Stephen Curry nagpaabot ng kaniyang goobye message kay Jordan Poole, Victor Wembanyama debut game sa Summer League marami ang nadismaya, at Jabari Smith Jr. epic Summer League buzzer-beater nagbigay panalo sa Houston Rockets kontra sa Portland Trail Blazers.



Stephen Curry nagpaabot ng kaniyang goobye message kay Jordan Poole, Victor Wembanyama debut game sa Summer League marami ang nadismaya, at Jabari Smith Jr. epic Summer League buzzer-beater nagbigay panalo sa Houston Rockets kontra sa Portland Trail Blazers.


Una nating pag-usapan, mga idol, itong buzzer beater ni Jabari Smith Jr.

Naging bayani nga itong si Smith Jr. at iniligtas niya sa pagkatalo ang kanilang koponan na Rockets sa naging showdown nila sa Summer League kontra sa Blazers, mga idol.

0.6 seconds na lang ang nalalabi sa oras at lamang ng dalawang puntos ang Blazers, 99-97, nang matanggap ni Smith ang bola na galing sa inbound sa may taas ng arko at mabilis niyang ipinukol iyon at na beat nga niya ang buzzer, at nagtapos ang laban sa score na 100-99.


Isang desperadong tira iyon ni Smith subali't nagawa pa rin niyang maipasok iyon mula sa tres, mga idol, at ang tirang iyon ay nagsilbing icing sa naging dominante niyang paglalaro.

Siya ay nagtapos na may 33 points, 8 rebounds, 2 assists at 1 block, na may 44.4 percent shooting sa field at 37.5 percent shooting naman sa tres, at si Shaedon Sharpe naman ang nanguna sa Portland, na siya ay nagkaroon ng 21 points, 8 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks.

Inisip na nga ng mga nanonood na si Sharpe ang makakapag-uwi ng panalo ng maibuslo niya ang kaniyang bonus free throw na nagbigay sa kanila ng 2 points na kalamangan, 9.8 seconds na lang ang natitira, subali't inagaw ito sa kaniya ni Smith Jr. sa pamamagitan ng kaniyang epic na buzzer beater.


At para naman sa debut game ni Wembanyama sa Summer League na marami ang nadismaya, mga idol.

Inabangan nga ang unang game ng San Antonio Spurs sa 2023 NBA Summer League sa Vegas dahil sa debut game ng first overall pick na si Wembanyama, laban sa second overall pick na si Brandon Miller ng Charlotte Hornets.

Pero hindi naging sulit ang paghihintay ng mga fans sa game na iyon dahil sa wala namang nakita na kakaiba sa first over all pick na si Wembanya, at hindi talaga niya nasimulan ang kaniyang career sa isang magandang paglalaro.


At kahit na ba nanalo pa ang Spurs sa score na 76-68 laban sa Hornets, mga idol, nanalo sila hindi dahil sa naglaro si Wembanyama, kundi sa tulong-tulong na effort na ginawa ng kaniyang mga kasama.

Sa depensa, maganda ang ipinakita niya, kung saan siya ay nakapagtala ng 5 shot blocks, pero sa opensa, nag-struggle siya, 2-for-13 shooting siya sa field, at walang excuses dito dahil sa inaasahan nga na siya'y magiging dominante sa laban, pero iba ang nakita sa kaniya.

Kaya naman marami ang nadismaya sa nakapanood sa kaniya, at hindi nila inaasahan na ganoon lang pala ang kayang maipakita at maibigay ni Wembanyama para sa kaniyang professional debut sa NBA.


At para naman sa ipinaabot na goodbye message ni Stephen Curry para kay Jordan Poole, mga Idol.

Marami na ngang minahal na kakampi itong si Stephen Curry na nakita niyang dumating at umalis sa kanilang koponan, sa loob ng 14-years ng kaniyang career sa Golden State Warriors, at parte na ng business sa NBA ang pag-alis at pagdating ng mga players.

At sa muli ay nagpaalam na naman si Curry sa isa sa nakasama niya na naging parte ng isa sa kanilang kampeonato, at ito ay si Jordan Poole, nang si Poole ay mai-trade nga ng Warriors sa Washington Wizards kapalit kay Chris Paul.


At nito ngang Biyernes, mga idol, nagpost si Curry sa kaniyang Instagram story ng isang goodbye message para kay Poole, ngayon na pasisimulan na niya ang bagong landas ng kaniyang career sa koponan ng Wizards.

Ayon sa kaniyang mensahe, na appreciate daw niya ang apat na taon na magkasama sila ni Poole, isang kampeon na lumago sa harap ng lahat, naghirap sa kaniyang unang taon, naglaro sa G-League upang mapunta lang daw sa kanila, at natulungan sila na magtapos na may 15 wins at 5 loses sa strecth ng ikalawang taon.

At nanalo raw sila ng kampeonato sa ikatlong taon niya sa Warriors, at nakasamang lumaban hanggang dulo sa ikaapat na taon last year, at hindi na raw makapaghintay si Curry na makita pa na lalong lumago itong si Poole, at magningning sa kaniyang sariling siwasyon ngayon, ito ang nilalaman ng goodbye message ni Curry para kay Poole.


Ano ang masasabi niyo dito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.