Stephen Curry ipinaliwanag kung bakit ang mainit na kamay o "hot hand" ay totoo sa basketball, at Jordan Poole at Kevin Durant magkasamang nag-workout, ano kaya ang masasabi dito ni Draymond Green?



Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay Jordan Poole, mga idol.

Sa buong career ni Draymond Green sa Golden State Warriors, dalawa lang sa kaniyang naging kakampi ang nakainitan niya.

Ang una ay si Kevin Durant sa season ng 2018-19, nang makita nga natin na sinisigawan ni Green si KD habang sila ay nasa game.


Nasundan ito ng napasa publiko na alitan nilang dalawa, na nagresulta upang si Durant ay lumipat na ng ibang team sa pagtatapos ng season na iyon.

At sino ang makakalimot sa ginawang pananapak ni Green kay Poole last summer, mga idol?

Na muli na naman ngang ibinabalik sa ating mga ala-ala ang pangit na insidenteng ito, matapos na ito ay muling binuhay ng ilang nagbabatuhan ng salita sa pagitan ng kampo nina Green at Poole.


At ngayon nga, namataan sina Jordan Poole at Kevin Durant na magkasamang nagwo-workout ngayong offseason.

Wala namang masama na makita silang magkasama, pero ang katotohanan na sila ay may history kay Draymond Green ay mapapaisip ka talaga.

Pero mukha namang ibinaon na sa limot nina Green at Durant ang nangyari sa kanila dati, mga idol.


At hindi man sila maituturing na BFF, pero mukhang inilagay na nila sa kanilang likuran ang naging alitan nilang dalawa.

Pero iba naman ang naging kaso ng relasyon ni Green kay Poole.

Base kase sa kanilang kasalukuyang naging palitan ng salita sa social media, mukhang silang dalawa ay mayroon pa ring unfinished business.


At si JP ay talaga namang nagta-trabaho na ngayong offseason, at pinaghahandaan na niya talaga ang paghaharap ng Washington Wizards at Golden State Warriors sa bagong season.

At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.

Marami na ngang pag-aaral ang ginawa sa mga nakalipas na na dekada, patungkol sa kung ang "hot hand" o mainit na kamay ay tangible phenomenon sa sports.


At anomang conclusion ng data ang ilapag ng isang sciencetist, kulang pa rin sila sa kaalaman sa ganitong topic kaysa sa superstar ng Golden State Warriors na si Stephen Curry.

Dahil ang greatest shooter ng kasaysayan ng basketball ay hindi sumasang-ayon sa scientific consensus.

Hindi raw nila nalalaman ang sinasabi nila, iyan ang sabi ni Curry sa mga doubters ng "hot hand" ng siya ay naging panauhin sa Hot Ones, mga idol.


Hangga't hindi ka raw naroon sa 94 feet, at nakita mo si Klay Thompson na umisor ng 37 points sa isang quarter, 60 points sa tatlong quarters, at siya, si Curry, na nagkaroon ng 60 points sa isang game, literally daw iyon ay tangible, isang physical sensation nang lahat ng kailangan lang niyang gawin upang pakawalan ang bola sa kaniyang mga daliri at iyon daw ay paniguradong papasok.

Bukod sa matagal nang kakampi ni Curry na si Klay Thompson, wala nang iba pang player sa NBA ang nakakaintindi ng nag-iinit na kamay kundi si Curry lamang.

Alam na alam ni Curry na all-time leader sa tres, kung kailan na ang eksaktong mainit na kamay ay tatama, isang senyales ng walang bilang na oras sa gym na nagbubunga na ng maganda.


May mga oras daw na sasaluhin mo ang bola at makaka-shoot ka ng isa o dalawang magkasunod, sa practice man daw 'yan o sa game na mismo, pero kadalasan daw ay sa game na, mga idol.

Lahat daw ay hindi nag-e-exsist, sapagka't ang tanging nag-e-exsist lang daw sa kaniya ay, hangga't maititira niya ang bola na hindi ito mabubutata, parang dagat na raw sa kaniya ang rim.

At iyon daw ay ang most rewarding feeling para sa kanila, kay Curry at sa lahat ng mahuhusay na shooters.


Ang lahat daw ng tinatrabaho mo para sa muscle memory at sa mechanics na nakakapagpa-develop ng confidence mo sa game ay hindi mo na ikagugulat kapag nandoon ka na sa moment na iyon, na kapag iyon daw ay nangyari na, masasabi mo na lang daw na, ito na ang pinaka hihintay ko.

Kaya't h'wag tayong papalinlang sa mga numerong pinaaandar ng mga naysayers, mga idol.

Dahil next time na iyon ay maramdaman mo sa iyong local pickup game, h'wag kang mag-alinlangan na magpakasawa sa temptation at huwag nang mahiya pang tumira ng mga heat checks.


Bakit? Dahil alam na alam mismo ni Curry na eksperto sa ganito na ang hot hand ay totoo.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.