Trade senaryo ng Miami Heat para kay Damian Lillard inilantad na.
Trade senaryo ng Miami Heat para kay Damian Lillard inilantad na.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong dalawang naging secret weapons ng San Antonio Spurs sa pagbubukas ng 2023 NBA Summer League.
Sinimulan nga ng Spurs ang kanilang Summer League na wala ang kanilang first overall pick na si Victor Wembanyama, pero no problem sa kanila dahil sila pa rin naman ang nanalo laban sa Charlotte Hornets sa score na 98-77.
Maging ang isang player ng Spurs na si Malaki Branham ay hindi rin naglaro, kaya naman mas lalong naging impressive ang kanilang naging panalo.
Paano ba nakuha ng Spurs ang panalo laban sa second overall pick na si Brandon Miller ng Hornets?
Ito ay dahil sa dalawang players nila na nagpamalas ng magandang paglalaro na masasabi nating kanilang secret weapons laban sa Hornets, mga KaTop Sports.
Isa na rito ay si Julian Champagnie, na pwede nating sabihin na hindi na sekreto para sa lahat, dahil sa naging performance niya sa katatapos lang na season.
Kayan nga siya ay umani ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $12 million sa free agency na pinirmahan niya sa San Antonio.
Sa 25 minutes niyang inilaro siya ay umiskor ng 30 points, 9-of-20 shooting sa field, na medyo masasabi natin na hindi efficient, pero mataas pa rin naman ang naiskor niya, sa pamamagitan ng kaniyang mga tira sa tres, off the dribble na opensa, at pag-atake sa basket.
Bagaman nakaka-impress na ang paglalaro na ito ni Champagnie, mga KaTop Sports, pero may isa na mas nakaka-impress ang ipinamalas na paglalaro.
At ito ay si Dominick Barlow, ang bente anyos na big man, na naglaro sa Spurs last season ng 28 games.
Nangibabaw siya sa mga frontliners ng Hornets at nagpakita rin siya ng mga flashes sa off-the-dribble game, na tinatapos ang kaniyang opensa gamit ang kaliwa at kanang kamay niya.
Nagtapos si Barlow sa game na may 24 points, 10-of-13 shooting sa field, na kapag nagpatuloy siya sa ganitong klaseng paglalaro, magkakaroon siya ng spot sa rotation sa likod ni Wembanyama at Zach Collins.
Alam naman natin na unang game pa lang ito ng Summer League kaya 'di pa tayo pwedeng mag-over react na agad, mga KaTop Sports.
Pero alam na din naman na natin na ang Spurs ay kilala na isa sa magaling pagdating sa pagdedevelop ng mga young prospects.
At ang mga ganitong klaseng perfomance nina Julian Champagnei at Dominick Barlow, kapag naipagpatuloy nila ito, panigurado ay gagawa sila ng ingay sa susunod na season.
At para naman sa Trade scenarios ng Miami Heat para kay Damian Lillard na ngayon ay inilantad na, mga KaTop Sports.
Gusto nga ni Lillard na maitrade sa Miami, na hindi talaga ideal para sa kaniya dahil sa nawawala na ang lahat ng leverage na mayroon sila sa mga trade talks.
Mabuti na lang at mayroong naiulat na ilang trade scenarios na galing sa Miami na mga first round picks na pwedeng kunin ng Portland.
May mga concerns kasi sa kung ano at gaano ba kalaki ang makukuha ng Blazers para kay Lillard sa kagustuhan nito na mapunta sa Heat.
At isa ito sa naging dahilan kung bakit ang ibang teams na nagkainteres sa kaniya ay nag-alangan na, dahil baka 'di rin naman daw uubra ang ipapasa nilang trade para kay Lillard, mga KaTop Sports.
Ngayon, ayon sa mga latest reports, ang Miami ay nag-eexplore ng three o kaya ay four-team deals upang makuha lamang si Lillard at makunbinse nila ang Portland na gawin na ang trade.
Nakahanda na rin daw ang Heat na mawala sa kanila ang sinoman sa kanilang roster, maliban kina Jimmy Butler at Bam Adebayo para sa isang deal kay Lillard.
Sina Tyler Herro ay Duncan Robinson ang mga na mentioned na mga kandidato para sa trade na ito kay Lillard, pero mas higit pa yata sa kanila ang gustong makuha ng Portland kapalit ni Lillard.
Kaya ang trade na galing sa ilang mga teams ay marahil ay gagana, mga KaTop Sports, na dahil mag-aallow ito na ang Blazers ay makakakuha ng maraming first round picks habang makakaiwas naman sila na makakuha ng mga players na ayaw nila.
Hindi pa nga natin masabi pa sa ngayon kung ano ang kahihinatnan ng trade sa pagitan ng Heat at ng Blazers, at mukhang nangangailangan pa ng ilan pang panahon bago nila maisagawa ang trade na ito.
Comments
Post a Comment