Wala raw kaibi-kaibigan kina Draymond Green at LeBron James pagdating isang bagay na ito.
Wala raw kaibi-kaibigan kina Draymond Green at LeBron James pagdating isang bagay na ito.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong inilantad ni Green na kakampi raw niya sa Golden State Warriors na pinaka professional sa lahat.
Matagal na ngang naglalaro ng basketball itong si Green, kung tutuusin, sa edad niya na trentay tres, ang $100 millon na apat na taong kontrata na pinirmahan niya sa Warriors ay baka ito na lang ang huling malaking kontrata na makukuha niya sa career niya.
Nagkaroon na rin siya ng mga opportunities na makalaro ang ilan sa mga best players na nakita natin na naglaro ng basketball.
Nagkaroon din siya ng chance na maging kakampi ang ilang mga players na hindi natin eksaktong masasabi na nasa daan ng pagiging isang Hall of Famer.
At may isang player para sa kaniya na nag-stand out para sa most remarkable teammates na nakasama niya, mga idol, at hindi iyon sina Stephen Curry, Klay Thompson at Kevin Durant.
Iyon ay si Kevon Looney, ang bente syete anyos na isa sa best teammates na most professional person, player etc. raw na nakasama niya sa trabaho.
Hindi raw nale-late, hindi raw ginagalit ang sinoman, hindi naa-upset, hindi raw mareklamo at ginagawa ng tama ang kaniyang trabaho at maraming pang iba.
Binanggit din ni Green kung paano nakarecover itong si Looney sa kaniyang mga injuries na ipinakipaglaban niya sa kaniyang career, na pagpapakita rin ito ng kaniyang pagiging professional.
Walang siyang ibang masabi na salita kay Looney kundi magagandang mga bagay lamang, mga idol, pagpapatunay lamang na siya ay malaking tagahanga ni Looney at hanga rin siya sa work ethic ni Looney.
At para naman sa wala raw kaibi-kaibigan kina Green at LeBron pagdating sa isang bagay na ito.
Hindi na nga lingid pa sa atin kung gaano ka close sa isa't-isa itong sina Green at LeBron, at ilan sa mga tao ang kini-criticize ang kanilang pagkakaibigan, kung mayroon bang nagiging distraction o hindrance kapag sila ay naglalaban sa loob ng basketball court.
Ayon kay Green, wala raw ganoon sa kanilang dalawa, at hindi raw niya hinahayaan na ang kanilang pagkakaibigan ay magkaroon ng epekto kapag sila ay nagharap sa laban.
Kapag umapak ka na raw sa court, wala na raw kaibigan, kahit na ba na ang turingan na nila sa isa't-isa ay magkapatid pa.
At dahil daw sa ang pagkakaibigan nila ay bulgar sa buong mundo, mga idol, ngayon daw ay nagiging issue na iyon, pero pinaghihiwalay daw niya ang dalawang iyon.
Sa pagtatapos daw ng araw, gusto raw niya na manalo ng mga games, at sinusubukang makapanalo ng kampeonato, at kahit na sinoman daw ang humarang, kakalabanin daw niya ng matindi.
At hanggang sa araw daw na ito, lalabanan daw niya si LeBron kapag sila ay nasa loob ng court at wala raw siyang problema doon, at ganoon din daw ang gagawin sa kaniya ni LeBron.
Pero nanatili pa rin daw ang respect at love nila sa isa't-isa, na hindi raw mababago iyon ng basketball.
At gaya nga ng sinabi ni Green, mga idol, panigurado raw, ganoon din ang eksaktong nararamdaman ni LeBron kapag sila ay nagkaharap sa loob ng court.
Kaya naman ang pagkakaibigan nila ay nagiging espesyal at ito rin ang dahilan kung bakit mayroon silang mataas na antas ng pagrespeto sa isa't-isa.
Magkaibigan nga sila sa labas ng basketball court, pero pagdating naman sa loob ng court, ibang usapan na raw iyon.
Comments
Post a Comment