Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.



Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong ibinigay na mga highlights ni Ric Bucher kung bakit dapat na matuloy ang trade sa pagitan ng Miami Heat at Portland Trail Blazers para kay Lillard.


Ayon nga sa mga reports, gusto na raw isara ng Heat ang isang blockbuster trade deal para kay Lillard.

Ang Blazers naman daw ay gusto pang makakuha ng higit sa gustong maibigay ng Miami, pero mukhang nasa bingit na sila ng pagsang-ayon sa isang massive exchange.

At si Ric Bucher ng Fox Sports 1 na isang malaking tagahanga ng potential na paglipat ni Lillard sa South Beach, ay nagsabi na ang pagdating ni Lillard sa Miami ay hindi lamang magiging beneficial para sa Miami, kundi, may maganda ring maidudulot ito para sa seven-time All-Star na si Lillard.


Hindi lang daw mapapahusay ni Lillard ang Heat, kundi makikita pa raw natin ang best version niya na hindi pa natin nakita noon, mga KaTop Sports, dahil kapag nakasama raw niya sina Jimmy Butler at Bam Adebayo, mag-eelevate daw ang game niya sa isang buong bagong level.

Inihalintulad pa ni Bucher ang Big 3 ng Golden State Warriors sa magiging Big 3 ng Miami kapag natuloy na si Lillard sa Heat.

Si Adebayo raw ay magiging best big man na hindi pa niya nilaro noon, at ang naging tambalan daw nina CJ McCollum at Damian Lillard ay magiging iba at higit sa magiging tambalan nina Butler at Lillard.


Parang magiging sina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green daw sila, na ang kanilang mga respective strenghts ay bumabalanse sa bawa't isa sa kanila.

At sa pagpapatuloy niya ng pagbibigay papuri sa potential na Big 3 ng Miami, mga KaTop Sports, binanggit din niya ang bagong buo na trio ng Phoenix Suns na sina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal.

Na para sa kaniya, mas pipiliin daw niya ang trio ng Miami na pangungunahan ni Lillard, kaysa sa trio ng Suns.


At para naman sa pagkakaroon ng interest ng Toronto Raptors para dito kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade para kay Damian Lillard, mga KaTop Sport.

Ang Heat nga at ang Blazers ay nananatili pa ring nakaantabay sa paghanap ng tamang trade package upang maipadala na si Lillard sa South Beach.

At ang mas optimal way sa ngayon ay ang magdala ng ikatlong team upang makumpleto na ang deal, at si Herro nga na isa sa nali-linked sa trade kay Lillard, ay mukhang magiging tulay kapag ang Miami at ang Portland ay nahanap na ang missing link upang matuloy na ang nasabing trade.


Marami nang mga teams ang nag-expressed ng kanilang interest na maging tulay para sa trade kay Lillard upang makuha nila si Herro, at ang latest na team na nag-inquire patungkol sa availability ni Herro ay ito ngang Toronto Raptors.

Sa mga naunang reports, mga KaTop Sports, ang mga koponan ng Utah Jazz, Chicago Bulls at Brooklyn Nets ay na-linked na rin para sa trade kay Herro, at may hawak sila ng lahat na dahilan,  kasama ang Toronto na makipag-usap nga patungkol sa posibilidad na madala nila sa kanilang team itong si Herro.

Maganda ang inilaro ni Herro sa kaniyang huling dalawang seasons sa Heat, siya ay nag-averaged ng 20.4 points, 5.2 rebounds at 4.1 assists per game, at siya ay napangalanan din bilang 2022 NBA Sixth Man of the Year, at naging full-time starter last season.


Hindi nga lang naging maganda ang pagtatapos ng kaniyang season nang mabali ang kaniyang daliri nu'ng Game 1 ng unang round ng playoffs sa serye nila laban sa Milwaukee Bucks.

Gayun pa man, ang injury na iyon ni Herro ang naging fuel ng Heat upang mag-spark ang kanilang Cinderella run sa NBA Finals, na sila ang naging ikalawang eighth-seed na nakapasok sa championship round.

Sa kabila ng kanilang efforts, mga KaTop Sports, na missed talaga nila si Herro sa Finals matapos na dominahin sila ng Denver Nuggets sa limang games, at kapag nakabalik na nga si Herro, maari siyang maging mahalagang parte ng nagre-rebuild na Toronto Raptors.


Comments

Popular posts from this blog

Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.