Ito ang sinabi ni Klay Thompson patungkol sa magiging impact daw ni Chris Paul sa Golden State Warriors.



Kumusta mga Idol.


Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang sinabi na ito ni Klay Thompson patungkol sa magiging impact daw ni Chris Paul sa Golden State Warriors.

At pag-uusapan na rin natin ang sinabi ni Rob Pelinka patungkol sa contract extension ni Anthony Davis.

Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga Idol, ang bagong player ng Miami Heat na si Cole Swider na dating player ng Los Angeles Lakers.


Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Cole Swider.

Ang 24-years old na swingman nga na si Cole Swider ay iwinaived ng Lakers subali't siya'y nakahanap agad ng bagong tahanan sa Miami Heat.

Ang deal na pinirmahan niya sa Miami ay isang Exhibit 10 contract, at ang Heat ay may dalawang availavable pa na pwesto sa kanilang roster at isang two-way contract.


Ang 6-foot-9 na ni Swider ay nakapaglaro lamang sa Lakers ng 41 minutes last season, mga Idol, habang siya ay nasa two-way contract pa sa kanila.

Mas maraming oras ang ginugol niya sa South Beach Lakers sa G League, kung saan siya ay nakapaglaro doon ng 32 games.

Siya ay nag-averaged doon ng 17.1 points at 4.8 rebounds per game, 50.6 percent shooting sa field at 43.6 percent shooting sa tres.


At sa Summer League naman, mga Idol, siya ay nag-averaged ng 14.5 points at 4.8 rebounds per game, 40.9 percent shooting sa field at 49.1 percent shooting sa tres.

At para sa sunod nating pag-uusapan, mga Idol.

Kinakitaan nga raw ni Rob Pelinka itong si Anthony Davis ng leadership, work ethic at mataas na character, at sinabi niya ito nang inanunsiyo niya ang 3-year contract extension nito worth $186 million.


Sa naging pag-uusap daw nila kay AD, mga Idol, binigyang linaw ni Davis ang desire niya na pangunahan ang Lakers, at nauunawaan daw niya na ang kaniyang hard work, kaakibat ng kaniyang mataas na character ay ang makakatulong sa kanila upang matukoy ang kanilang kultura sa mga taon pang darating.

Nu'ng sabado nga pumirma itong si Davis ng panibagong kontrata sa Lakers, mga Idol, ang unang araw na pwede nang makipag-negotiate ang dalawang panig sa isa't-isa.

Ang $62 million average annual value ay ang pinakamataas na extension sa kasaysayan ng NBA sa ngayon, at si Davis ang unang magkakaroon ng ganitong kalaking sahod sa history ng NBA.


Sa 56 games na nailaro niya last season, mga Idol, siya ay nag-averaged ng 25.9 points, 12.5 rebounds, na siyang bago niyang career high, 2.2 assists, 1.1 steals at 2.0 blocks per game, 56.3 percent shooting sa field, 25.7 percent shooting sa tres at 78.4 percent shooting sa free throw.

At para sa huli nating pag-uusapan, mga Idol.

Habang marami ang kumu-question sa pagkuha ng Warriors kay Chris Paul sa trade, si Klay Thompson naman ay naniniwala na tama lang ang ginawa ng kanilang koponan.


Ipinaalaala pa ni Thompson kung papaanong napataas ni Paul ang mga teams na nasalihan niya, kagaya ng Oklahoma City Thunder at Phoenix Suns, mga Idol, na ang mga ito ay naging mga winning teams sa mga panahong nandoon pa siya.

Maswerte daw sila dahil si Paul daw ay isa sa greatest player ever at siya ay nasa top 75, at bilang shooter, excited na raw itong si Klay, mga Idol,

Dahil alam niya na  maise-set up siya ni Paul ng mabuti at magkakaroon daw siya ng madadaling tira.


At si Paul daw ay isang winner, ilan beses na daw niyang nakalaban si Paul, at isang palaban daw na player itong si Paul, at lahat daw ay gagawin ni Paul, manalo lamang, ganoon daw ang vibes ni Paul, mga Idol.

Marami ngang rason upang umasa ng malaki itong si Thompson kay Paul, pero alam naman natin na iba pa rin ang playing style ni Paul sa laruan ng Warriors, lero isang matalinong player din naman itong si Paul kaya malamang, mabilis siyang makaka-adapt sa laruan ng Warriors.

Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga Idol.


For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.

Paki-Like at Paki- share niyo na rin ang aking video upang mas makilala pa ang Sports Natin 'To.

Maraming salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.