Stephen Curry alam kung ano ang dapat nilang gawin upang muling makabangon, at Grant Williams ipinagkumpara sina Stephen Curry at Kevin Durant.
Una na nating pag-usapan, mga idol, ang sinabi na ito ng bagong forward ng Dallas Mavericks na si Grant Williams na si Stephen Curry daw ang most impactful player sa liga ngayon.
Sa kaniyang naging latest appearance sa Tidal League, ang former Boston Celtics ay ini-revealed na habang ang Phoenix Suns forward na si Kevin Durant ay ang toughest player to guard sa liga, si Curry naman daw ay nasa ibang level pagdating sa impact.
At mas nakakatakot daw si Curry kapag hindi niya hawak ang bola kaysa sa hawak nito ang bola.
Ang naging komento na ito ni Williams, panigurado ay magugustuhan ng mga fans ng Golden State Warriora, na na-appreciate din naman siguro nila ang nagawa ni Durant para sila ay magkampeon ng dalawang beses sa tatlong season niya sa Bay Area, at naging Finals MVP pa doon si Durant ng dalawang beses, mga idol.
Subali't marami pa rin ang naniniwala na si Curry pa rin ang naging main man at ang most impactful player sa kanilang team sa kanilang mga naging Championship runs.
Dahil si Curry ang palaging na do-double team, kaya naman nalilibre itong si Durant at ngayon nga naging champion na itong si Curry nang kasama at hindi na niya kasama itong si Durant, patunay lamang na siya talaga ang most impactful player ng liga.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.
Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makapaniwala itong si Curry na hindi nila nadepensahan ang kanilang titulo last year, at alam din niya ngayon kung ano ang dapat nilang gawin upang muli silang magkampeon.
Habang tinitignan niya ang nangyari sa kanila last season at sa bagong roster na meron sila ngayon, confident siya na ang mas matanda at ang mas expirienced na grupo nila ay mahahanap ang culture na nagdala sa Golden State sa isang kampeonato taong 2022.
Hindi raw nagustuhan ni Curry na hindi nila na achieve ang kanilang potential last year at bawat team daw ay kailangan na makahanap ng paraan upang maging mas better, at may nagawa naman na raw sila
Na pagababago, mga idol.
Gusto daw niya ngayon kung papaano sila ay aangkop sa isa't-is at marami na raw silang mapagpipilia para sa kanilang rotation.
Mas mature na raw sila ngayon pagdating sa sense ng expirience at sa palagay daw niya iyon daw ang pattern sa NBA na nakakaapekto sa isang panalo, at sisikapin daw niya na maglaro sa mataas na antas hangga't kaya niya.
At alam din daw niya na ganoon din ang gagawin nina Klay Thompson at Draymond Green, at meron daw silang culture kung papaano nila ginagawa ang mga bagay na kailangan daw nilang mabalikan, at excited na raw siya sa challenge.
Hindi nga nakuha ng Warriora ang tamang timpla ng on-court chemistry at ang off-court trust last season, dahil nga sa nangyari kina Draymond Green at Jordan Poole, maging sa inaasahan na pagpasok ng kanilang mga batang players sa kanilang rotation, mga idol.
Wala na nga sa kanila sina Poole at James Wisema na napalitan nina Chris Paul at Gary Payton Il, at sina Jonathan Kuminga at Moses Moody ay panigurado na magkakaroon na ng malalaking gampanin sa season ng 2023-24.
Sina Dario Saric at Cory Joseph ay makakapagbigay sa Golden State ng stability na naging kakulangan nga nila last season, dahil sa mga injuries at mga absences na nagpwersa kay Steve Kerr upang humugot ng malalim sa kanilang bench.
Garantiyahan na natin na magiging malakas na muli ang Warriros sa susunod na season, matapos na sabihin ni Stephen Curry ang mga bagay na ito, at makikita natin iyan
Pagdating na ng kalagitnaan ng October.
Comments
Post a Comment