Inamin ni Paul George na mahirap depensahan si Stephen Curry matapos ang 50-point game nito.
Napanood na nga natin kung papaano ipinapahiya ni Stephen Curry ang mga magagaling na perimeter defender ng NBA, mga Idol.
Maging si Paul George, na isa sa magaling dumipensa sa liga, ay nalalaman kung gaano kahirap depensahan itong si Curry dahil sa abilidad nito na makagawa ng kaniyang tira, saan mang lugar sa loob ng court.
Sa katunayan, may isang game nga raw na hindi malilimutan itong si George, na naging karanasan niya laban kay Curry.
Nu'ng March 15, ang Clippers at ang Warriors ay nagharap sa may Crypto.com Arena, isang mahalagang laban para sa pwestuhan sa playoffs.
At gaya nga ng inaasahan ng Clippers, walang game plans na nakahanda sila para kay Curry at sa magiging performance nito sa gabing iyon, mga Idol.
Ikinuwento nga ito ni Paul George sa kaniyang podcast na Podcast P na presented ng Wave Sports + Entertainment.
Inamin niya kung gaaano nilito ni Curry ang depensa ng Clippers at si Steph nga ay nakapagtapos sa game na iyon na may 50 points.
Inakala raw ni George na mababantayan niya ng mahigpit si Curry pero hindi pala.
Kahit na raw mas malaki pa siya kay Steph, kahit na raw nilalagpasan niya ang mga pagscreen sa kaniya, hindi raw siya nababahala, pero kahit ano raw ang plano nila para kay Curry, hindi raw umuubra ang lahat ng iyon, lalo na nang pasimulan na raw na basagin ni Steph ang kanilang depensa sa kalagitnaan ng first quarter, mga Idol.
Nagkaroon agad si Curry ng 12 points sa first quarter, na siya ay nagkaroon ng 5-of-8 field goal attempts na naging panimula ng kaniyang mainit na scoring buong gabi.
Sinimulan nga ni George ang game na binabantayan si Curry, na minsan ay nakakatulong pa niya si Kawhi Leonard sa pagbabantay kay Steph, pero hindi pa rin umubra iyon para kay Curry.
At nang dumating na nga ang third quarter, napasa kamay na ni Curry ang game.
Dahil sa 35 points na naiskor ng Warriors sa 3rd quarter, ang 21 points do'n ay kay Curry, na nagpalapit sa Warriors sa game laban sa Clippers na nagbabanta na na kunin na ang game, mga Idol.
Wala talagang naging sagot sina George at Leonard kay Steph, lalo na't nakukuha ni Curry ang gusto niyang switch kay Ivaca Zubac, na talaga namang pinagbayaran ng husto ng Clippers.
Pero bandang huli, ang Clippers pa rin naman ang nanalo, at nagtapos ang game sa score na 134-126.
Pero ngayon, alam na alam na ni Paul George na huwag basta na lang ia-underestimate itong si Curry, kahit na ba na mataas na talaga ang inaasahan kay Steph, hindi pa rin dapat na nagpapabaya sa isang gaya ni Stephen Curry.
Comments
Post a Comment