Sinabi ito ni Victor Wembanyama matapos ang kaniyang debut game sa Summer League, Dario Saric nasa Golden State Warriors na, at Max Christie patuloy na nagpapamalas ng magandang paglalaro sa Summer League kasama si Jalen Hood-Schifino.



Sinabi ito ni Victor Wembanyama matapos ang kaniyang debut game sa Summer League, Dario Saric nasa Golden State Warriors na, at Max Christie patuloy na nagpapamalas ng magandang paglalaro sa Summer League kasama si Jalen Hood-Schifino.


Una na nating pag-usapan, mga KaTop Sports, itong magandang paglalaro ni Max Christie sa Summer League kasama si Jalen Hood-Schifino.

Nabuksan nga ng Los Angeles ang Summer League sa Las Vegas na nakuha nila ang unang panalo laban sa Golden State Warriors sa score na 103-96, salamat sa magandang ipinamalas na paglalaro nina Max Christie at Jalen Hood-Schifino.

Sa naganap na California Classic sa pagitan ng dalawang koponan, si Christie ang nagsilbing alpha ng Lakers, kung saan siya ay nagkaroon ng 22 points at 7 rebounds, na kapansin-pansin din ang mabilis na paglalim ng kaniyang three-level playmaking skills.


Nagcha-chant pa nga ang mga fans sa kaniya ng "M-V-P", mga KaTop Sports, na sabi nga ni Christie na pakiramdam daw niya na siya ay si Austin Reaves, at ang main goal daw niya ngayon ay ang makapagsimula sa regular season na makasama sa rotation ni coach Darvin Ham, at mukhang makukuha naman niya.

Isa rin sa kapansin-pansin sa Lakers Summer League squad ay itong si Hood-Schifino na nakuha nila sa unang round ng draft na pang No.17 overall pick, na nakapagpasiklab sa Sacramento sa loob ng dalawang games, at umiskor ng 35 points, sa kaniyang 14-for-38 shooting sa field.

At nito ngang Sabado laban sa Warriors, siya ay nagtapos na may 9 points, 5 rebounds, 3 assists at 4 steals, at kapansin-pansin din ang kaniyang laro sa floor na kaya niyang i-dictate ang speed sa halfcourt man o sa transitions.


At para naman kay Dario Saric na ngayon ay maglalaro na sa Warriors, mga KaTop Sports.

Idinagdag na nga ng Warriors sa kanila itong beterano na si Saric mula sa free agency, isang taong kontrata ang kaniyang pinirmahan sa Golden State, ayon sa iniulat ni Adrian Wojnarowski.

Si Saric ay na-draft bilang pang No.12 overall taong 2014 at siya ay naglaro na sa mga koponan ng Philadelphia 76ers, Minnesota Timberwolves, Phoenix Suns at ang pinakahuli nga ay sa Oklahoma City Thunder.


Siya ay isang big man na na-prove na ang kaniyang sarili na may kakayahang maglaro sa perimeter bilang shooter at screener, mga KaTop Sports, at panigurado, agad siyang makakapagbigay ng suportang kailangan ng Warriors sa likod ni Kevon Looney.

Pero hindi na siya gaya nu'ng dati, matapos na siya ay magtamo ng torn ACL sa kaniyang kanang tuhod, na nakuha niya habang siya ay nasa Suns pa, sa laban nila sa 2021 NBA Finals.

Sa pagbabalik niya mula sa injury last season, nakapaglaro siya ng 57 games sa Suns at OKC, at siya ay nag-averaged ng 6.4 points at 3.6 rebounds per game, habang may shooting na 39.1 percent sa tres.


At para naman sa sinabi na ito ni Wembanyama matapos ang kaniyang debut game sa Summer League, mga KaTop Sports.

Nahaharap nga ngayon sa malaking pressure itong si Wembanyama matapos na siya ay mapili bilang first overall pick, lalo na at bago siya ma-draft ay ikinumpara pa siya kay Rudy Gobert pagdating sa depensa at kay Kevin Durant pagdating naman sa opensa, na may taas na 7-foot-3.

Pero sa naganap na debut niya sa 2023 NBA Summer League sa Vegas, hindi nakita sa kaniya ang mga comparison na iyon, dahil mas madalas siyang makita na parang wala sa sarili at hindi makuha ang rhythm niya sa opensa, at siya ay nagtapos na may 9 points lamang, 2-for-13 ang naging kaniyang shooting sa field.


At bukod sa pangit niyang shooting, mga KaTop Sports, responsible din siya sa ilang embarrasing plays, gaya na lang nang maisablay niya ang isang open na slam dunk, naikapos niya ang isang tira niya sa tres, at na poster dunk pa siya ng big man ng Charlotte Hornets na si Kai Jones.

At dahil dito, sinabi niya na kahit na raw ang isang talentadong player na gaya niya ay dapat dumaan sa pag-aaral ng paglipat sa mga game sa NBA, at inamin din niya na hindi raw niya talaga alam ang ginagawa niya sa loob ng court sa naging laban nilang iyon sa Hornets.

Pero may naituro raw iyon sa kaniya, at alam na raw niya kung ano ang gagawin niya sa susunod na game, at ang pinaka importante raw ay ang maging handa para sa season, at hindi raw nawawala ang tiwala niya sa kaniyang sarili, bagaman na marami nga ang nadismaya sa nakita sa kaniya sa kaniyang debut game bilang professional.


Ano ang masasabi niyo, mga KaTop Sports sa sinabi na ito ni Wembanyama?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.