“We Want Sotto” sigaw ng mga fans nang hindi pa rin paglaruin itong si Kai Sotto ng coach ng Orlando Magic sa Summer League.
“We Want Sotto” sigaw ng mga fans nang hindi pa rin paglaruin itong si Kai Sotto ng coach ng Orlando Magic sa Summer League.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong undrafted player ng Miami Heat na nagpapamalas ng magandang paglalaro sa Summer League.
Nagkaroon na nga ang Heat nang malakas na success sa nagdaang mga taon sa kanilang mga undrafted players.
Sa kanilang naging palyoff run nito lang nakaraang postseason patungo sa Finals, sila ay may tatlong players na undrafted na naglaro ng malaking minuto sa kanila, at ito ay sina Gabe Vincent, Max Strus at Duncan Robinson.
Maging si Haywood Highsmith ay nakapagbigay din sa kanila ng isang solid na minuto sa playoffs.
Ito ay malinaw na testamento na ang front office ng Heat at ang kanilang scouting department ay mahusay sa paghanap ng mga NBA contributors sa ganitong paraan, mga KaTop Sports.
At ngayon nga ay mayroon na naman silang undrafted player sa katauhan ni Orlando Robinson na naghihintay na ngayon ng kaniyang opportunity.
Si Robinson ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa Heat last season at mayroon siyang partial guarantee para sa season ng 2023-24.
Siya ay naging undrafted matapos na siya ay gumugol ng tatlong seasons sa Fresno State.
Pumirma siya ng Exhibit 10 contract sa Heat nu'ng offseason taong 2022, pero hindi niya nagawang makasama sa team sa training camp, kaya siya ay nauwi sa G League sa affiliate team ng Heat na Sioux Falls Skyforce, mga KaTop Sports.
Ibinalik siya ng Heat para sa two-way contract nu'ng November pero na cut din agad siya bago matapos ang nasabing buwan.
At Muli na naman siyang ibinalik ng Heat nu'ng December para uli sa two-way contract at mula no'n, namalagi na siya sa koponan ng Miami.
Ikinonvert ng Heat ang kaniyang two-way contract sa isang standard contract nu'ng matapos na ang Finals at du'n na nga pumasok ang kaniyang partial guarantee, mga KaTop Sports.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng dominanteng performance itong si Robinson sa Summer League, kung saan siya ay nagtapos sa game na may 36 points, 11 rebounds, 4 assists at 2 blocked shots, at 3-for-4 pa ang shooting niya mula sa tres.
At para naman sa sigaw ng mga fans na "We want Sotto" matapos na hindi paglaruin ng coach ng Orlando Magic itong ating kababayan na si Kai Sotto, mga KaTop Sports.
Kaytagal na nga nating hinintay ang pagkakataon na mapanood ang isa pa nating kababayan na maglaro sa NBA.
Meron na tayong napanood na ilan sa kanila na gaya nina Raymond Townsend ng Golden State Warriors, Jordan Clarkson ng Utah Jazz at si Jalen Green ng Houston Rockets.
At isa nga sa pinaka-inaabangan natin ay sa wakas ay nagkaroon na ng katuparan, at ito ay si Kai Sotto na nagkaroon na ng pagkakataong makapaglaro sa NBA, nang siya ay mapasama sa lineup ng Orlando Magic para sa Summer League.
Matagal na nga na naghahanda itong si Sotto para sa NBA magbuhat pa ng stint niya sa The Skills Factory, mga KaTop Sports.
Pumunta pa nga siya sa Australia para sa Australia's NBL at naglaro sa Adelaide 36ers.
At finally nga ay tinawagan na siya ng NBA, at nabigyan siya ng Magic ng spot sa kanilang Summer League roster.
At nagkaroon na siya ng pagkakataon na makalaro ang ibang mga rookies na mga lottery picks na gaya nina Anthony Black at Jett Howard.
Subali't hindi siya nakakuha ng minuto sa dalawang games na nailaro na ng Orlando Magic, at karamihan sa ating mga kakababayan at mga fans ng Magic ay talaga namang disappointed na, mga KaTop Sports.
Ang mga fans na present sa loob ng Las Avegas arena ay nagsigawan na nga ng "We want Sotto!"
At nang matapos na nga ang game, marami talaga sa mga fans ang umuwing dismayado.
At ang iba naman ay ipinaramdam sa Orlando ang kanilang pagkadismaya sa coaching staff ng Magic sa pamamagitan ng mga post nila sa Twitter.
May nagsabi pa nga na ang coach raw ng Orlando sa Summer League ay patatalsikin nila sa susunod na bumisita ito sa Jollibee, mga KaTop Sports.
Ang iba naman ay inalala ang panahon ng itong si Sotto ay nakaharap ang mga de kalibreng NBA talent laban sa Phoenix Suns.
At ang sabi niya ay naglaro daw itong si Sotto na kasama ang regular NBA roster at umiskor siya doon ng 11 points, nakakuha ng 5 rebounds pero hindi makapaglaro sa Summer League na puno ng mga G League guys and rookies lamang.
Makita pa kaya natin na makapaglaro ang ating kababayan na si Kai Sotto sa Summer League na ito, mga KaTop Sports?
Nakaka-disappoint naman talaga kung hindi siya bibigayan ng pagkakataon ng Magic na makapaglaro.
Comments
Post a Comment