Ang player na kasama ni Austin Reaves sa Team USA na excited na raw siya na makalaro bilang kakampi.
Kumusta mga KaDribol, welcome back sa aking channel ang KaDribol BasketBall.
Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang player na kasama ni Austin Reaves sa Team USA na excited na raw siya na makalaro bilang kakampi.
At pag-usapan na rin natin ang sinabi ni Klay Thompson na hindi raw niya makakalimutang ala-ala kay Kobe Bryant.
Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, ang patungkol kay Christian Wood, kung siya ba ay makukuha pa ng Los Angeles Lakers o ng Miami Heat.
Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Christian Wood, mga KaDribol.
Bagaman na si Wood ang isa sa better froncourt talents na available bilang unrestricted free agent, wala pa rin nga siyang napipirmahang koponan ngayong offseason.
Ito ay dahil sa ayaw raw ni Wood na ang makukuha lamang niya na kontrata ay minimum contract, na ito lamang ang kayang i-offer sa kaniya ng mga teams na gaya ng Los Angeles Lakers at ng Miami Heat.
At ayon kay Marc Stein, mga KaDribol, ang Dallas Mavericks daw ay open sa idea ng isang sign-and-trade para kay Wood bago magsimula ang training camp sa September, ito ay kung makakakuha ang Mavs ng isang player na gusto nila na kapalit ni Wood.
At ayon din kay Stein, hindi raw mami-meet ng Lakers at ng Heat ang criteria na gusto ng Mavs dahil sa kakulangan nila ng tradable assets, pero bilang free agent, posible pa rin naman daw makuha ng Lakers o ng Heat itong si Wood, pero sa isang minimum contract nga lamang.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Hindi nga kailangan pa ni Kobe Bryant ng maraming salita upang makagawa siya ng impact, at ito ay pinatotohanan ni Klay Thompson nang ibahagi niya ang isang pangyayari na naranasan niya kay Kobe.
Ito ay naganap taong 2013 nang ang NBA ay nagsasagawa ng global games, hindi raw makatulog itong si Klay dahil sa jetlag, kaya't nagtungo raw siya sa weight room at nagbuhat ng dumbells.
Nang may biglang tumapik raw sa kaniyang balikat at paglingon niya, nagulat daw siya at si Kobe pala iyon, at hindi raw siya makapaniwala na siya ay nasa iisang gym na kasama si Kobe, at nakipagkamay raw sa kaniya si Kobe, pagkatapos ay nagtungo na ito sa kaniyang lugar at nagworkout.
Naalala rin ni Klay ang sinabi ni Kobe patungkol sa kaniya, after three years ng kanilang naging encounter sa gym, alam daw ni Kobe na magiging magaling si Klay nu'ng siya ay nakita niya sa gym, at si Klay lang daw ang nandoon, kaya napahanga raw si Kobe dahil doon.
At iyon daw ang nagdala kay Klay na ipagpatuloy lang kung ano ang ginagawa niya at nagbunga naman iyon ng maganda sa kaniya.
At para sa huli nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Nang matanong nga ni Yahoo Sports reporter Vincent Goodwill itong si Austin Reaves, kung sino sa kaniyang mga teammates sa Team USA ang excited na siyang makalaro, ang player na pinili niya ay ang 2020 Most Improved Player of the Year at All-Star sa season ng 2019-20 na si Brandon Ingram ng New Orleans Pelicans.
Si Ingram ay napili ng Lakers na pang No.2 pick sa 2016 NBA Draft, mga KaDribol, at siya ay kasama sa trade na isinagawa para kay Anthony Davis ng New Orleans Pelicans taong 2019.
At ngayon nga ay magkakaroon ng pagkakataon itong si Reaves na matuto sa mga kasama niyang magagaling na players na gaya ni Ingram, na mas may higit nang naabot kaysa sa kaniya sa puntong ito ng kaniyang career.
At bagaman na hindi siya magiging starter para sa Team USA dahil nandiyan sina Jalen Brunson ng New York Knicks at Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves na kanilang magiging backcourt starter.
Magkakaroon pa rin naman siya ng mahalagang role para sa Team USA, lalo na at nagpapamalas na siya ng kahusayan bilang point guard sa isinasagawa nilang training sa Las Vegas.
Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga KaDribol.
For more NBA News and Updates, subscribe na kayo sa aking channel.
Paki-Like at Paki- share niyo na rin ang aking video upang mas makilala pa ang KaDribol BasketBall.
Maraming salamat po.
Comments
Post a Comment