Stephen Curry ipinaliwanag kung bakit ang makakakampi si Chris Paul sa isang team ay kakaiba.
Stephen Curry ipinaliwanag kung bakit ang makakakampi si Chris Paul sa isang team ay kakaiba.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Draymond Green patungkol sa naging panununtok niya kay Jordan Poole.
Ang Golden State Warriors nga ay nagtapos last season sa isang nakaka-disappoint na fashion, at nagsimula iyon sa isang kontrobersiyal na pananapak ni Green kay Poole.
At ngayon nga na nai-trade na si Poole sa Washington Wizards, nagdala ito sa kaniya upang magkaroon na ng pagkakataon na magsalita sa nasabing insidente.
Habang si Green naman ay pumirma na ng massive $100 million deal, na nag-cement sa kaniyang status bilang cornerstone pa rin ng Warriors sa mga taon pang darating.
Nito ngang Miyerkules, mga idol, ini-revealed ni Green na hindi siya agad na triggred ni Poole bago ang nangyaring pag-atake, marami pa raw ang nangyari at nasabi, na nagdala sa kaniya upang gawin niya iyon kay Poole.
Ito ang sinabi ni Green habang siya ay panauhin sa podcast ni Patrick Beverly na Pat Bev Pod.
Kailan lang ay nagbukas din ng saloobin itong si Poole kung bakit mas pinili niya na h'wag na lang magsalita patungkol sa panununtok sa kaniya ni Green, nang siya ay matanong kung may narinig na siya kay Green magbuhat ng siya ay mai-trade na.
At ang naging sagot niya ay pag-iwas muli kay Green, na sabi niya, sila daw ay nasa Washington na ngayon, at makakasama na niyang maglaro si Kyle Kuzma, at magiging magaling na duo raw sila, at tutulungan daw niya ang bago niyang koponan at pangungunahan, at iyon daw ang challenge na kakaharapin nila.
Sinabi naman ni Steve Kerr, ang head coach ng Warriors, mga idol, na nang mai-trade na si Poole, na mayroon daw talagang tiwala na nawala matapos ang mangyaring panununtok.
Natalo sila sa second round ng playoffs laban sa Los Angeles Lakers, na nagdala upang magkaroon ng espekulasyon na ang naging issue nila kaya sila natalo ay dahil sa chemistry.
At upang makabalik daw sila sa pagiging successful na koponan, kailangan daw nilang makabalik sa environment ng pagtitiwala sa isa't-isa.
At para naman sa ipinaliwanag ni Stephen Curry kung bakit ang makakakampi si Chris Paul sa isang team ay kakaiba, mga idol.
May isang buwan na nga ng makuha ng Warriors itong si Paul sa pamamagitan ng isang trade, at si Curry ay sinasanay pa rin ang kaniyang sarili na makakasama na niya ngayong maglaro itong si Paul sa isang team.
Sinabi nga ni Curry na ang pagkadagdag daw sa kanila ni Paul ay kakaiba habang ang kanilang mga careers ay malapit na sa pagtatapos.
Kakaibang bagay raw iyon sa mundo dahil si Paul daw ang naging big brother niya, big brother daw niya sa sense nang nu'ng siya ay rookie pa lamang, ipinakita raw kase sa kaniya ni Paul ang tali.
Na makikipaglaban ka raw para sa playoff position, sa championships at sa lahat ng iyon at napakarami na raw naitalang kasaysayan, mga idol.
Si Paul daw ay 18 years na sa liga at siya naman daw ay 15 years na, kaya't nakaka-amazed lang daw na ngayon ay gagagwin nila iyon na magkasama na, at ie-enjoy na lang daw niya ang biyahe.
Nakapagbahagi na nga silang dalawa ng mga makasaysayang pangayayri sa maraming mga taon na na nagdaan, na nagbunsod sa kanila upang mag-emerged bilang matinding magkatunggali para sa pagiging supreme sa Western Conference.
Nag-trained din itong si Curry na kasama si Paul hanggang sa kaniyang rookie season taong 2009, na nagta-traveled pa nga siya noon patungo kay Paul at sa kaniyang pamilya, na dati ay franchise player pa no'n si Paul ng New Orleans Hornets.
Pareho silang North Carolina natives, mga idol, at ang mas batang Curry noon ay napapanood din si Paul na gumagawa ng national headlines sa kaniyang decorated prep career sa West Forsyth High School.
Magkakaroon nga ng ilang panahon pa upang magamay nilang dalawa ang isa't-isa sa loob ng court at maging sa locker room.
Pero dahil sa pareho silang hindi makasarili sa pag-commit sa kanilang koponan, ang kanilang elite basketball IQ ay ang magpapa-smooth ng kanilang transition sa isa't-isa.
At ang kanilang exsisting relationship na nag-span naman ng maayos ng higit isang dekada na ay walang duda na mananatili pa rin naman, mga idol, ngayon na magkakampi na sila sa isang team.
Comments
Post a Comment