Trainor ni Michael Jordan, pinatunayan na si Jordan ang GOAT at hindi si LeBron James.
Hindi nga natin alam kung kailan matatapos ang debate patungkol sa kung sino ba ang GOAT kina Michael Jordan at LeBron James.
Ngayon, ang trainor naman ni MJ na si Tim Grover ay nagbigay ng isang interesting na pag-uusapan kung bakit siya ay naniniwala na si Jordan ang GOAT at hindi si LeBron.
Ginamit pa nga ni Grover ang sapatos ni MJ.
Sa ginawang interview kay Grover, tinanong siya kung sino ang pipiliin niya sa dalawa, si Jordan ba o si LeBron, sa usapang GOAT, mga KaDribol.
Ang kilalang trainor na si Grover, na nakatrabaho din nina Kobe Bryant at Dwyane Wade sa nagdaan, ay sinimulan ang kaniyang paliwanag sa pagpresenta ng personal accolades na naabot ni MJ sa kaniyang makulay na career.
Sa kasaysayan daw ng NBA, apat lang daw na players ang naka-accomplished ng pagkapanalo ng scoring title, regular-season MVP, first Team defensive player, nanguna sa scoring sa playoffs, at nakuha ang Finals MVP, sa isang season lamang.
At kilala daw ba natin kung sino ang apat na players na iyon?
Ang una daw ay si Michael Jordan, ang ikalawa ay si Michael Jordan, ang ikatlo ay si Michael Jordan at ang ikaapat ay si Michael Jordan, mga KaDribol.
At nang gamitin na ni Grover ang signature shoes ni Michael Jordan upang patunayan ang kaniyang agrumento, tinanong niya kung meron bang may nagmamay-ari ng pares ng sapatos ni Jordan?
Do'n sa lugar na kinalalagyan nila, marami ang sumagot na meron sila.
Subali't nang tanungin naman niya kung meron naman daw ba ang nagmamay-ari ng pares na sapatos ni LeBron, walang sumagot at lahat ay tahimik lamang.
May narinig pa nga raw tayong istorya na may ninakawan ng sapatos, na signature shoes ni Jordan, pero may narinig na raw ba tayo na ninakawan ng signature shoes ni LeBron?
Wala.
May punto naman dito si Grover, at dapat din siguro natin tignan ito sa ganoong prespective, mga KaDribol.
Kumbinsido ba kayo sa sinabi na ito ni Grover, kung bakit si Michael Jordan talaga ang GOAT?
Comments
Post a Comment