Reaksiyon ni Max Christie sa chant sa kaniya na MVP, Jordan Poole nagsalita na patungkol sa pagkaka trade niya sa Washington Wizards, at Fred VanVleet frustrated nga ba sa Toronto Raptors kaya lumipat ng ibang team?



Reaksiyon ni Max Christie sa chant sa kaniya na MVP, Jordan Poole nagsalita na patungkol sa pagkaka trade niya sa Washington Wizards, at Fred VanVleet frustrated nga ba sa Toronto Raptors kaya lumipat ng ibang team?


Unahin na nating pag-usapan, mga KaDribol, itong patungkol kay Fred VanVleet.

Ang isa sa naging mahalagang parte ng kampeonatong nakuha ng Raptors ay umalis na nga sa kanila, ang star point guard na si VanVleet, na nagdesisyon na pumirma ng bagong kontrata sa ibang koponan at ito nga ay sa Houston Rockets.

At pagkatapos nga ng pag-alis niya sa Toronto, naglitawan naman ang mga rumors patungkol sa kaniya at kay Pascal Siakam na frustrated nga raw sila sa Raptors, at ang rumors na ito na ibinabato sa kanilang dalawa ni Siakam ay sinagot na nga niya ngayon.


Aminado naman siya na may marami nang nangyayaing kaguluhan sa Raptors last season, mga KaDribol, at isa na nga raw dito ay ang kamuntikan na silang di makapasok ng Play-In  dahil sa na exposed ang kanilang kahinaan na naging dahilan nga ng pagbagsak ng kanilang koponan.

Na bagaman nagawa naman nila na makapasok sa Play-In subali't tinalo naman sila agad ng Chicago Bulls sa unang round ng playoffs sa isang nakakadismayang paraan, at ngayon ay handa na nga ang Raptors na mag-move on sa kanilang star point guard, ngayon na siya ay nasa Houston na.

At ang ipinalit ng Raptors dito kay VanVleet ay ang dating point guard ng Los Angeles Lakers na si Dennis Schroder, at sila ay aasa na makakatulong si Schroder na mapalakas ang rotation ng kanilang backcourt, ngayon na wala na sa kanila itong si VanVleet.


At para naman sa mga sinabi ni Jordan Poole patungkol sa pagkaka trade sa kaniya sa Wizards, mga KaDribol.

Minsan na ngang tinignan itong si Poole na magiging future cornerstone ng Golden State Warriors, na siya raw ang pwedeng maipalit kina Stephen Curry at Klay Thompson kapag natapos na ang kanilang mga careers sa NBA.

Pero hindi na nga mangyayari pa iyon ngayon, matapos na siya ay mai-trade na nga sa Washington, na para sa kaniya ay expected na raw niya na siya ay iti-trade ng Warriors, at ngayon ay handa na raw niyang harapin ang opportunity na mag-shine sa Wizards dahil sa ibibigay sa kaniya na malaking role kapag nagsimula na ang bagong season.


Makakasama niya si Kyle Kuzma sa Wizards na kapipirma lang ng bagong kontrata na apat na taon, mga KaDribol, na nagkakahalaga ng $102 million, at si Poole naman ay may hawak na apat na taon ding kontrata na nakuha niya sa Warriors na nagkakahalaga naman ng $128 million.

Sa unang apat na seasons ni Poole sa NBA, siya ay nag-averaged ng 15.8 points, 2.7 rebounds at 4.5 assists, 42.1 percent shooting sa field at 33.9 percent shooting naman sa tres.

At para naman sa naging reaksiyon ni Max Christie sa chant sa kaniya na MVP, mga KaDribol.


Tinalo nga ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors sa Las Vegas Summer League nitong Sabado sa score na 103-96, at hindi nila makukuha ang panalo kung wala ang magandang paglalaro ni Christie.

Sa loob ng 31 minutes niyang paglalaro, siya ay nagtapos na may 22 points, 7 rebounds, 2 assists at 2 blocks, 6-for-11 shooting sa field at 3-for-5 shooting naman sa tres, kaya naman nakatanggap siya ng chant sa mga fans ng MVP sa second quarter ng kanilang game.

At pagkatapos ng game, mga KaDribol, nagsalita siya at nagbigay ng kaniyang reaksiyon patungkol doon at sinabi na pakiramdam daw niya na para siyang si Austin Reaves, ang bente anyos nga na si Christie ay nakapaglaro na ng  isang taon sa Lakers ay binitiwan ang mga katagang "I feell like Austin Reaves."


Siya ay nag-average ng 3.1 points, 1.8 rebounds, 0.5 assists, 0.2 steals, 0.2 blocks, 0.3 turnovers, at 0.8 personal fouls per game sa loob ng 41 games appearances niya last season sa Lakers, at impressive din ang accuracy ng tira niya sa tres na siya ay nakapag-convert ng 41.9 percent shooting sa tres bilang isang rookie.

At kapag nagpatuloy siya sa ganitong klaseng paglalaro, makakakuha talaga siya ng lugar para sa rotation ng Lakers sa susunod na season, at sana lang ay patuloy pa rin niyang pangunahan ang Lakers sa Summer League ngayong summer.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.