Plano ni Rob Pelinka para sa huling dalawang roster spot nila ikatutuwa ni Anthony Davis, Kontrata ni Desmond Bane sa Memphis Grizzlies kauna-unahan sa lahat ng player na pumirma ng limang taong kontrata, at Isaiah Thomas susumusubok pa rin na makabalik sa NBA.
Unahin na nating pag-uspan ang patungkol dito kay Isaiah Thomas, mga KaDribol.
Ang 11-year veteran na si Thomas ay patuloy pa ring sumusubok na makabalik sa NBA, at siya nga ngayon ay nakatanggap ng ilang magandang balita bilang reward sa kaniyang pagpupursige.
Ayon sa dating NBA star at ngayon ay analyst na si Jamal Crawford, si Thomas daw ay magkakaroon ng private na pagwo-workout sa ilang NBA teams sa Las Vegas sa darating na Martes.
Matagal na ngang sinusoportahan ni Crawford itong si Thomas sa pagnanasa nito na makabalik sa liga, dahil na rin sa halos pareho ang pinagdaanan nila bago nga siya ay nagretiro na sa NBA nitong March.
At dahil nga na ang trentay kwatro anyos na si Thomas ay may history na sa kaniyang naging injury, mga KaDribol, hindi natin masasabi kung meron pa talaga siyang maibubuga upang makumbinse niya ang alinmang team na siya ay kunin nila.
Huli siyang naglaro sa koponan ng Charlotte Hornets sa season ng 2021-22, at siya ay nag-averaged ng 8.3 points per game, 43.3 percent shooting sa field at 39.7 percent shooting naman sa tres sa loob ng 17 games, matapos na pumirma ng dalawang 10-day contract sa Hornets.
May mas magagaling na mga players na maaring kunin ang mga teams kaysa kay Thomas, lalo na sa stage ngayon ng kaniyang career.
Kaya't mahirap isipin na makakabalik pa siyang muli sa NBA, pero maganda rin na i-monitor natin ito at tignan kung magagawa nga niya na may kumuha pa sa kaniya at siya ay makabalik muli.
At para naman sa pinirmahang kontrata ni Desmond Bane sa Grizzlies, mga KaDribol.
Sa Memphis Grizzlies pa rin nga maglalaro itong si Desmond Bane matapos na siya ay pumirma ng limang taong kontrata na nagkakahalaga ng $207 million extension, na ang $192 million doon ay guaranteed money at ang $8.7 million naman ay incentives.
At ang kontratang pinirmahan niya ay kauna-unahan para sa Collective Bargaining Agreement o CBA, dahil dati, ang anomang limang taong extension ay palagi nang para sa isang maximum contract, at ito ngang sa kaniya ay ang kauna-unahang extension na hindi nahulog sa isang maximum amount.
Si Bane nga ay naging isang solid at productive na member ng Grizzlies, at nalagpasan na niya ang inaasahan sa kaniya nu'ng siya ay ma-draft na pang No.30 pick sa 2020 NBA Draft.
Siya ay nag-averaged ng 21.5 points, 5.0 rebounds, 4.4 assists at 1.0 steal per game last season, 47.9 percent shooting sa field at 40.8 percent shooting naman sa tres, mga KaDribol.
Siya ay originally na draft ng Boston Celtics at nai-trade sa Grizzlies, na sa kaniyang rookie year, siya ay nag-averaged pa lamang noon ng 9.2 points per game.
Sa season ng 2021-22, siya ay nag-averaged ng 18.2 points at nadevelop siya bilang isang consistent long-range shooter, na siya ay nakapag-connect ng 43.6 percent sa kaniyang mga tirada sa tres.
At iyon ang nagdala sa kaniya upang maging full-time starter ng Grizzlies, at ngayon nga ay mas malaki ang aasahan sa kaniya sa pagbubukas ng panibagong season dahil na rin sa pagkakasusupinde ni Ja Morant.
At para naman sa plano ni Rob Pelinka na ikatutuwa ni Anthony Davis, mga KaDribol.
Ang isa nga sa mga goals ni Rob Pelinka ngayong offseaaon na inilantad na niya ngayon ay para sa ikatutuwa ni Anthony Davis, dahil gusto ni Pelinka na magdagdag pa sa kanila ng isang sentro.
Alam naman na natin na karamihan ng success na nakukuha ng Los Angeles Lakers ay dahil sa kanilang superstar duo na sina Davis at LeBron James, subali't si Davis ay nag-struggle sa kaniyang mga naging injuries sa nakalipas na mga taon.
At ang pagkuha nga ng isang sentro ang mas tamang gawin ngayon ni Pelinka, upang mapanatili nila na laging fresh itong si Davis sa kabuoan ng season, na karamihan nga ng kanilang mga plays sa opensa at depensa ay inaako na niya.
Nagawa naman na nila na mapa-improve at mapalalim ang kanilang roster last season sa trade deadline, mga KaDribol, na nakatulong nga sa kanila upang makaabot sa West Finals laban sa nagkampeon na Denver Nuggets.
At ito ngang si coach Darvin Ham ay inaasahan na ang kanilang kopanan ay muling magiging title contender sa panibagong season na darating, lalo na at nasa kanila pa rin itong sina LeBron at Davis.
At pwede pa nga nilang palakasin ang kanilang team sa plano na ito ni Pelinka na magdagdag pa ng isang legit na sentro sa kanilang koponan, upang medyo makahinga naman ng maluwag-luwag ang kanilang superstar duos.
Ang Lakers nga ay mayroon pang natitirang dalawang bakante na roster spot sa kanilang koponan, kaya ang magdagdag nga ng isa o dalawang legit na sentrong makakatulong sa kanila ay ang mas tamang gawin nga ngayon ni Rob Pelinka.
Comments
Post a Comment