Ito ang naging palagay ng former Portland Trail Blazers na si Terry Porter sa trade request no Damian Lillard at kung saan daw siya mapupunta.
Kumusta mga KaTop Sports.
Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang naging palagay ng former Portland Trail Blazers na si Terry Porter sa trade request no Damian Lillard at kung saan daw siya mapupunta.
At pag-usapan na rin natin ang naging reaksiyon ni Austin Reaves sa pag-discredit sa kaniya ng ibang tao dahil sa kulay ng kaniyang balat.
Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga KaTop Sports, ang sinabi ni Steve Kerr na sila raw ay magbabanefit sa unique offensive approach ni Chris Paul.
Unahin na nating pag-usapan ang patungkol sa sinabi ni Steve Kerr.
Naniniwala nga itong si Steve Kerr na ang versatility na naging kakulangan nila last season ay mapupunan ni Chris Paul, at ang sabi pa ni Kerr, Si Paul daw ay smart, at kayang kontrolin ang games.
Advance din daw mag-isip itong si Paul, mga KaTop Sports, at nakukuha niya ang gusto niyang tira sa mid-range, at kailangan daw ng team nila ang iba pang paraan ng pag-atake.
Naging one dimensotial daw sila na si Stephen Curry ay palaging nasa high ball screen, kaya't kailangan daw nila ng iba pang playmaker na magbibigay sa kanila ng ibang timpla.
At si Chris Paul daw ay kilala sa kahusayan nito sa mga pick-and-roll at alam din daw nito kung papaanong kontrolin ang tempo, na isa sa napaka-importante sa isang team, lalo na sa playoffs.
Marami mang katanungang na nakapalibot ngayon kay Chris Paul, ang mahalaga, batay na rin sa sinabi ni Steve Kerr, mga KaTop Sports, kailangan nila ng isa pang playmaker na ang dala ay ibang timpla, upang hindi maging isang dimentional lamang ang kanilang opensiba.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Mayroon ngang isang katotohanan ang ibinulgar ni D'Angelo Russell kamakailan, matapos na purihin niya ang kaniyang teammate na si Austin Reaves, na isa raw itong pamatay na player.
Sinabi nga ni D-Lo na karamihan daw sa mga tao ay dini-discredit si Reaves dahil sa kulay ng kaniyang balat, marami raw sa mga black people ay may isa lamang na nakakasamang white people na kaya nilang isama, maisasama nila sa park pagkatapos ay kasama pa niyang uuwi.
At nang marinig ni Reaves ang mga sinabi na ito ni D-Lo, sumang-ayon siya na nakakaranas nga siya ng pambabastos, pero hindi naman daw siya naba-bothered sa mga iyon, at nag-eenjoy daw siya na patunayan sa kanila, na silang lahat ay nagkakamali.
Naglaro raw ng isang taon itong si Reaves sa AAU, at nang siya ay nasa court na, ang lahat daw ay nagsasabi na, akin na 'yung white boy, at pagkatapos ng tatlo at apat na possessions, pinahirapan na niya silang lahat.
Ngayon na napapatunayan na niya ang kaniyang sarili sa NBA, wala na sigurong mag-a- underestimate sa kaniya, at sana lang ay patuloy siyang maging motivated, ngayon na hahakbang na siya ng isa pang step sa kaniyang career.
At para sa huli nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Habang marami nga ang nagtatanong patungkol sa trade request ni Damian Lillard, ang former Blazers na si Terry Porter ay nagpadala ng mas positibong mensahe patungkol dito.
Aniya, gusto raw ng mga fans na makita si Lillard na mapunta sa isang team kung saan mas mataas ang chance niya na magkampeon.
Ang challenging part nga lang daw sa parte ng Blazers, ay kung ano ba ang makukuha nilang kapalit sa isang franchise player na kagaya ni Lillard.
Maiti-trade raw talaga si Lillard dahil iyon ang gusto niya, pero wala raw katiyakan kung sa Miami nga siya mapupunta, dahil wala raw sapat na assets ang Miami na maipapalit nila para kay Lillard.
At dahil doon, sa kakulangan ng assests ng Miami, ang mga koponan ng Brooklyn Nets o ang Detroit Pistons ay ang mga koponan na napapabalita na magiging third team na gagamitin, matuloy lamang ang trade, at ng makuha na ng Blazers ang gusto nilang mga assets, at matuloy naman si Lillard sa Miami.
Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga KaTop Sports.
For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.
Paki-Like at Paki- share niyo na rin ang aking video upang mas makilala pa ang Top Sports PH.
Maraming salamat po.
Comments
Post a Comment