Trayce Jackson-Davis pinapirma na ng kontrata ng Golden State Warriors.



Trayce Jackson-Davis pinapirma na ng kontrata ng Golden State Warriors.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin ang tunay na naging epekto ng pananapak ni Draymond Green kay Jordan Poole.


Naging malaking istorya nga sa nakaraang season ang relasyon nina Green at Poole sa loob at sa labas ng court, dahil nga sa insidenteng pananapak ni Green kay Poole bago pa man magsimula ang season.

Ang hindi natin alam, hindi pala talaga nagkaayos ang dalawa pagkatapos ng insidenteng iyon, at aminado naman si Green na nagkamali siya sa kaniyang ginawa.

Sinabi din ni Green na aayusin niya ang samahan nila ni Poole, pero nalalaman niya na hindi agad-agad na maayos iyon ng tuluyan.


Ilang beses din daw na tinangka ni Green na magkaayos sila, mga idol,  subali't tinanggihan daw ni Poole ang ginagawang pakikipag-ayos sa kaniya ni Green.

Hindi rin naman natin masisisi si Poole kung tanggihan niya ang mga paglapit sa kaniya ni Green, mahirap naman kasi na kalimutan ang masakit na ginawa sa iyo ng taong pinagkakatiwalaan mo, pagkatapos ay sisirain lang pala niya iyon.

Lalo na kung ang paglapit ni Green ay pagkatapos palang ng nasabing insidente, natural lang kay Poole na galit pa siya no'n at disappointed, human instinct ika nga.


May crack pa nga sa naging samahan nina Green at Poole, at mukhang lalo lang matatagalan bago sila magkaayos dahil nasa ibang team na nga itong si Poole.

At sana lang ay magkaayos din ang dalawa sa hinaharap dahil mas maigi ang humingi ng tawad at magpatawad kaysa magtanim ng galit sa puso, mga idol, na balang araw iyon ay ang sisira sa iyong pagkatao.

At para naman sa pagpirma ng kontrata ni Trayce Jackson-Davis sa Warriors, mga idol.


Ang manalo nga ang pinakamahalaga sa Warriors ngayon, kaya naman kumuha sila ng mga players sa 2023 NBA Draft na makakapagbigay agad sa kanila ng impact at hindi na kailangan pang idevelop gaya ng nakasanayan na nilang gawin dati.

Kaya naman hindi lang sa kinuha nila sa draft itong si Brandin Podziemski sa unang round, kundi kinuha rin nila itong si Trayce Jackson-Davis gamit ang kanilang final pick sa second round ng draft.

Si Jackson-Davis nga ang isa sa hinahanap ng Warriors na big man na hindi lamang sa low-post naglalaro, kundi ginagamit din niya ang kaniyang skills sa passing at pagscreen.


Kaya naman nitong Huwebes, mga idol, siya ay opisyal nang kasama sa roster ng Warriors dahil siya ay pinapirma na nila ng four-year rookie contract, na ang kontratang iyon ay guaranteed lamang para sa unang dalawang seasons.

At dahil sa may tinamo siyang injury, hamsrting injury, siya ay hindi nakapaglaro sa dalawang games ng Warriors na nailaro na nila sa California Classic Summer League games.

At para sa kaniyang kalagayan para sa official NBA Summer League, siya ay nakalista pa rin sa roster ng Warriors at inaasahan na makakapaglaro pa rin naman siya.


Ang bente tres anyos na si Jackson-Davis ay mas komportable na naglalaro sa low-post, kaya malamang agad din siyang maipapasok sa sistema ng Warriors.

Dahil isa nga sa naging problema ng Warriors ay ang lalim ng kanilang frontcourt lalo na nu'ng naitrade na nila si James Wiseman last season, mga idol, naging maliit talaga ang lineup nila.

Sina Draymond Green at Kevon Looney lamang ang nagpapalitan sa kanila para sa center position, kaya magandang dagdag nga para sa kanila itong si Jackson-Davis.


Isa rin kase itong si Jackson-Davis sa magagaling na rebounder sa kanilang nasyon sa nakalipas na taon sa Indiana at ngayon nga ay dadalhin na niya ito sa kaniyang kauna-unahang NBA season.

At kung ano ang magiging resulta ng paglalaro niya sa Summer League, mga idol, doon babase ang Warriors kung gaano naman siya magagamit sa pagsisimula ng kaniyang career sa NBA.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.