Unang player ng Miami Heat na nilapitan ni Jaime Jaquez Jr. inilantad niya.



Unang player ng Miami Heat na nilapitan ni Jaime Jaquez Jr. inilantad niya.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong sinabi ni LaMelo Ball na papasok siya sa All-NBA at kukunin ang MVP award.


Ginawa na nga ng Charlotte Hornets na kanilang cornerstone superstar itong si LaMelo, matapos na siya ay bigyan nila ng $260 million five-year max extension contract.

Sa kabila na ang kaniyang career ay inabot ng mga injuries, at siya nga ay hindi nakapaglaro ng 46 games last season, ay hindi nagdalawang-isip ang Hornets patungkol sa future ng bente uno anyos na si LaMelo na siya ay mabigyan nila ng max extension.

At para sa parte ni LaMelo, susuklian daw niya ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng Hornets.


Nito ngang Biyernes, mga KaTop Sports, opisyal nang pinirmahan ni LaMelo ang kaniyang kontrata sa harapan ng kanilang team general manager  na si Mitch Kupchack.

Nang tinanong siya ng GM kung ano ang goals niya para sa darating na season, ang sagot ng 6-foot-7 na si LaMelo ay siya raw ay mapapasama sa grupo ng All-NBA ngayong taon.

At nang tinanong naman siya kung nasa kaniya ba ang pagnanasa na maging MVP, ang sagot niya ay "Oo" kukunin daw niya lahat, at ang main thing daw ay ang manalo


At iyon daw ang susubukan niyang abutin sa panibagong season, at gaya nga ng sinabi niya, ang biggest thing ay ang manalo, at doon siya mas naka-focus ngayon.

Okay lang naman ang mga personal accolades, mga KaTop Sports, gaya ng kaniyang nakuhang Rookie of the Year title at ang kaniyang All-Star appearance, pero sa pagtatapos ng araw, mas pinahahalagahan niya ang manalo.

Nung nakaraang season, nagtapos lamang ang Hornets na may 27 victories sa loob ng 82 games, kaya't gusto nila na mas maging better sila sa panibagong season, lalo na at healthy na uli itong si LaMelo.


Naidagdag pa nila sa kanila ang No.2 overall pick na si Brandon Miller, kaya walang duda na mas maganda ang future na mayroon sila ngayon kaysa sa mga nagdaan.

At para naman sa unang player ng Heat na nilapitan daw ni Jaquez Jr., mga KaTop Sports.

Gumawa na nga ng pagkilos ang Heat ngayong offseason in terms sa mga official deals.

Ibinalik nila sa kanila si Kevin Love, at nakuha at naidagdag pa nila sa kanila sina Josh Richardson at Thomas Bryant sa free agency.

Bagaman nawala na sa kanila sina Gabe Vincent na napunta na sa Los Angeles Lakers at si Max Strus na napunta naman sa Cleveland Cavaliers, pero may mga players naman sila na maaring pumalit sa kanila.


At isa na nga dito ay si Damian Lillard, mga KaTop Sports, kung maipapasa na nila ang isang trade para sa kaniya patungong Miami.

At nakakuha pa sila ng isang malakas na player sa NBA Draft, ang kanilang pang No.17 overall pick na si Jaime Jaques Jr.

Si Jaquez ay isang NBA-ready type na player, at sa naging panayam sa kaniya ni Paul George sa Podcast nito, inilantad niya na ang unang player na nilapitan niya sa Heat ay itong si Udonis Haslem.


Si Haslem daw talaga ang unang nilapitan niya dahil si Haslem daw ang OG ng Miami Heat, at iyon daw ang tamang gawin, ang lapitan niya si Haslem upang maipaalam daw niya sa kaniya na siya ay excited na, na maging parte ng kanilang organisasyon.

Mukhang magkakaroon kaagad ng minuto sa paglalaro itong si Jaquez sa Heat sa darating na season, mga KaTop Sports, dahil may kakayahan din siyang maglaro bilang forward at malakas din ang pagsisimula niya sa Summer League sa ngayon.

Sa naging panalo ng Heat sa Lakers, si Jaquez ay nagtapos na may 22 points, 3 rebounds at 1 assist, 8-for-15 shooting sa field at 3-for-7 shooting sa tres.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.