Steve Kerr, nagsalita na patungkol sa magiging starting lineup ng Warriors sa susunod na season, at Lester Quiñones, makapasok kayang muli sa final roster ng Warriors?



Una nating pag-usapan, mga idol, ang patungkol dito kay Lester Quiñones.

Opisyal na ngang naging miyembrong muli ng Golden State Warriors itong si Lester Quiñones para sa susunod na season.

Hindi lang natin masabi ngayon kung siya ba ay sa San Francisco mag-iistay o sa Santa Cruz ba?


Pumirma na kase siya ng isang two-way deal sa Warriors, pero kailangan pa rin niyang pumasok sa training camp at magsikap na makakuha ng spot sa final roster ng Warriors.

Siya nga ang naging best player ng Golden State sa Summer League na nag-averaged ng 21.9 points, 4.1 rebounds at 4.4 assists sa pitong games, mga idol.

Siya ay naging red hot sa California sa Sacramento bago siya nanlamig sa Las Vegas, na siya ay nagtapos na may 42.6 percent shooting sa field at 35.4 percent shooting sa tres.


Kinakitaan din siya ng husay sa depensa at ang kaniyang physical tools at ang kaniyang dogged disposition ay gumugulo sa mga ball handlers ng kalaban.

Ang 22-year-old na si Quiñones ay pumasok sa training camp last year sa isang two-way contract, na umasa na maipanalo ang final roster spot ng Golden State.

Umalis sa camp sina Anthony Lamb at Ty Jerome bilang two-way players ng Warriors, at may 14 players na lang ang full roster nila, upang maka-save ang ownership ng millions sa luxury tax payments, at ganoon din ang plano nila para sa 2023-24 season, mga idol.


Ang pagbabalik ni Quiñones ay nag-iwan sa Golden State ng dalawang natitirang two-way slots dahil nga sa bagong CBA ng liga, pwede nang kumuha ang mga teams ng tatlong two-way players.

Makikipaglaban itong si Quiñones, para sa huling roster spot ng Golden State na kasama ang ilang beterano, kabilang na ang kaniyang teammate sa G League na si Jerome Robinson, na nag-participate din sa training camp sa Dubs last season.

Naiulat din na ang Warriors ay interesado sa beteranong forward na si Rudy Gay na ang kaniyang size, positional versatility at high-level experience ay paniguradong aangkop sa roster ng Warriors na punong-puno na nga ng mga guards.


13 players na nga ang nakapirma sa Warriors ng guaranteed contracts at malamang ang kanilang pang 14 ay manggagaling sa training camp, pero kapag pumirma si Gay sa kanila, tapos na ang laban, mga idol.

Napatunayan naman na ni Quiñones na karapat-dapat din naman siya para sa full-time NBA contract, at kung hindi siya papalarin sa training camp, kapag nagkaroon ng injured player ang backcourt ng Warriors, panigurado siya agad ang huhugutin mula sa G League upang punuan ang magiging pagkukulang sa kanilang koponan.

At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.


Kung ikaw ay nakasunod sa Warriors last season, dapat ay alam mo na na si Steve Kerr ay sasagutin ang mga katanungan patungkol sa magiging starting lineup ng kanilang koponan na gagamitin nila sa 82 games.

Matatapos nga ang offseason sa August at wala pa rin ngang desisyon na ginagawa si Kerr sa kung sino ang mag-i-start at kung sino ang magmumula sa bench hanggang sa sumapit ang training camp.

At dahil sa posible ngang mangyari na si Chris Paul ay magiging reserve player sa kauna-unahang pagkakataon sa kaniyang career.


Sinabi naman ni Kerr na ang magiging pag-asa nila upang manalo muli ng kampeonato ay nakasalalay sa kung sino ang nasa floor para sa tipoff o ang magsisimula ng games mula sa bench, mga idol.

Mangyayari raw ang lahat ng iyon sa training camp at hangga't hindi raw nila nadadala ang lahat sa floor ay hindi pa raw nila maa-assess kung ano ang best sa kanilang team at kung ano raw ang magiging itsura ng lahat ng bagay.

Pero confident daw itong si Kerr na lahat daw ay gagana sa kanila, meron daw silang magagaling na players at magagaling na kampeon at may isa raw silang goal sa susunod na taon, at iyon daw ay ang manalo sa highest posible level, at lahat raw ng bagay ay maa-unfold sa pagpapatuloy ng season.


Lumikha nga si Chris Paul ng waves sa pasimula ng buwan sa Las Vegas Summer League, nang sagutin niya ang isang katanungan patungkol sa pagiging isang bench player para sa Warriors, at ang naging sagot niya "Ikaw ba ang nagco-coach?"

Habang in-expressed naman niya ang posibility, pero mukhang mas prefer niya na mag-start para sa kaniyang bagong koponan, mga idol.

Isa lang ang problema dito, pareho sila ng position ni Curry, at kapag silang dalawa ay pinagsabay, liliit ang kanilang lineup na naging concern na nga nila last season pagdating sa pagdepensa at sa athleticism.


At kapag manggagaling naman sa bench si Paul, magiging madali para kay Kerr na gumamit ng minuto sa pagitan nilang dalawa att hindi sila mawawalan ng dalawang iconic floor generals sa loob ng court.

Baka ang maging role ni Paul sa Warriors pagdating sa pagiging starter ay maging gaya ng role ni Jordan Poole last season, na siya ay naisasalang sa starting lineup kapag isa kina Stephen Curry, Klay Thompson, Andrew Wiggins, Draymond Green at Kevon Looney ay hindi availble.

Hindi nga nag-hesitate si Kerr na maging small last season kapag kailangan ng Warriors ng opensiba, na ang ipinapalit niya kay Looney ay itong si Jordan Poole bilang starter, mga idol.


Kaya malamang, ganoon din ang magiging status ni Chris Paul sa Golden State, at ang tawag nila do'n ay 'sixth starter'.

Ano man ang mangyari kay Paul, panigurado naman na marami siyang ilalaro para sa season ng 2023-24, at baka mag-emerge pa siya bilang isa sa mga closing five ng kanilang koponan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.