Stephen Curry, ini-reveal ang tatlong NBA legends na malaki ang naging impluwensiya sa kaniyang game, at Mike Dunleavey Jr. sinabi na naging madali lang sa kaniya ang pagpasya sa naging trade nina Chris Paul at Jordan Poole.



Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay Mike Dunleavy Jr., mga idol.

Ang mag-move on nga kay Jordan Poole ay hindi naging madali para sa Golden State Warriors.

Hindi lang kase sa itinrade nila ang 23-years old player na nakatulong sa kanila upang manalo ng titulo, kundi ang pagkawala sa kanila ni Poole ay nagmarka din ng pagtatapos ng pangalawang timeline nila sa likod nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green.


At dahil sa positive financial ramifications at ang on-court benefits ng pagpalit kay Jordan Poole kay Chris Paul, ang pagtrade daw kay Poole ay naging madaling pagpapasya para kay Mike Dunleavy Jr. at sa kanilang front office.

Nito ngang Sabado, diniscussed ng general manager ng Warriors na si Dunleavy Jr. ang patungkol sa naging trade kina Jordan Poole at Chris Paul, at ipinaliwanag niya kung papaanong nagbenefit ang kaniyang team sa nasabing kontrobersiyal na trade,  mga idol.

Dalawang bagay daw ang na-accomplish nila sa deal na iyon.


Ang una, nakatulong daw iyon sa kanilang team para sa susunod na season, at ikalawa, nakatulong daw iyon sa pananalapi ng kanilang team.

At pakiramdam niya na si Chris Paul daw ang makakapag-enhance ng kanilang pag-turn around sa next season at sa pagbalik nila sa paglaban para sa kampeonato.

Kaya may sense daw talaga ang ginawa nilang trade at nakaluwag pa sila financially, dahilan kung bakit naging madali lang sa kaniya ang pagkilos na iyon, at ayaw man daw niya na makita na umalis si Poole sa kanila, pero iyon daw ang best para sa kanilang prankisa, mga idol.


Iniwasan ngang banggitin ni Dunleavy ang isa pang bagay na naging dahilan ng pag-alis nila kay Poole, at ito ay ang relasyon sa isa't-isa nina Jordan Poole at Draymond Green, at ang mga hindi naging magandang performance ni Poole sa playoffs last season.

Tama naman si Dunleavy Jr. sa mga sinabi niya, dahil mas naging betrer nga ang Golden State dahil kay Chris Paul, na may non-guaranteed $30 million na kontrata para sa 2024-25 season, na magbibigay sa Warriors ng additional flexibility sa trade deadline.

At kung hindi magiging maganda ang mga bagay sa kanila kay Chris Paul, pwede siyang i-trade ng Warriors sa February para sa isang high-priced veteran, o kaya ay pares ng mga players na may mid-sized deals, na maaaring mas makakatulong sa kanila para sa quest nila na makuha na ang kanilang ika-limang kampeonato.


Ang pagpalit ng Warriors kay Jordan Poole ay hindi mangyayari kung hindi naganap ang insidente ng pananapak sa kaniya ni Draymond Green nung October, pero wala na rin namang dahilan na panatilihin siya ng Warriors sa kanila matapos ng naging performance niya sa playoffs, mga idol.

Isang katotohanan na nagpadali para kay Dunleavy at sa kaniyang mga kasama na pagpapasya na kunin na si Chris Paul kapag siya ay maging available kapalit ni Jordan Poole, at nagawa nga nila.

At para sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.


Nabiyayaan nga ang Warriors ng isang greatest player to ever play the game na si Stephen Curry na higit isang dekada ng nasa kanilang roster.

Ang explosive na guard na si Curry, na walang pagtatalo na greatest shooter ever ay nakatulong sa kanila upang sila ay magkaroon ng apat na kampeonato sa nakalipas na na siyam na seasons.

Naglalaro pa rin si Curry sa antas ng pagiging elite at ang kaniyang presensiya ang nagiging rason kung bakit nanatiling bukas ang championship window ng Warriors.


Ang lahat ng magagaling na players ay may modelo sa kanilang game na nauna sa kanila at hindi naiiba sa kanila si Stephen Curry, mga idol.

Sa isang segment sa YouTube na First We Feast, ini-revealed ni Curry ang tatlong players na naging modelo ng kaniyang game, at ito ay sina Steve Nash, Reggie Miller at Alonzo Morning.

Si Reggie Miller daw ay master ng pag-create ng space na wala sa kaniya ang bola, nakakahanap daw si Miller ng paraan upang makakuha ng separation, lumalabas at kumukuha ng pasa, sabay quick release.


Hindi man daw niya natapatan  ang porma ni Miller, pero nakuha naman daw niya kung paano kumilos na wala sa kaniya ang bola, at sinikap daw niya na ipagsama ang dalawa sa kaniyang game, sina Nash at Miller.

Si Alonzo Morning naman daw ay may methodical free throw routine na sila raw dalawang magkapatid, si Seth, ay sinikap nila na magaya iyon, mga idol.

Si Curry ay nine-time NBA All-Star at papasok na sa kaniyang ika-labing limang season sa NBA, lahat ay sa Warriors.


Last season, siya ay nag-averaged ng 29.4 points, 6.1 rebounds at 6.3 assists per game, 49.3 percent shooting sa field, 42.7 percent shooting sa tres, at 91.5 percent shooting sa free throw line.

Siya ay naglaro na may 34.7 minutes per game last season, pangalawang pinaka mataas na marka sa kaniyang career.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.