Sinabi ni Kendrick Perkins panigurado hindi nagustuhan ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers.



Sinabi ni Kendrick Perkins panigurado hindi nagustuhan ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong injury update kay Max Christie.


Tapos na nga ang breakout run ni Christie sa Summer League, dahil nito ngang Huwebes ay inanunsiyo ng kanilang koponan na siya ay nagtamo ng right hip strain at inilista siya bilang day-to-day.

Ngayon ngang sabado ang final game ng Lakers sa Summer League laban sa Memphis Grizzlies, kung saan natalo ang Lakers sa score na 100-69.

Ginugol nga ni Christie ang huling linggo sa Las Vegas na nagsabi na ang kaniyang goal ay makasama siya sa rotation ni coach Darvin Ham sa opening night, at sa loob nga ng court ay nagawa naman niya ang kaniyang gustong mapatunayan.


Kabilang ang California Classic sa Sacramento, mga KaDribol, siya ay nag-averaged ng 19.8 points, 5.8 rebounds at 3.8 assists sa loob ng limang summer games, 42.2 percent shooting sa field, 55.0 percent shooting sa tres at 96.8 percent shooting sa free throw line.

Ipinamalas niya ang isang three-level scorer at playmaker, at tumikas din ang kaniyang pangangatawan na nakapagdagdag siya ng halos 20 pounds ng muscles magbuhat ng siya ay ma-draft last year.

Marami na nga siyang  nainilarong Summer League games kaysa sa dapat nating asahan, kaya wala nang dahilan pa para i-push pa siya ng Lakers na maglaro sa final contest, ngayon na mayroon siyang minor injury.


At sa huling laro niya nu'ng Huwebes, kung saan sila ay natalo sa Boston Celtics, siya ay muling nagkaroon ng magandang paglalaro, 24 points, 7-for-14 shooting sa field, 8 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block shot.

At kahit na ba rookie pa lang siya, mga KaDribol, 41 percent ang shooting niya sa tres na panigurado ay mai-impressed talaga si coach Ham sa kaniya at malamang mabigyan nga siya ng lugar sa rotation ng Lakers.

Kaya't asahan na natin na siya ang magiging backup shooting guard sa likod ni Austin Reaves kapag nagsimula na ang panibagong season.


At para naman sa sinabi ni Perkins na panigurado hindi nagustuhan ni LeBron at ng Lakers, mga KaDribol.

Ang Lakers nga ay susubok na lumaban para sa kampeonato sa darating na 2024, pero si Perkins ay may duda patungkol sa kung mapapangunahan pa ba ni LeBron ang Lakers para sa kanilang ikalawang titulo na kasama siya, na maglalagay raw ng pressure sa kaniyang kakampi na si Anthony Davis.

Nang matanong nga kase siya kung kaya pa ba ni LeBron na pangunahan ang Lakers sa isang titulo, sinabi niya na hindi na raw, at hindi raw iyon dahil sa hindi siya naniniwala na si LeBron ang greatest player of all time, kundi dahil si LeBron daw ay mag-eedad na ng trentay nueve sa darating na December, hindi na raw magagawa pa iyon ni LeBron.


At sinabi din niya na dapat na raw ipasa na ni LeBron ang torch kay Davis pagdating sa kung sino na ang dapat bumuhat ng kanilang koponan, at si LeBron na lang daw ay ang kanilang magiging second option, at makakalayo lang daw ang Lakers depende sa kung ano ang mailalaro ni Davis sa kanila.

Susubok nga ang Lakers na kunin ang sunod na step sa paparating na bagong season, mga KaDribol, dahil nakaabot man sila sa conference finals pero nawalis naman sila ng Denver Nuggets.

Abangan na lang natin kung tama nga ba si Perkins sa mga sinabi niyang ito, kung si Davis na nga ba talaga ang bubuhat sa Lakers, o si LeBron pa rin.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.