Zach LaVine, posible pa rin daw mapunta sa Miami Heat sa kabila ng kagustuhan ng Heat na makuha pa rin si Damian Lillard, at James Harden, nagsalita na patungkol sa trade saga ni Damian Lillard.



Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay James Harden, mga idol.

Ang dalawang malaking pangalan nga ngayon sa trade market ay itong sina James Harden at Damian Lillard.

Ang dalawang superstars na ito ay sinisikap na makaalis na sa kanilang mga respective teams, sa kagustuhan nilang magsimula muli ng panibagong chapter sa kanilang mga careers.


Nang makapanayam nga itong si Harden sa USA Today Sports at nang siya ay matanong kung ano ang masasabi niya sa naging request na trade ni Lillard sa Portland Trail Blazers, sinabi niya na nakikita raw niya ang magkabilang panig dahil pinagdaanan na raw niya iyon.

Hindi rin daw niya gusto na ang isang organisasyon ay ipadadala ang sinoman sa lugar na ayaw niyang mapuntahan, mga KaTop Sports.

Pero ayaw mo rin naman daw na ibigay na lamang ang isang player sa wala, kaya naiintindihan daw niya ang magkabilang panig.


Iyon daw ay paghahanap ng balanse upang magsalubong sa gitna at sana lang daw, na ang magkabilang panig ay magkaroon na ng agreement.

Hindi natin matiyak dito kung si Harden ba ay nagsasalita ng patungkol kay Lillard o kung ginamit lang niya ang sitwasyon upang maibahagi rin naman niya ang kaniyang palagay sa kaniyang sariling predicament sa Philadelphia 76ers.

Anoman ang kaso dito, siya ay nakapaglaglag ng isang malaman na salita, hindi lang para sa trade saga ni Dame kundi maging sa kaniyang future sa Philadelphia na rin, mga KaTop Sports.


Sa puntong ito, mukhang kaunting panahon na lang ang hihintayin natin bago natin marinig ang announcements ng Sixers at ng Blazers para sa isang blockbuster deal para sa kanilang respective stars.

At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.

Nakita nga ng star guard ng Chicago Bulls na si Zach LaVine ang kaniyang pangalan sa trade rumors ngayong offseason, at kung siya ay maglalaro na sa ibang koponan sa pagsisimula ng season ng 2023-24, ang paborito nga raw na mapuntahan niya ay ang Miami Heat.


Ito ay sa kabila na gusto pa rin ng Heat na makuha nila si Damian Lillard sa Blazers.

Sa kasalukuyan, ang Miami nga ang nangunguna sa pinaka paborito na mapuntahan nitong si LaVine, na sinundan ng Brooklyn Nets, New York Knicks at Atlanta Hwaks.

Ang iba pang teams na kabilang dito ay ang Dallas Mavericks, Boston Celtic, Golden State Warriors, Portland Trail Blazers at Los Angeles Lakers, mga KaTop Sports.


Nagkaroon nga ang Miami ng suprising run sa playoffs last season at nakaabot pa nga sila ng NBA Finals.

Kaya't lalong magiging mapanganib ang Miami kapag magawa nilang maidagdag ang isang Zach LaVine sa kanilang roster na kasama sina Jimmy Butler at Bam Adebayo, pero ito ay madali lamang sabihin kaysa gawin.

Habang marami pa namang oras sa offseason upang maisagawa ang trade, mukhang ang talagang target pa rin ng Heat ngayong offseaon ay si Lillard.


Si LaVine nga ay pumirma sa Bulls ng five-year deal worth $215.16 million last year, na may player option na nagkakahalaga ng $48.9 million sa darating na kampanya nila sa 2026-27, mga KaTop Sports.

Last season, siya ay nag-averaged ng 24.8 points, 4.5 rebounds at 4.2 assists, habang may shooting na 48.5 percent sa field, sa loob ng 77 games para sa Bulls.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.