Reaksiyon ni LeBron James sa muli niyang pagpapalit ng kaniyang jersey number, ibinahagi niya sa Twitter.
Reaksiyon ni LeBron James sa muli niyang pagpapalit ng kaniyang jersey number, ibinahagi niya sa Twitter.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Brian Windhorst na may pag-asa pa rin daw ang potential na reunion nina LeBron James at Kyrie Irving.
Bago nga pumirma ng kontrata itong si Irving sa Dallas Mavericks, nagkaroon ng maraming usap-usapan patungkol sa potential na paglipat niya sa Los Angeles Lakers at mangyari na nga ang reunion nila ni LeBron.
Nagwakas nga ang mga usapang ito ng si Irving ay pumirma na ng tatlong taong kontrata sa Mavs na nagkakahalaga ng $126 million.
Pero kapag si Brian Windhorst ang tatanungin, posible pa rin daw na mangyari ang reunion nina LeBron at Irving, dahil interesado pa rin daw si LeBron na maging kakampi si Irving sa hinaharap, at gusto pa rin daw nito ang ideya na makasama sa isang team si Irving, sa concept na maglalaro siya na kasama sina Irving at Anthony Davis.
At ang best big man daw na naitambal kay LeBron ay ito ngang si Davis, mga KaDribol, at ang best guard naman na naitambal sa kaniya ay itong si Irving.
Alam naman natin na hindi pa aalis si Irving sa Mavs, dahil may gusto pa siyang mapatunayan matapos ang kaniyang mga naunang buwan na nakaka-dissapoint na kasama si Luka Doncic, pero alam din naman na natin kung papaano kumikilos itong si Irving.
Pinuwersiya niya ang pag-trade sa kaniya sa kaniyang koponan ng ilang beses na, at pwede pa ring gawin niya iyon kapag hindi naging maganda ang patutungahan ng Mavs ngayong season.
Si LeBron naman ay gusto pang manalo ng marami pang kampeonato at walang duda na malaki ang maitutulong sa kaniya ni Irving upang ma-achieve ang goal na iyon.
At si Brian Windhorst ang nagsasalita dito, mga KaDribol, kaya dapat nga nating paniwalaan na ang reunion nina LeBron at Irving ay posible pa rin na magkaroon ng katuparan.
At para naman sa naging reaksiyon ni LeBron James sa muli niyang pagpapalit ng kaniyang jersey number na ibinahagi niya sa Twitter, mga KaDribol.
Inanunsiyo na nga ni LeBron na papalitan na niya ang kaniyang number 6 pabalik sa number 23 bilang pagpapakita ng respect kay Bill Russell, at siya ay may isang simpleng reaksiyon na isang emoji para sa opisyal na announcement sa kaniyang pagpapalit ng numero sa Twitter.
Hindi nga ito ang kauna-unahan na magsusuot itong si LeBron ng No.23 jersey sa Lakers, dahil ginamit na niya ito nu'ng unang napadpad siya sa Los Angeles at gamit na niya iyon hanggang 2021, kung saan sila nga ay nagkampeon taong 2020 na gamit niya ang No.23.
Nagpalit siya ng numero, number 6, pagpasok ng 2021-22 season at gamit niya iyon hanggang sa 2022-23 season, pero ngayon ay babalik na siya sa No.23.
Nu'ng ginamit nga ni LeBron ang number 6, mga KaDribol, inisip na ng ilan na gagamitin na ni Anthony Davis ang number 23, subali't nanantili pa rin siya sa paggamit ng No.3, dahil gusto raw kase niya na No.3 ang maisasabit sa rafters sa Lakers kapag siya ay magretiro na.
Inaasahan nga ngayon na muling lalaban ang Lakers para sa titulo sa season ng 2023-24, ngayon na nakaabot naman sila sa Western Conference Finals last season matapos na mapa-improve at mapalalim nila ang kanilang koponan dahil sa mga trades na naisagawa nila.
Bagaman na nawalis sila ng Denver Nuggets sa West Finals, nagawa naman nilang malagpasan ang malalakas ding mga koponan na Memphis Grizzlies at Golden State Warriors.
At ngayon nga ay umaasa ang mga fans ng Lakers na ang pagbalik ni LeBron sa paggamit ng No.23 ay makapagbigay muli sa kanila ng isang kampeonato, mga KaDribol.
At iyon daw ang expectation ng kanilang prankisa ngayon ayon kay coach Darvin Ham, matapos na sila ay matalo sa Nuggets, kaya't abangan na lang natin kung mabuhay nga ang Lakers sa gayong expectations sa kanila sa pagpasok nila sa panibagong season.
Comments
Post a Comment