Udonis Haslem, sumagot sa banat ni Paul Pierce kay Dwyane Wade, at Grant Williams pinutakte ng pang-aasar matapos na siya ay nakagawa ng isang epic dunk fail laban sa isang bata.
Una na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Grant Williams, mga KaTop Sports.
Si Grant Williams nga ay pumirma ng four-year deal sa Dallas Mavericks worth $53 million sa free agency, at gumagawa na nga siya ng mga paghalubilo sa kaniyang bagong fanbase.
Kapag hindi siya busy sa paggawa ng mga media-related appearances, siya ay nagho-host sa kaniyang annual basketball camp, at ngayon nga ay natagpuan niya ang kaniyang sarili na nag-viral dahil sa isang nakakatawang sablay na dunk.
Ang pag-host nga ng mga NBA players sa kani-kanilang sariling basketball camps ay isang popular na offseason activity, at isa na nga rito si Williams na nagho-host ng kaniyang sariling basketball camp.
Habang marami namang tipikal na magagandang istorya ang lumilitaw sa ganitong mga camps, natagpuan naman ngayon ni Williams ang kaniyang sarili na inaasar dahil sa sablay nga niyang dunk sa isa sa nasa kaniyang camp, at naisablay nga niya iyon sa isang nakakatawang itsura, mga KaTop Sports.
At hindi maganda ito para kay Williams.
Hindi lang kase sa questionable ang ginawa niyang desisyon na subukang mag-dunk sa isa sa camp attendees, kundi naisablay nga niya iyon sa isang nakakahiyang itsura.
Inatake niya ang basket ng 100 percent, pero hindi man lamang siya nakalapit upang maisagawa ng maayos ang kaniyang dunk, at nakakatawa nga raw iyon na mapanood.
Pamilyar na nga tayo kay Williams na gumagawa ng mga kakatwang banat, at ito ngang latest incident na ito sa kaniya ay madadagdag na sa kaniyang mga nakakahiyang koleksiyon, mga KaTop Sports.
Hindi naman na siguro magiging concern pa si Williams patungkol sa kaniyang sablay na dunk, pero mukhang hindi siya nakagawa ng isang magandang unang impression sa mga fans ng Dallas Mavericks.
At sana lang ay pagyamin niya ang bagay na iyon sa gym sa kaniyang pagwo-work out sa nalalabi pang mga araw ng offseason, upang masiguro niya na hindi mangyayari iyon sa kaniya sa tunay na game.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.
Si Paul Pierce nga ay palagi nang nasa maraming discussions sa paligid ng lupon ng NBA.
At ang kaniyang recent comments patungkol kay Nikola Jokic na hindi niya isinama sa kaniyang top five passer of all time ay umani nga ng maraming pagbatikos sa mga fans.
Ngayon, nasa usap-usapan na naman siya dahil sa kaniyang mga sinabi.
Sa kaniyang naging appearance sa Cam'Ron's talkshow, mukhang binanatan niya si Dwyane Wade sa kaniyang mga naging comments, mga KaTop Sports.
Dahil ang sabi niya ay, ilagay mo raw si Shaqulle O'Neal sa kaniyang team, maging sina LeBron James at Chris Bosh, hindi raw ba siya mananalo ng kampeonato?
Bagaman na sinabi naman niya bandang huli
a hindi niya dini-disrespect si Dwyane Wade sa pagsasabi niya no'n, pero parang mahirap na tignan 'yon sa ganoon.
Sa katunayan, parang ganito rin ang eksaktong sinabi niya taong 2019, nu'ng siya ay nagtatrabaho pa sa ESPN.
Sinasabi nga rito ni Pierce na nag-benifit raw ng husto si Wade sa pagkakaroon niya ng mga elite na supporting cast, at ganoon din daw ang mangyayari sa kaniya kung naglaro din siya na mayroong ding ganoong eksatong grupo, mga KaTop Sports.
At isa nga sa dating teammate ni Wade sa Miami Heat ang hindi sumang-ayon sa sinabi na ito ni Pierce.
At ito ay si Udonis Haslem na nag-comment sa isang Instagram post na binanatan niya si Paul Pierce dahil sa kaniyang naging komento.
At ito ang sinabi ni Haslem, ang podcast daw ay may blank na naglalabas ng diarrhea sa bibig.
Ang komento naman ni Pierce ay may ilang obvious na merito sa kanila, mga KaTop Sports.
Naging beneficiary naman talaga si Wade sa pagkakaroon niya ng ilang elite na teammates sa course ng kaniyang career.
At na enjoy naman talaga ng Heat ang mga serbisyo nina Shaquille, LeBron at Bosh.
At kung ang Celtics ay nakuha rin sila para kay Pierce, madali lang talaga na makita na mas marami talaga siyang maipapanalo kaysa kay Wade.
Ibig bang sabihin nito na mas mahusay si Pierce kay Wade, Mga KaTop Sports?
Mahirap itong masabi objectively.
Dahil si Piercea y nagkaroon din naman ng kaniyang sariling superteam, na nakasama niya sina Kevin Garnett at Rey Allen.
Pero nanalo lang sila ng isang kampeonato, at hindi nga pumanig sa kanila ang swerte at ang edad.
Sinabi din ni Pierce na nung nagsama silang tatlo ay napaglipasan na sila ng kanilang prime, mga KaTop Sports.
At sa hinaba-haba raw ng panahong lumipas, ang skills daw niya ay hindi na appreciate dahil hindi siya nakapaglaro na may nakasama na maraming mahuhusay na players.
At nu'ng nakasama nga raw niya sina Kevin Garnett at Rey Allen, y lipas na sila sa kanilang mga primes.
At kung nakasama raw niya ang dalawa na mas maaga sa apat na taon, sa tingin ba raw natin na hindi sila makakakuha ng tatlong kampeonato?
Comments
Post a Comment