Stephen A. Smith, nagsalita na patungkol sa kung sino ba mas magaling, si Dwyane Wade ba o si James Harden?



Sino kina Dwyane Wade at James Harden ang pipiliin ninyong mas magaling, mga KaTop Sports?

Ito nga ay pinagdedebatehan na ngayon sa NBA mula pa nu'ng Sabado, at ngayon nga ay ipinagkumpara na ni Stephen A. Smith ang dalawa sa isang segment niya sa First Take, matapos na ang former NBA guard na si Jeff Teague ay pinili si James Harden na mas magaling daw kaysa kay Dwyane Wade.

May magsasabi na si Wade ay walang pagtatalo na greatest player ever na nagsuot ng Heat uniform at sa kabilang banda naman, si Harden naman ang isa sa best guards sa henerasyon ngayon.


Sila ay kapuwa napasama na sa All-Star na hindi bababa sa sampung beses sa kanilang career at ilang beses na rin silang napasama sa listahan ng All-NBA, pero ngayon ay sinabi na ni Smith kung sino para sa kaniya ang mas magaling sa dalawa, mga KaTop Sports.

Individually daw at sa one-on-one, si Harden daw ay absolutely spectacular at unstoppable, ang kaniyang handle, ang kaniyang step-back threes, ang kaniyang shooting abilities, at hindi raw kaya ni Wade na tumira sa tres ng gaya ng nagagawa ni Harden.

Kailangan daw malaman ni Harden kung paano maging team player at hindi daw sila makapag recruit ng mga players at sa tuwing magre-recruit daw sila, gusto raw niya na lumabas iyon, at si Harden daw ay ilang taong pinayapa ng Houston.


Pero si D-Wade ay hindi raw kinakailangan mag-require ng ganoon, dahil naiintindihan daw niya na ang kultura ay na kay Pat Riley at wala sa kaniya, at si Erik Spoelstra ang coach na pinili ni Pat Riley, na siya ang dapat na maging leader.

Si Harden daw ay mas better na overall scorer at basketball player pagdating sa skills, pero si Wade naman daw ay nakagagawa ng maliliit na mga bagay na kadalasan ay hindi na natin napapansin, mga KaTop Sports.

Siya ay naging leader ng Heat sa maraming mga taon at niyakap ang dahilan kung bakit siya naglalaro sa organisasyon ng Miami, kaya naman daw iginagalang ang Heat at na percieved kung gaano na sila sa paligid ng liga ngayon.


Ito raw ay patungkol sa kung paano mo malalaman maglaro ng sama-sama, kung papaano mo malalaman na magsakripisyo, at kung papaano mo rin malalaman kung papaano mamuno at hindi basta mag-recruit lamang.

Naiintindihan daw ni Smith na si James Harden ay mapanganib sa one-on-one, pero mas higit pa raw doon ang kailangan, kaya nga raw si D-Wade ay mayroon nang tatlong singsing samantalang si Harden ay wala pa, mga KaTop Sports.

Kapag ipinagkumpara natin ang nagpapatuloy pa na career ni Harden, sa 16 years na career ni Wade sa NBA, medyo may pagkakapareho sila.


Si Wade ay 13-times na napasama sa All-Star game at 8 times na napasama sa listahan  ng All-NBA, at si Harden naman ay 10-times na na nagkaroon ng appearances sa All-Star at 7-times naman na nagkaroon ng honors sa All-NBA.

Si Wade ay nagkaroon lamang ng isang scoring title at isang Finals MVP award, samantalang si Harden ay nagkaroon ng 3 scoring titles at isang regular season MVP sa kaniyang pangalan.

Ang key difference lang sa gitna ng dalawang ito ay ang katotohanan na si Wade ay hindi lamang nagkaroon ng tatlong kampeonato, kundi siya rin ang naging leader ng Heat para sa lahat ng kanilang tatlong titulo, mga KaTop Sports.


Hindi na siya tumingin pa sa iba upang kumuha doon ng titulo at palagi niyang inuuna ang organisasyon ng Miami kaysa sa kaniyang sariling personal goals, kaya naman siya ay naging isa sa greatest shooting guards sa kasaysayan ng NBA.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.