Potensiyal na backup para kay Klay Thompson na nagpapasiklab para sa roster spot sa Summer League California Classic.
Potensiyal na backup para kay Klay Thompson na nagpapasiklab para sa roster spot sa Summer League California Classic.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong isang bargain-bin free agent na dapat targetin ng Warriors.
Pagkatapos nga ng isang linggong free agency, may ilang bargain-bin free agents na maaring targetin ng Warriors upang mapalakas pa ang chance nila na magcompete para sa kampeonato.
Ang Warriors nga ay tumitingin pa rin sa mga beteranong makapagdaragdag ng lalim sa kanilang roster, na mapapapirma nila sa murang halaga.
At ang kailangan ngayon ng Warriors ay size dahil marami na silang guard ngayon, at narito ang isang bargain-bin free agent na maaring maidagdag nila sa kanilang frontcourt upang ito ay mapalalim pa.
At ito ay si Dario Saric na available pa rin hanggang ngayon, mga idol, at mataas daw ang posibilidad na mapapirma nga nila itong big man na Croatian.
Pero sa ngayon, wala pa rin silang isinusulong na anoamang deal para kay Saric, pero siya pa rin ay mananatiling ideal free agent na papipirmahin ng Warriors.
Siya ang eksaktong kailangan ng Warriors dahil sa kaniyang skills, isang big man na may mataas na basketball IQ, na talaga namang aangkop sa klase ng opensa ni Steve Kerr.
At dahil siya ay may career 36 percent sa tres, magagamit siya bilang floor spacer at long distance threat, at maganda rin siya na gawing option nila sa plug-and-play na kasama ang hindi mga shooters na sina Draymond Green at Kevon Looney.
Bukod sa kaniyang 3-point shooting, mga idol, magaling din siya na playmaker, at ang kaniyang underrated vision at solid passing skills ay magpapadali para sa kaniyang mga kakampi na makapuntos.
Kaya't mainam talaga na itong si Saric ay bigyang pansin ng Warriors sa bargain-bin free agents at siya ay subukan nila para sa darating na bagong season.
At para naman sa potensiyal na backup para kay Klay Thompson na nagpapasiklab ngayon sa Summer League para makakuha ng roster spot sa Warriors, mga idol.
Ito ay si Lester Quiñones, na naging biggest takeaway ng Warriors sa naging panalo nila laban sa Charllote Hornets nitong Huwebes sa score na 98-83 sa California Classic.
Matapos na siya ay nakapuntos ng 26 points sa kaniyang 16 shots sa pagbubukas ng Summer League, siya naman ay pumuntos ng 21 points sa ikalawa nilang game, 2 rebounds at 3 assists, 8-of-16 shooting sa field.
Siya rin ang kanilang naging primary defender para kay Brandon Miller sa halos kabuoan ng game, na nagawa niya na makapuntos lamang si Miller ng 6 points.
Habang siya ay engaged sa depensa, mga idol, ang kaniya namang opensa ay makakapagbukas naman ng mata ng front office ng Warriors upang siya ay gawaran ng isang guaranteed contract.
Ilan bang players ng Warriors bukod kay Stephen Curry na may kakayahan sa handles, sa passing at sa pag-shoot mula sa dribble hand-off na walang kahirap-hirap gaya ng nagagawa ni Quiñones?
Wala na ngang mahahanap pa ang Warriors sa minimun market na may mas magandang blend ng shot-making at makakapagbigay ng comfort sa sistema ni Kerr kundi si Quiñones lamang.
Naghahanap nga ngayon ang Warriors sa free afency ng isang player na makakapag-ambag agad sa kanila, at kayang maibigay ito sa kanila ni Quiñones, isang multi-level scorer, secondary playmaker at maasahan na defender mula sa bench.
Si Quiñones ay may taas lamang na 6-foot-4 na alanganin para sa Warriors na gawin nilang isang wing defender, mga idol, at baka malimitahan lang siya sa garbage-time minutes kapag sila ay fully healthy.
At baka magamit lamang din siya sa likod nina Cory Joseph at Brandin Podziemski sa backcourt sa bawa't laban, lalo na kung available naman sina Stephen Curry, Klay Thomposn at Chris Paul.
Pero mainam pa rin naman kung siya ay isasama nila sa kanilang final roster, mga idol, dahil may maibibigay naman talaga siya sa Warriors, at kitang-kita ito sa paglalaro niya ngayon sa Summer League.
Comments
Post a Comment