Si Jokic nga ay walang duda na pinaka magaling na sentro ngayon sa NBA, kahit na ba na si Joel Embiid pa ang naging MVP ngayong taon.
Dahil sino nga raw ba ang nakaabot ng Finals at naging kampeon, mga Idol?
Sa pangunguna nga ni Jokic, nagawa niya iyon para sa Nuggets.
Isang magaling na passer at scorer itong si Jokic, may tira din siya sa tres, na minsan nakikita pa natin siya na nagbababa ng bola, kaya masasabi natin na siya ay isa ring point center, mga Idol.
Ang questionable lang naman sa kaniya ay ang kaniyang depensa.
Kaya, tama rin naman na mapili nga ni D-Lo na kaniyang best player sa buong mundo ngayon itong si Joker.
Last season, si Jokic ay nag-averaged ng 24.5 points, 11.8 rebounds, 9.8 assists at 1.3 steals per game, 63.2 percent shooting sa field, 38.3 percent shooting sa tres at 82.2 percent shooting sa free throw line.
At para sa huli nating pag-uusapan, mga Idol.
Sinabi nga ni Jonathan Kuminga na ito na raw ang taon para sa kaniya.
Ito ay sinabi niya ng siya ay naging panauhin ni ESPN Leonard Solms sa Basketball Without Boarders.
Marami raw ang inaasahan sa kaniya ng mga tao, at maging sa kaniya mismo, marami rin daw siyang inaasahan sa sarili niya.
Marami raw pressure sa kaniya pero hindi raw doon naka focus ang kaniyang atensiyon.
Hindi na raw kase mawawala ang pressure, kaya't ang gagawin lang daw niya ay maglaro at magperform.
Naging mahalagang parte nga ng Warriors itong si Kuminga last season, na ipinamalas niya ang kaniyang on-ball depense, ang kaniyang pagiging finisher at abilidad niya bilang shot-maker.
Bagaman nawala siya sa rotation ni Steve Kerr sa bandang dulo ng playoffs, hindi naman daw nabawasan ang tiwala niya sa kaniyang sarili.
Siya ay nag-averaged last season ng 9.9 points, 3.4 rebounds at 1.9 assists per game, 52.5 percent shooting sa field, 37.0 percent shooting sa tres at 65.2 percent shooting sa free throw line.
Naniniwala ba kayo na tama ang sinabi na ito ni Kuminga, na ito na ang taon para sa kaniya?
Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga Idol.
For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.
Like and share niyo na rin ang atin video upang mas makilala pa tayo.
Maraming salamat po.
Comments
Post a Comment