Ang pagiging point guard ni Austin Reaves sa ginawang scrimmage ng Team USA.



Kumusta mga KaDribol.

Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang pagiging point guard ni Austin Reaves sa ginawang scrimmage ng Team USA.


At pag-uusapan na rin natin ang sinabi na ito ni Stephen Curry na isang napakahinang desisyon raw na magagawa ng isang player sa loob ng court.

Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga KaDribol, ang mensaheng ipinaabot ni Udonis Haslem para kay Tyler Herro patungkol sa posibilidad na mai-trade na ito ng Miami Heat kapalit ni Damian Lillard.

Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Udonis Haslem, mga KaDribol.


Isa nga sa pinaniniwalaan na makakasama para sa trade na magaganap sa pagitan ng Portland Trail Blazers at ng Miami Heat para kay Lillard ay itong si Herro, at si Udonis Haslem nga ay nagpaabot ng mesahe para kay Herro dahil dito.

Nakaantabay raw itong si Haslem sa lahat ng nangyayari, at palagi raw siyang nakikipag-uganayan kay Herro at may magandang samahan daw silang dalawa.

Palagi daw siyang nakikipag-usap kay Herro at binabantayan daw niya ang mental status nito, at isa nga raw sa sinabi niya rito ay ang patungkol sa pag-focus sa ginugol na panahon, at napakaganda raw ng nagugol nilang panahon.


At anoman daw ang mangyari, makakaalis daw siya na taas ang noo,

Sixth Man of the Year, tatlong Estern Conference Finals, dalawang NBA Finals, at ang kaniyang apat hanggang ika-limang taon ay mas maganda kaysa sa mga naging careers ng iba, kaya't wala raw dapat ikahiya itong si Herro.

Para sa akin, mga KaDribol, tama naman si Haslem sa mga sinabi niyang ito, wala naman dapat ikahiya itong si Herro kung sakaling mai-trade nga siya, dahil napatunayan naman na niya ang kaniyang sarili bilang isa sa mga mahuhusay na young players ngayon sa NBA.


Kayo, mga KaDribol, ano ang masasabi niyo patungkol sa sinabi na ito ni Udonis Haslem?

At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.

Si Steph nga ay patuloy na nagbabahagi ng kaniyang wisdom sa mga basketball players sa susunod na henerasyon, at kamakailan lang ay nagsagawa siya ng training at inihahanda niya ang mga top high school basketball players ng United States sa kaniyang Curry camp.


At sila ay binigyan niya ng advice na h'wag silang mahuhulog na maging biktima ng napakahinang galaw sa basketball, at ito ay ang magmakaawa sa bola, mga KaDribol.

Habang kumukuha raw ng posisyon, ang huling maari raw gawin ng isang player kapag na libre ay humingi ng humingi ng bola, at iyon daw ang pinaka mahinang galaw sa basketball.

Ang mga tamang desisyon daw sa loob ng court ay ay pag-iwas sa mga screens, ang pag-cut sa harap, ang pag-cut sa likod at kumuha ng espasyo palayo sa bola, pero ang magmakaawa raw na makuha ang bola sa pasa, napakahinang galaw raw iyong sa basketball.


Para sa akin, mga KaDribol, tama lahat ng sinabi na ito ni Steph, dahil ang iba ngang players, lalo na 'yung wala pa sa level ng pagiging NBA player, ay makakaramdam nga na sila ay nasa magandang posisyon at mag-uumpisa na, na humingi ng pasa, dapat talaga matuto tayo na pagkatiwalaan ang desisyon na gagawin ng ating kakampi.

Sinabi rin sa kanila ni Steph na kung papaano na ang communication ay susi sa tagumpay, mga KaDribol, kaya't kailangan daw na lagi mong maiparamdam ang iyong presensiya kapag ikaw ay nasa loob ng court.

At para sa huli nating pag-uusapan, mga KaDribol.


Namataan nga ang pagiging point guard ni Austin Reaves sa isinagawang scrimmage ng Team USA laban sa Select Team ng Las Vegas.

Sa game, nakabuslo siya ng tres, nakapuntos siya sa isang baseline jumper, at nakakuha pa siya ng offensive foul kay Chet Holmgren sa transition.

Isa nga itong si Reaves sa kapana-panabik na abangan kapag nagsimula na tournament sa August 27, at ang makakalaban nila ay ang New Zeland, at ito ay gaganapin sa ating bansa, dito sa Pilipinas.


Isa si Reaves sa apat na guards na nasa kanilang roster, kabilang dito ay sina Jalen Brunson, Tyrese Haliburton at Anthony Edwards.

Ang 25-years old na si Reaves ay nag-averaged ng 17 points per game pagkatapos ng All-Star break at siya ay nag-emerged bilang pangunahing ballhader ng Lakers sa kalagitnaan ng season.


Siya rin ang naging third best player ng Lakers sa playoffs, kung saan siya ay nag-averaged ng 16.9 points, 4.4 rebounds at 4.6 assists per game.

Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga KaDribol.


For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.

Like and share niyo na rin ang atin video upang mas makilala pa tayo.

Maraming salamat po.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.