(1) Isang pamatay na player daw si Austin Reaves ayon kay D'Angelo Russell. (2) Ang 54-point game daw ni Stephen Curry ang nagbigay sa kaniya ng cinfidence ayon kay Iman Shumpert.(3) Desmond Bane balik ensayo na matapos ang operasyon sa kaniyang paa.
Kumusta mga KaDribol.
Pag-usapan natin ngayon sa ating bagong video ang sinabi na ito ni D'Angelo Russell patungkol kay Austin Reaves.
At pag-uusapan na rin natin ang sinabi ni Iman Shumpert patungkol sa 54-point game ni Stephen Curry laban sa New York Knicks.
Isama na rin nating pag-usapan sa videong ito, mga KaDribol, ang update sa injury ni Desmond Bane.
Unahin na natin ang patungkol dito kay Desmond Bane.
Nito ngang May, sumailalim sa operasyon itong si Desmond Bane para sa kaniyang injury sa paa.
At ang bagong update sa kaniya ngayon matapos ang operasyon ay ginagawa na raw lahat ngayon ni Bane ang dapat na gawin sa pag-eensayo, maliban lang sa 5-v-5 na paglalaro, at inaasahan na magiging handa na siya sa pagbubukas ng training camp, mga KaDribol.
Malaki nga ang ginampanan ni Bane sa naging run ng Memphis Grizzlies patungo sa playoffs, kaya naman siya ay na-awardan ng Memphis ng five-year max contract extension worth $207 million.
Last season, siya ay nag-averaged ng 21.5 points, 5.0 rebounds, 4.4 assists at 1.0 steals per game, 47.9 percent shooting sa field, 40.8 percent shooting sa tres at 88.3 percent shooting sa free throw line.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Muli ngang sinariwa ni Iman Shumpert ang naging laban ng New York Knicks at Golden State Warriors, kung saan si Stephen Curry ay nakapagtala ng 54 points.
Sinabi nga ni Shumpert na ang naging 54-point game ni Curry laban sa Knicks nu'ng gabing iyon ang nagbigay sa kaniya ng confidence, at naghubog sa kaniya upang maging mahusay na player ngayon.
Sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito ni Shumpert, mga KaDribol?
Kase para sa akin, maaaring tama si Shumpert sa sinabi niyang ito at maari rin na hindi, dahil sa dami na nga ng magagandang performance ni Curry sa game,
Hindi na natin masabi kung alin do'n ang talagang nakapagbigay sa kaniya ng confidence, na nagdala nga sa kaniya upang kilalanin ngayon na greatest shooter of all-time.
Kayo, mga KaDribol, para sa inyo, alin sa mga hindi malilimutang performance ni Curry ang sa tingin ninyo na nagbigay sa kaniya ng confidence at naghubog sa kaniya kung sino siya ngayon bilang player?
Comment n'yo lang dyan.
At para sa huli nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Ayon nga dito kay D-Lo, isang pamatay raw na player itong si Austin Reaves.
Ito ang pagsasalarawan niya kay Reaves nang siya ay matanong ni Patrick Beverley sa podcast nito, kung ano raw ba ang pakiramdam na makakampi ang isang Austin Reaves?
Naalala pa nga raw nitong si D-Lo, mga KaDribol, nu'ng unang nakaharap niya si Reaves, at nagulat daw talaga siya sa mga galaw ni Reaves.
At lalo pa raw niyang nakilala ang paglalaro ni Reaves nu'ng siya ay naitrade na sa Lakers.
Para raw kay D-Lo, mga KaDribol, isang elite na player itong si Austin Reaves.
Sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito ni D-Lo patungkol kay Reaves?
Kung ako ang tatanungin, sang-ayon ako, dahil isang mahusay na player naman talaga itong si Reaves at bagay na bagay ang laruan niya sa Lakers.
Last season, si Reaves ay nag-averaged ng 13.0 points, 3.0 rebounds at 3.4 assists per game, 52.9 percent shooting sa field, 39.8 percent shooting sa tres at 86.4 percent shooting sa free throw line.
Sa ngayon heto muna ang hatid kong balita sa inyo, mga KaDribol.
For more NBA News and Updates, Subscribe na kayo sa aking channel.
Like and share niyo na rin ang atin video upang mas makilalal pa tayo.
Maraming salamat po.
Comments
Post a Comment