Sinabi ito ni Charles Barkley patungkol sa tunay na nararamdaman ng Golden State Warriors kay Jordan Poole, at Anthony Edwards ng Minnesota Timeberwolves, tinarget si Draymond Green at ang Warriors sa sinabi niyang ito.
Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay Anthony Edwards, mga idol.
Nasa kaisipan nga ng star ng Minnesota Timberwolves na si Anthony Edwards itong si Draymond Green at ang Golden State Warriors.
Ngayon pa nga lang ay nangagarap na siya ng isang senaryo kung saan ang Timberwolves at ang Warriors ay maghaharap sa playoffs.
Sa recent interview sa kaniya sa HEIR, ini-reveal niya na ang kaniyang ideal matchup sa playoffs ay ang Warriors dahil sa kagustuhan niya na siya ang maging isa sa magpapatahimik kay Draymond Green, na kilala na isang trash talker.
Isang bagay nga na makakuha ng matchup sa Warriors sa playoffs at iba rin ang magawa mong matalo si Green at mga kasama niya sa postseason, mga idol.
Hindi pa naman malayo ang Warriors mula sa last time na sila ay nanalo ng kampeonato, habang si Edwards at ang Timberwolves naman ay nag-exit sa playoffs sa unang round sa huling dalawang seasons nila sa postseason.
Subali't mukhang nararamdaman na ni Edwards na ang panahon ng Timberwolves ay paparating na.
Siya ay mas naging mahusay na at mas mature na, at napaka gandang balita ito para sa Minnesota, na mayroon pa rin namang Rudy Gobert at Karl-Anthony Towns, at naniniwala sila na ang kanilang trio ay gagana pa rin naman.
Si Edwards nga ay pumirma ng isang massive five-year extension deal sa Timberwolves worth $205.9 million, mga idol.
Last season, siya ay nag-averaged ng 24.6 points per game na may 52.8 effective filed goal percentage at 56.4 shooting percentage naman siya sa kaniyang career.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga idol.
Sa kabuoan nga ng nakaraang seasons, sinubukan ng Warriors na maayos ang nasirang relasyon sa pagitan nina Draymond Green at Jordan Poole, at hindi nga nila nagawang maayos iyon ayon sa pinlano nila.
Si Poole nga ay nag-struggle sa inconsistencies buong season, habang si Green naman ay napagtibay muli ang kaniyang sarili bilang isang importanteng player ng Warriors.
Naging malinaw na nga sa ating lahat na ang relasyon nilang dalawa ay hindi na nga naging maganda, na kinailangan nang i-trade ang isa sa kanila upang makakilos na sila ng maalwan.
Pero ang talaga raw na rason kung bakit inialis ng Warriors sa kanila itong si Poole ay higit pa raw sa mga differences nila ni Green, kung ang salita ni Charles Barkley ang ating pagbabatayan, mga idol.
Ito ang sinabi ni Barkley sa isang interview sa kaniya ng NBC Sports Bay Area habang siya ay nasa golf course, na ayaw na raw ng Warriors kay Jordan Poole.
Marami na nga ang nakapag-isip na si Poole ay magiging malaking bahagi para sa Warriors para sa mga taon pang darating.
Naglaro siya ng malaking role sa kanilang naging run sa kampeonato last year, at agad naman siyang binigyan ng reward ng Warriors ng isang four-year extension worth $140 million.
At ngayon nga ay inalis na siya ng Warriors sa kanila at ang naging kapalit ay ang tumatanda na na si Chris Paul, mga idol.
Gayun pa man, sinabi rin ni Barkley na ito na ang golden opportunity ni Poole upang pindutin na ang reset button at hasain na ang kaniyang kahusayan sa lugar kung saan hindi na niya kailangan mag-command ng mas malaki sa spotlight.
Comments
Post a Comment